Friday, September 12, 2014

KathNiel, Ipadarama sa 'Be Careful' Viewers ang Magic ng First Love

Matinding excitement ang idinulot sa fans kamakailan ng teaser ng "Be Careful With My Heart" na nagtampok sa mga nakakikilig na patikim na eksena nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa top-rating kilig-serye ng ABS-CBN.

Ang teaser na unang umere noong Miyerkules (Setyembre 10) ay kaagad nang naging worldwide trending topic sa Twitter ang hashtag na "KathNiel on BCWMH Teaser" dahil sa matinding buhos ng positibong reaksyon kaugnay ng KathNiel love team na gaganap bilang sina Manang Fe (Gloria Sevilla) at Mang Anastacio (Carlos Salazar) noong kanilang kabataan.

Paano nangyari na ang simpleng magka-chat ngayon ay may mas malalim palang ugnayan sa nakaraan? Sa pagbabalik-tanaw nina Manang Fe at Mang Anastacio sa kanilang kabataan, muli bang manumbalik ang nadarama nila para sa isa't isa? May pagkakapareho ba ang love story nila sa pagmamahalan nina Maya (Jodi Sta. Maria) at Ser Chief (Richard Yap)?

Huwag palampasin ang "limited engagement" cameo roles ng KathNiel love team at muling damahin ang tamis at pait ng unang pag-ibig sa number one feel-good habit ng bayan na "Be Careful With My Heart," araw-araw, bago mag-"It's Showtime" sa Primetanghali block ng ABS-CBN. I-tweet ang inyong saloobin at opinyon kaugnay ng special KathNiel episodes simula ngayong Lunes (Setyembre 15) gamit ang hashtag na #LimitedEngagement.

Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa ABS-CBN.com, sundan ang @becarefulheart sa Twitter, at i-"like" ang official Facebook page ng show sa Facebook.com/becarefulwithmyheartofficial.

Wednesday, August 27, 2014

Jessy Mendiola, Gaganap na Madre sa 'MMK'

Madreng tapat sa kanyang bokasyon ang karakter na bibigyang-buhay ng Kapamilya actress na si Jessy Mendiola sa upcoming episode ng "Maalaala Mo Kaya" ng ABS-CBN ngayong Sabado (Agosto 30).

Mula pagkabata, pinangarap na ni Marie (Jessy) ang maging madre kung kaya't kailanman ay hindi siya nagpaligaw sa mga lalaki. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala ni Marie si Nick (Edgar Allan Guzman), ang kanyang unang pag-ibig na inakala niyang malilimutan niya pagpasok sa monasteryo.

Anong gagawin ni Marie sa sandaling magkrus muli ang landas nila ng kanyang first love? Susubukin ba ng pagbabalik ni Nick ang pangako ni Marie sa kanyang bokasyon?

Tampok rin sa "MMK" ngayong Sabado sina Vangie Martelle, Karen Dematera, Alex Diaz, AJ Muhlach, Lemuel Pelayo, Lloyd Samartino, Chienna Filomena, at Kristel Fulgar. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Garry Fernando at panulat nina Joan Habana at Arah Jell Badayos. Ang "MMK" ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos at creative manager na si Mel Mendoza-Del Rosario.

Sa loob ng 23 taon, naging bahagi ng bawat pamilyang Pilipino saan man sa mundo ang "Maalaala Mo Kaya" na bawat Sabado ay nagpapaluha, nagpapangiti, at nagbibigay-inspirasyon sa TV viewers sa pamamagitan ng mga totoong kwentong buhay na ibinabahagi ng letter-senders ng programa.

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, "MMK," tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng "Wansapanataym" sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang Facebook.com/MMKOfficial. I-tweet ang inyong saloobin at opinyon kaugnay ng episode ngayong Sabado gamit ang hashtag na #MMKTheVow.

Sunday, August 24, 2014

Daniel Matsunaga, Itinanghal na 'PBB All In' Big Winner

Pinangalanang Big Winner ng "Pinoy Big Brother All In" ang Brazilian-Japanese model na si Daniel Matsunaga matapos magtala ng pinakamalaking porsiyento ng net votes sa "PBB All In: The Big Night" noong Linggo (Aug 24) sa Resorts World Manila.

Nadaig ni Daniel ang ibang teen, regular, at celebrity housemates ng makasaysayang edisyon . Nakakuha siya ng 11.69% na net votes nang ipagsama ang kanyang 18.52% 'votes to save' at -6.83% 'votes to evict.'

Nang tanungin kung bakit sa tingin niya'y binoto siya ng mga manonood, maluha-luhang sinabi ni Daniel, "Sa tingin ko dahil mahal na mahal ko kayo. Some people would think na hindi ako Filipino, pero I am so much more proud to be a Filipino at heart than many others out there na hindi proud sa country."

"I'm thankful, first to God, who gave me this opportunity. One day sinabi Niya sa akin na I have a purpose dito sa Pilipinas, and I guess this purpose is today. Mahal na mahal ko kayo," dagdag pa niya.

Tinaguriang "Hunk of the World ng Makati" si Daniel nang pumasok siya sa sikat na Bahay ni Kuya noong Mayo sa unang live eviction ng "PBB All In." Bilang Big Winner, nagwagi siya ng P1 milyon, tatlong business franchise, Asian tour for two, at isang bagong condominium unit.

Pinangalanan namang 2nd Big Placer at nanalo ng P500,000 ang teen housemate na si Maris Racal, na nakatanggap ng 3.1% net votes. Sumunod ang aktres na si Jane Oineza ang bilang 3rd Big Placer na may -0.73% net votes, habang ang regular housemate na si Vickie Rushton ang naging 4th Big Placer na may -0.78% net votes. Nakakuha sina Jane at Vickie ng P300,000 at P200,000. Wagi naman ang Big Four housemates ng home entertainment package.

Pinangunahan nina Toni Gonzaga, Bianca Gonzalez, John Prats, at Robi Domingo ang Twitter-trending na Big Night, na nagtampok din sa "PBB" alumni na sina Kim Chiu, Sam Milby, Melai Cantiveros, Jason, Francisco, Ejay Falcon, Matt Evans, Alex Gonzaga, celebrities na sina Joseph Marco at Tutti Caringal, at ang lahat ng ex-"PBB All In" housemates.

Naging makasaysayan ang "PBB All In" dahil sa pagpapakilala nito ng ilang housemates sa iba't ibang Kapamilya programs bago ang aktwal na kick-off, ang pagdadaos ng huling eviction night isang araw bago ang Big Night, at ang sama-samang pagtira ng 19 teen, regular, at celebrity housemates.

Friday, August 22, 2014

Sino si 'Miss Ripley'?

Nakabibighani ang kanyang ganda ngunit hindi nakikita ng  mga mata na ang kanyang buong pagkatao ay binabalot ng kasinungalingan. Ano nga ba ang nananatiling totoo sa mundong nabuo sa panlilinlang?

Makikilala mo na si Emily, ang pinakabagong bida-kontrabida sa primetime, simula Lunes (Aug 25) sa pag-uumpisa ng naiiba at mapang-akit na Koreanovela na "Miss Ripley."

Tampok bilang Emily si Lee Da Hae, na unang kinagiliwan ng maraming Pilipino sa hit seryeng "My Girl," sa kanyang pinakamapangahas na pagganap sa telebisyon. Sasamahan siya rito ni Park Yoo Chun bilang Marco na kinahumalingan naman sa mga seryeng "Rooftop Prince," "My Secret Love: Sungkyunkwan Scandal," at "Missing You."

Sa kagustuhang takasan ang kanyang mapait na nakaraan at nakagisnang buhay sa Japan, magsisimulang muli si Emily sa pamamagitan ng pagbalik sa Korea. Maghahanap siya ng trabaho ngunit hindi ito magiging madali dahil high school lang ang kanyang tinapos.

Sa kanyang kagustuhang makaangat agad sa buhay kung kaya't naisip niyang magpanggap bilang ibang tao at pinaniwala ang hotel manager na si William na siya ay nakapagtapos sa University of Tokyo. Si William sa mga panahong iyon ay naghahanap ng taong marunong magsalita ng Hakata at dahil galing Japan, alam ni Emily ang naturang wika.

Tuluyang mabubulag si Emily ng ambisyon at bukod sa trabahong inaasam, kukunin niya rin ang loob ni Wiliiam at papaibigin ito. Dito magkukrus ang landas nila ni Marco, ang tagapagmana ng malalaking hotel chain sa bansa. Para sa babaeng hahamakin ang lahat makuha lang ang gusto, iindahin ni Emily ang nararamdaman ni William at aakitin din si Marco palapit sa kanya.

Hanggang saan dadalhin ng ganid si Emily? Sino sa dalawang lalaki ang handang maninidigan para sa kanya sa oras na maisiwalat na ang tunay niyang pagkatao?

Pakatutukan ang "Miss Ripley" simula sa Lunes (Aug 25) pagkatapos ng "Aquino and Abunda Tonight" sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, sundan ang @Kapamilyanovela sa Twitter o i-like ang official Kapamilyanovela Facebook page sa http://www.facebook.com/ABSCBNKapamilyanovelas.

'Himig Handog P-Pop Love Songs 2014' Finals Night, Sa September 28 Na!

Magaganap na sa Setyembre 28 (Linggo), 7:30PM, sa Mall of Asia Arena ang finals night ng pinakamalaking multimedia songwriting competition sa bansa na "Himig Handog P-Pop Love Songs 2014."

Bibigyang-buhay ng ilan sa pinakasikat na Filipino recording artists ang 15 napiling kanta sa "Himig HandogPinoy Pop (P-POP) Love Songs 2014."

"Mas matindi ang labanan ngayong taon dahil mas malawak ang itatampok nating genres ng mga awiting sinulat ng magkahalong veteran at bagong songwriters. At dahil d'yan ay mayroon tayong exciting mix ng singers na mag-iinterpret ng ating mga bagong 'Himig Handog' hits," pahayag ng Star Music head na si Roxy Liquigan kaugnay ng bagong edisyon ng "Himig Handog P-Pop Love Songs."

"Magbabalik bilang 'Himig Handog' interpreters sina Angeline Quinto, Daniel Padilla, Juris, Bugoy Drilon, Jovit Baldivino, Marion Aunor, Jessa Zaragoza, at KZ Tandingan. Pero may mga first-timer rin tayo gaya nina Ebe Dancel at Abra, Jugs at Teddy, Janella Salvador, Morisette Amon, Hazel Faith dela Cruz, Michael Pangilinan, at Jed Madela," ani Liquigan.

Si Angeline ang aawit ng "Hanggang Kailan" na komposisyon ni Jose Joel Mendoza; si Daniel ng kantang "Simpleng Tulad Mo" ni Meljohn Magno; Juris ng "Hindi Wala" ni Nica del Rosario; Morisette ng "Akin Ka Na Lang" ni Francis Louis Salazar; Jessa ng "Bumabalik ang Nagdaan" ni Sarah Jane Gandia; Jovit ng "Dito" nina Raizo Brent Chabeldin at Biv De Vera; Ebe Dancel kasama si Abra ng "Halik sa Hangin" ni David Dimaguila; Jed ng "If You Don't Want to Fall" ni Jude Gitamondoc; Janella ng "Mahal Kita Pero" ni Melchora Mabilog; KZ ng "Mahal Ko o Mahal Ako" ni Edwin Marollano; Bugoy ng "Umiiyak ang Puso" ni Rolando Azor; Jugs at Teddy ng "Walang Basagan ng Trip" ni Eric De Leon; Marion kasama sina Rizza and Seed "Pumapag-ibig" ni Jungee Marcelo; at  Michael ng "Pare Mahal Mo Raw Ako" ni Jovinor Tan. Samantala, ang songwriter-finalist namang si Hazel Faith ang interpreter ng sarili niyang komposisyong "Everything Takes Time."

Ang 15 finalist songs ng "Himig Handog Pinoy P-POP Love Songs 2014" ay eksklusibong mapapakinggan na rin sa radyo at internet sa pamamagitan ng official FM station ng ABS-CBN na MOR 101.9 For Life! at sa "MOR TV" nito sa www.mor1019.com.

Sa ika-anim nitong taon, patuloy ang "Himig Handog" sa pagtuklas ng mga de-kalibreng Filipino composer na may mga obra-maestrang tiyak na tatatak sa puso ng mga nakikinig at mamahalin ng maraming henerasyon. Ilan sa original Pinoy music (OPM) classic love songs na sumikat sa pamamagitan ng "Himig Handog" ang "Hanggang" ni Wency Cornejo, "Kung Ako na lang Sana" ni Bituin Escalante, "Kung Ako ba Siya" ni Piolo Pascual, "Bye Bye Na" ni Rico Blanco, "This Guy's in Love with You Pare" ni Chito Miranda, at ang dalawang big hit noong 2013 na "Nasa Iyo Na Ang Lahat" ni Daniel at "Anong Nangyari Sa Ating Dalawa" ni Aiza Seguerra. 

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa about "Himig Handog P-Pop Love Songs," bisitahin ang Facebook fanpage ng Star Records na www.facebook.com/starrecordsphil o i-follow ang @starrecordsph sa Twitter.

 

Wednesday, August 20, 2014

ABS-CBN Philharmonic Orchestra, Pakikiligin at Pasasayawin ang Madlang People

Inilunsad na ng Star Records ang debut album ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra na may titulong "Decades of OPM" na nagbibigay-pagkilala sa ilan sa pinakamagagandang original Pilipino music (OPM) noong '70s, '80s '90s at 2000s.

Tapat sa hangarin nitong ipakilala ang musika ng orkestra sa puso ng mas nakararaming Filipino, tampok sa album ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra ang natatangi nitong kolaborasyon kasama ang ilan sa pinakamahuhusay na mang-aawit sa bansa kabilang sina Gary Valenciano, Martin Nievera, Vina Morales, Angeline Quinto, Yeng Constantino at Piolo Pascual, at pinakasikat na recording stars ngayon gaya nina Daniel Padilla, Enrique Gil, at Abra.

Maghandang kiligin sa mga bagong bersyon ng ilan sa all-time videoke favorites ng mga Pinoy na inawit sa saliw ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra. Bahagi ng tracklist ang "Kapalaran" na kinanta ni Gary V, "Hawak Kamay" ni Yeng, "Himig Handog Suite" (Medley of Hanggang/Kung Ako Na Lang Sana/Ano'ng Nangyari Sa Ating Dalawa/Hindi Na Bale) na inawit ni Angeline, "Rey Valera Suite" (Medley of Pangako/Tayong Dalawa/Kung Tayo'y Magkakalayo), "Mula Sa Puso (orchestra only), "Tubig at Langis (orchestra only), at "Be My Lady" na tinugtog kasama ang award-winning composer-arranger na si Louie Ocampo.

Bukod sa ballads, maghandang mapasayaw sa pagtugtog ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra sa mga pumatok na Pinoy dance hit songs na tiyak na muling magpapaindak sa bagong henerasyon. Kinanta ni Daniel ang "OPM Dance Suite" (Medley of Awitin Mo Isasayaw Ko/Katawan/Rock Baby/Tayo'y Magsayaqan) at sina Enrique at Abra ang nagsanib-pwersa para sa bagong bersyon ng "Totoy Bibo." Tinugtog rin ng orkestra ang "Pinoy Ako," ang theme song ng hit reality show ng ABS-CBN na "Pinoy Big Brother."

Bahagi rin ng album ang bonus tracks na "Please Be Careful With My Heart" (orchestra only), "Maging Sino Ka Man" ni Martin, "After All" nina Martin at Vina, at "Kung Kailangan Mo Ako" ni Piolo. 

Ang "Decades of OPM" CDs mabibili na mga record bar sa buong bansa sa halagang P350 lamang. Mada-download naman ang digital format ng mga kanta sa Starmusic.ph, Amazon.com, Mymusicstore.com.ph, at iTunes. 

Ang 42-piece ABS-CBN Philharmonic Orchestra ay pinangungunahan ng kilalang conductor na si Maestro Gerard Salonga. Ito ay isang joint venture ng ABS-CBN at First Philippine Holdings Corp. 

Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng "Decades of OPM" album ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra, bisitahin ang Facebook fanpage ng Star Records sa Facebook.com/starrecordsphil o sundan ang @starrecordsph sa Twitter.

Bea, Enjoy sa Tarayan Nila ni Maricar sa 'Sana Bukas ang Kahapon'

Aminado ang Movie Queen ng bagong henerasyon na si Bea Alonzo na natutuwa siya sa tuwing may maiinit na komprontasyon ang mga karaketr nila ni Maricar Reyes sa top-rating primetime drama series ng ABS-CBN na "Sana Bukas Pa Ang Kahapon." 

"Nag-eenjoy kami lagi ni Maricar tuwing nag-aaway at nagtatarayan kami sa mga eksena namin bilang si Sasha at Rose," pahayag ni Bea kamakailan nang mag-renew siya ng kanyang two-year contract sa Kapamilya network. 

"Nakakatuwang gawin 'yung away scenes dahil sa totoong buhay hindi namin 'yun ginagawa. Challenge para sa amin na gawing kapani-paniwala sa viewers 'yung tarayan at sagutan namin," ani Bea kaugnay ng kanilang roles na mainit na pinag-uusapan maging sa social networking sites. 

Taliwas sa alitan ng kanilang mga karakter sa "Sana Bukas Pa ang Kahapon," sinabi ni Bea na maayos ang samahan nila off-cam ni Maricar at ng kanyang leading man na si Paulo Avelino na gumaganap sa kwento bilang si Patrick, ang lalaking kapwa mahal nina Rose at Sasha. Aniya, "Lagi kaming nagtatawanan nina Maricar at Paulo sa set. Dahil sa soap na ito, mas naging close kami sa isa't isa." 

Samantala, tiyak na mas paiinitin ng "Sana Bukas Pa Ang Kahapon" ang gabi ng TV viewers ngayong hindi na papipigil pa si Rose sa kanyang paghihiganti sa lahat ng taong sumira sa buhay niya. Paano ipagpapatuloy ni Rose ang kanyang plano laban kina Sasha at Patrick ngayong may nararamdaman pa rin siya para sa kanyang asawa? Mapagtatagumpayan pa rin ba niya ang paghahanap sa tunay na pumatay kay Emmanuelle at sa kanyang ama? 

Sa ilalim ng Dreamscape Entertainment Television, ang "Sana Bukas Pa Ang Kahapon" ay kwento ng dalawang magkaibang babae na naghahangad na makamit ang hustisya. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Trina Dayrit at Jerome Pobocan. 

Huwag palampasin ang mga makapigil-hiningang eksena sa "Sana Bukas Pa Ang Kahapon" gabi-gabi pagkatapos ng "Ikaw Lamang" sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng "Sana Bukas Pa Ang Kahapon," bisitahin lamang ang official social media accounts ng programa sa Facebook.com/SBPAK.TV, Twitter.com/SBPAK_TV, at Instagram.com/DreamscapepH.

Monday, August 4, 2014

ABS-CBN Panalo Pa Rin sa National TV Ratings Noong Hulyo

Pinakapinanood pa rin sa mas maraming kabahayan sa buong bansa ang ABS-CBN noong Hulyo sa kabila ng kawalan ng kuryente sa ilang lugar sanhi ng bagyong Glenda. Base sa datos ng Kantar Media, nakakuha ang ABS-CBN ng average audience share na 43%, o siyam na puntos na mas mataas sa nakuha ng GMA na 34%.

Mas mapagkakatiwalaan ang datos ng Kantar Media na batay sa 2,609 na kabahayan sa parehong urban at rural areas sa bansa. Mas marami at eksakto kaysa sa service provider ng ibang networks, ang AGB Nielsen, na mayroong 1,980 kabahayan na nakabase lamang sa mga urban area.  Kinakatawan ng Kantar Media ang 100% ng mga kabahayang may telebisyon sa Pilipinas, habang umano'y 57% lamang ang kinakatawan ng AGB Nielsen dahil hindi kasama ang rural areas sa datos nito.

Makikita rin sa datos ng Kantar Media noong Hulyo ang patuloy pamamayagpag ng ABS-CBN sa primetime (6PM-12MN) sa average audience share na 50%, o 18 puntos na mas mataas sa 32% ng GMA.

Wagi rin ang Primetime Bida sa iba pang bahagi ng bansa gaya ng Balance Luzon (mga lugar sa Luzon na nasa labas ng Mega Manila), Visayas, at Mindanao. Nagtala ito ng average audience share na 53% sa Balance Luzon, 63% sa Visayas, at 61% sa Mindanao, habang 31%, 23%, at 24% naman ang nakuha ng primetime block ng GMA sa mga nasabing lugar.

Ang primetime ang pinakamahalagang timeblock dahil sa mga oras na ito may pinakamaraming nanonood kung kaya't importante ito sa advertisers na naglalagay ng patalastas para maabot ang mas nakararaming Pilipino sa buong bansa.

Ang patuloy na pangunguna ng ABS-CBN sa primetime ay pinalakas ng mga nangungunang programang "TV Patrol," "Ikaw Lamang," "Sana Bukas Pa Ang Kahapon," at mga bagong teleseryeng "Hawak Kamay" at "Pure Love."

Pilot episode pa lang ng "Hawak Kamay" at "Pure Love" ay nanguna na ito sa kani-kanilang timeslot. Ang pagbabalik ni Piolo Pascual sa family dramang "Hawak Kamay" ay nagtala ng national TV rating na 24%, o higit sa siyam na puntos na mas mataas sa kalabang nitong "Niño" na may 15.5%, noong Hulyo 21. Ang "Pure Love" naman na pinagbibidahan nina Alex Gonzaga and Yen Santos ay nakakuha ng 19.5% noong Hulyo 7, habang may 10.7% naman ang katapat nitong "My BFF."

Pumalo sa national TV rating na 27.3% ang pagtatapos na primetime fantaseryeng "Mirabella" noong Hulyo 4, samantalang may 10.5% naman ang kalaban nitong "My BFF" sa nasabing araw.

Naabot naman ng "The Voice Kids" ang panibagong all-time high national TV rating nito na 37.7% sa unang gabi ng finale nito noong Hulyo 26. Nanatili rin sa unang pwesto ang katatapos lamang na singing reality show sa listahan ng pinakapinanood na programa sa bansa noong Hulyo sa average national TV rating of 33.6%.

Nakuha ng ABS-CBN ang lahat ng pwesto sa listahan ng sampung programang pinakapinanood noong Hulyo. Bukod sa "The Voice Kids" nanguna rin ang "Dyesebel" (27.2%), "Maalaala Mo Kaya" (26.4%), "Hawak Kamay" (25.9%), "Ikaw Lamang" (25.4%), "TV Patrol" (25.3%), "Mirabella" (24.4%), "Wansapanataym" (23%), "Rated K" (21.3%), at "Home Sweetie Home" (20.2%) sa nasabing buwan. Pasok naman ang "Pure Love" (18.3%), "Sana Bukas Pa Ang Kahapon" (18.3%), at "Goin' Bulilit" (17.2%) sa top 15.


Sunday, July 27, 2014

Lyca, Wagi Bilang Kauna-unahang 'The Voice Kids' Grand Champion

Wagi bilang kauna-unahang grand champion ng "The Voice Kids" ang siyam na taong gulang na si Lyca Gairanod ng Cavite matapos niyang makuha ang pinakamaraming text at online votes mula sa taongbayan sa two-night finale ng top-rating at Twitter-trending na singing-reality show.

Nanguna sa botohan ang pambato ni coach Sarah Geronimo base sa tatlong rounds na Power Ballad, Upbeat Song, at Special Performance with a Celebrity Guest upang manalo ng P1 milyon, one-year recording contract mula sa MCA Universal, house and lot, home appliance showcase, musical instrument showcase, at P1 milyong worth ng trust fund.

Pumangalawa naman si Darren Espanto ng Team Sarah, kasunod sina Juan Karlos Labajo ng Team Bamboo at Darlene Vibares ng Team Lea sa ikatlo at ikaapat na pwesto.

Nagwagi si Lyca matapos kantahin ang "Narito Ako" ni Regine Velasquez para sa kanyang ballad at ang "Call Me Maybe" ni Carly Rae Jepsen sa kanyang upbeat song noong Sabado ng gabi (Hulyo 26), ngunit ang talagang tumatak sa mga manonood ay ang kanyang performance ng "Basang Basa sa Ulan" at pakikipagsabayan sa bandang Aegis noong Linggo (Hulyo 27) na umani ng standing ovation mula kay coach Lea Salonga, Bamboo, at sa audience ng Resorts World Manila.

Hindi pa man nagsisimulang umere ang "The Voice Kids" ay gumawa na ng ingay si Lyca dahil sa kanyang blind audition performance ng "Halik" ng Aegis na nagsilbing isa sa mga teaser para sa pagsisimula ng programa at naging isang viral hit.

Sa kanyang pagsuong at pagtatagumpay sa Battle Rounds, Sing-Offs, at Live Semi-Finals, nabansagan si Lyca bilang ang "little superstar" matapos siyang ikumpara ni coach Lea kay Nora Aunor. Dito rin mas nakilala pa si Lyca bilang ang batang may pangarap na lumaki sa kahirapan bilang anak ng amang mangingisda na minsa'y tinutulungan ang kanyang ina na mangalakal ng basura. Naibahagi rin ni Lyca noon na minsa'y kumakanta siya para sa kanyang mga kapitbahay para bigyan ng pera o pagkain.

Talagang inabangan, tinutukan, at pinag-usapan ng maraming netizens ang pag-aanunsyo ng unang "The Voice Kids" grand champion dahil sa pagte-trend sa buong bansa at worldwide sa Twitter ng #TheVoiceKidsChampion, #TVKDarrenForTheChampion, #WowAngGwapoNiLuis, Jhong Hilario, Lani Misalucha, Gary V and JK, You Are My Song, at iba pang hashtags.

Sa star-studded na Sunday finale, nag-perform din ang ibang finalists na sina Darren kasama si Martin Nievera, si Juan Karlos kasama si Gary Valenciano, at si Darlene kasama si Lani Misalucha. Binuksan ang nasabing gabi, na pinangunahan ng hosts na sina Luis Manzano at Alex Gonzaga, ng isang performance kasama ang Final Four young artists, tatlong coaches, at ang "The Voice of the Philippines" Season 1 grand winner na si Mitoy at finalists na sina Klarisse de Guzman, Myk Perez, at Janice Javier.

Mula nang magsimula itong umere noong Mayo, ang "The Voice Kids" ang naging pinaka-tinututukang programa sa buong bansa. Nakamit ng programa ang all-time high national TV rating nitong 37.6% noong Hunyo 8.

Inaasahan namang magsisimula ang "The Voice of the Philippines" Season 2 bago magtapos ang taon. Para sa updates, bisitahin ang thevoice.abs-cbn.com, i-like ang www.facebook.com/thevoiceabscbn sa Facebook o i-follow ang @thevoiceabscbn the Twitter at @abscbnthevoice sa Instagram.

Friday, July 25, 2014

Ultimate Vocal Showdown ng 'The Voice Kids' Coaches Lea, Bamboo at Sarah sa 'ASAP19'

Saksihan ang ultimate vocal showdown ng "The Voice Kids" coach na pangungunahan nina Lea Salonga, Bamboo, at Popstar royalty Sarah Geronimo  ngayong Linggo (July 27).  May patikim din si Mr. Pure Energy Gary Valenciano para sa "Arise The Repeat" concert.

Muling magsasama sina Kim Chiu at Maja Salvador sa isang exciting Supahdance collaboration; paiinitin naman ang ASAP stage ng  "Once a Princess" star Erich Gonzales at "My Trophy Wife" star Cristine Reyes; hahataw ng Supahdance craze hits si Jhong Hilario kasama ang Mini-me child wonders na sina Nickzy Calma, John Steven De Guzman, at Rhaine Santos. Hataw-to-the-max kasama sina Shaina Magdayao, John Prats, Arron Villaflor, Rodi Domingo, Gimme 5's Nash, Grae, John, Joaquin at Brace. Kaabang-abang din ang extreme birthday bash ni Iya Villania.

Meron ding non-stop concert treat mula kina Martin Nievera, Piolo Pascual, Zsazsa Padilla, Yeng Constantino, Vina Morales, Erik Santos, Angeline Quinto, Klarisse De Guzman, Morissette Amon, Nikki Gil, Paolo Valenciano, Nyoy Volante, Tutti Caringal at ang ASAP Sessionistas. Bibida naman si Yael Yuzon ng Sponge Cola para sa Acoustic Sessions. Tampok naman sa Karaoke Kantahan ang mga hits ng Ultimate MultiMedia Star Toni Gonzaga kasama sina Alex Gonzaga at Marcelito Pomoy.

Makisaya sa "ASAP 19," Asia's Outstanding Variety Show sa 2014 ASIAN Rainbow TV Awards, ngayong Linggo, 12:15nn, sa ABS-CBN. Para sa TV viewers na nais bumili ng ASAP official merchandise, bumisita lamang sa ABS-CBN Store sa ground floor ng ELJ building sa Quezon City, o bumisita lamang sa www.abs-cbnstore.com.

Maki-hang-out nang live kasama ang stars ng ASAP Chill-Out sa pamamagitan ng pag-log on sa ASAP.abs-cbn.com. Makisaya rin sa official networking accounts ng "ASAP 19" sa Facebook.com/asapofficial at Twitter.com/ASAPOFFICIAL.

Vice Ganda, Hahataw Kasama ang PBB All In Housemates sa 'The Big Concert' Ngayong Sabado

Matapos makipag-bonding kasama ang housemates ng "Pinoy Big Brother All In" sa kanyang pagbisita kamakailan sa Bahay ni Kuya, muli niyang makakasama ang mga ito para sa isang ultimate hatawan ngayong Sabado (Hulyo 26) sa "PBB All In: The Big Concert" kung saan nakasalalay ang tagumpay ng kanilang weekly task.

Makikipagsabayan si Vice sa production number ng "Boom Panes," na isa lamang sa mga pinaghahandaang song and dance numbers at iba pang pasabog ng housemates.

Bukod diyan, makakasama rin ng unkabogable star at "It's Showtime" host sina Erich Gonzales, Enchong Dee, at dating "PBB" housemate na si Jason Gainza upang husgahan kung papasa ba ang show para sa kanila. Magtagumpay at mapabilib kaya nila ang celebrity judges?

Isa lang ang "Big Concert" sa malalaking events ngayong linggo sa Bahay ni Kuya. Kabilang na rito ang pa-party para ipagdiwang ang ika-18 na kaarawan ni Jane na inihanda pa mismo ng housemates para sa kanya. Nakisaya sa nasabing selebrasyon ang Kapamilya stars na sina Nash Aguas, Jairus Aquino, Diego Loyzaga, at ex-housemate na si Axel para sorpresahin ang dalaga. Ngunit ang pinakanakakagulat na guest ng gabi ay ang basketball star na si Jeron Teng na minsan nang na-link kay Jane. Ano kaya ang epekto nito lalo na kay Joshua na tila pinagselosan ang pagdalaw nina Jeron at Axel? Lalo ba nitong paaapuyin ang tampuhan nina Joshua at Jane?

Huwag bibitiw at subaybayan ang mga pangyayari sa loob ng Bahay ni Kuya sa "Pinoy Big Brother All In" kasama si Toni Gonzaga gabi-gabi pagkatapos ng "Aquino & Abunda Tonight" sa Primetime Bida at sa "Pinoy Big Brother All In Uber" kasama sina Bianca Gonzalez, John Prats, at Robi Domingo pagkatapos ng "Moon of Desire" sa Kapamilya Gold. Samantala, samahan naman gabi-gabi sina Slater Young at Joj at Jai Agpangan sa "Ubertime Online" sa pinoybigbrother.com/livechat para pag-usapan ang mga pangyayari sa loob ng Bahay ni Kuya.

Alamin ang mga pinakabagong kaganapan sa Bahay ni Kuya at sundan ang kanyang Secretary sa @PBBabscbn sa Twitter o i-like ang www.facebook.com/OfficialPinoyBigBrotherAbsCbn.

Tuesday, July 22, 2014

Kapamilya Stars at Programs, Nanguna sa Yahoo! Celebrity Awards 2014

Muli na namang nagningning ang mga personalidad at programa ng ABS-CBN sa Yahoo! Celebrity Awards matapos mauwi ng mga ito ang pinakamaraming bilang ng tropeyo sa idinaos na awards night kamakailan, sa pangunguna ng teleserye princess na si Kim Chiu.

Nakatanggap ng pinakamaraming online at Kakao Talk votes si Kim para tanghaling Celebrity of the Year at Actress of the Year. Pinatunayan din ng fans nila ni Xian Lim ang kanilang pagmamahal para sa kanilang idolo dahil wagi sa ikalawang magkasunod na taon ang KimXi bilang Fan Club of the Year, habang panalo naman ang pinagbidahan nilang "Bride for Rent" bilang Movie of the Year.

Pinarangalang Social Media Star of the Year si Vice Ganda, habang itinanghal namang Love Team of the Year ang kanilang onscreen tandem ng "It's Showtime" co-host na si Karylle.

Nakuha naman ng top-rating primetime soap na "Ikaw Lamang" ang Teleserye of the Year award, samantalang kinilala rin ang mga bida nitong sina Coco Martin at Jake Cuenca bilang Actor of the Year at Male Kontrabida of the Year.

Pinangalanan naman si Kris Aquino bilang ang Female TV Host of the Year, si Vhong Navarro bilang Male TV Host of the Year, si Julia Barretto bilang Female Emerging Star, si JC de Vera bilang Male Emerging Star for, at si Andrea Brillantes bilang Child Star of the Year.

Samantala, nanguna sa botohan ang "The Voice Kids" coaches na sina Sarah Geronimo at Bamboo sa kategoryang Female at Male Performers of the Year. Natamo naman nina Gretchen Ho, ang host ng programang "Team U" ng ABS-CBN Sports + Action at DJ Chacha ng MOR 101.9 ang Female Hothlete of the Year at Female DJ of the Year awards.

Muli ring nagwagi ang "TV Patrol" bilang ang News Program of the Year.

Ang Yahoo! Celebrity Awards, ang dating Yahoo! OMG Awards, ay isa sa mga pinakamalaking awards show sa bansa na kinikilala ang mga pinakapopular na personalidad at programa sa musika, pelikula, radyo, at telebisyon.

Friday, July 18, 2014

'Hawak Kamay' Magbibigay Inspirasyon sa mga Pamilya Simula Lunes

Paano mababago ng responsibilidad ng pagigng ama sa tatlong ampon ang buhay ng isang lasenggong nangangarap maging sikat na musikero?

Ito ang magiging tanong sa bagong family drama ng ABS-CBN na "Hawak Kamay" na malapit nang mag-premiere, kung saan mapapanood ang pagbabalik ni Piolo Pascual sa mundo ng teleserye pagkatapos ng tagumpay ng kanyang nakaraang pelikulang "Starting Over Again".

Makakasama ni Piolo sa "Hawak Kamay" ang tatlo sa mga pinakamahuhusay na child star ng bansa na sina Zaijan Jaranilla, Andrea Brillantes, at Xyriel Manabat. Ipinakikilala rin sa "Hawak Kamay" ang bagong child star na si Yesha Camille, na naging Grand i-Shiner matapos i-mentor ni Piolo sa pangalawang season ng Promil Pre-School i-Shine Talent Camp.

Ang "Starting Over Again" co-star din ni Piolo na si Iza Calzado ay kasama sa cast, pati na rin ang singer-actress na si Nikki Gil, ang "Banana Split: Extra Scoop" at "Banana Nite" mainstay na si Ryan Bang, ang "She's Dating the Gangster" cast member na si Sofia Andres, ang former Pinoy Big Brother housemate na si Axel Torres, at ang nagkaka-comeback na si Victor Neri.

Ang "Hawak Kamay" ay kwento ni Gin (Piolo Pascual) na isang lasenggong bumibitaw na sa pangarap niyang maging sikat na musikero. Dahil sa isang aksidente, mapupunta kay Gin ang responsibilidad na kunin ang tatlong batang in-adopt ng kanyang namatay na kapatid: sina Emong (Zaijan Jaranilla), Dara (Xyriel Manabat), at Ningning (Yesha Camile). Ang set-up na ito ay babantayan ng isang matapang na attorney, si Bianca (Iza Calzado) at ng kanyang kapatid na si Lorrie (Andrea Brillantes), na makakakita kung tama ba si Gin para sa tatlong mga bata. Sa paghaharap nilang lahat sa iba't ibang bagay ay unti-unting malalaman nila kung ano ba talaga ang importante sa buhay at kung ano talaga ang ibig sabihin ng pagiging bahagi ng isang pamilya.

Sa Linggo (July 20) isang araw bago mag-premiere ang serye ay pwedeng makasama ng live ang cast ng "Hawak Kamay" na sina Piolo, Iza, Zaijan, Xyriel, Andrea, at Yesha sa isang mall show na gaganapin sa Fairview Terraces ng 4:00pm.

Huwag palampasin ang simula ng kwento ng "Hawak Kamay" na mapapanood simula Lunes (Hulyo 21) pagkatapos ng "TV Patrol" sa ABS-CBN. Para sa mga update, sundan ang opisyal na website ng "Hawak Kamay" (hawakkamay.abs-cbn.com), i-like ang "Hawak Kamay" sa Facebook (www.facebook.com/HawakKamayTV), at sundan ang "Hawak Kamay" sa Twitter at Instagram (@HawakkamayTV).

Friday, March 7, 2014

Coco at Kim, May Once-in-a-Lifetime Date sa 'ASAP 19'

Non-stop surprises at de-kalibreng performances ang matutunghayan sa “ASAP 19” ngayong Linggo (Marso 9) na handog ang once-in-a-lifetime grand launch ng pinaka-inaabangang master serye ng ABS-CBN na “Ikaw Lamang,” sa pangunguna ng lead stars nitong sina Coco Martin, Kim Chiu, Julia Montes, at Jake Cuenca.

Kasama rin sa selebrasyon ang iba pang miyembro ng powerhouse cast ng “Ikaw Lamang” na sina Tirso Cruz, John Estrada, Angel Aquino, Ronaldo Valdez, Cherry Pie Picache, Daria Ramirez, Ronnie Lazaro, Spanky Manikan, Meryl Soriano, Lester Lansang, Zaijan jaranilla, Xyriel Manabat, Louise Abuel, at Alyana Angeles.

Bukod sa pagsalubong ng cast ng bagong Kapamilya teleserye, tuluy-tuloy ang kasiyahan ngayong Linggo hatid ng “Honesto” stars na sina Joel Torre, Cristine Reyes, Nonie Buencamino, Jason Fransisco, Malou Crisologo, Janna Agoncillo, Melissa Ricks, Eddie Garcia, Janice de Belen, Paulo Avelino, at Raikko Mateo sa grand farewell nito sa loyal viewers ng numero unong primetime teleserye.

Sa pinakaunang pagkakataon naman, magsasama ang Queen of Pinoy Soap Opera na si Judy Ann Santos-Agoncillo at ang kanyang anak na si Lucho sa “ASAP” stage; habang may must-see pasabog naman ang “Dyesebel” star na si Anne Curtis.

Maki-join din sa buong ASAP Kapamilya sa enggrande nitong back-to-back birthday bash para kina “ASAP” leading man Gerald Anderson at teen star Julia Barretto.

Kaabang-abang din ang nakakaaliw na performance ng teen stars na sina Nash Aguas, Alexa Ilacad, Jon Lucas, Janella Salvador, Marlo Mortel, Ella Cruz at Paul Salas ; at heartthrobs na sina Sam Concepcion at ang former Giggerboys na sina Robi Domingo, Enrique Gil, Enchong Dee, Chris Gutierrez, at Arron Villaflor.

Samantala, mabighani sa makapigil-hiningang dance moves sa Supah Dance kasama sina Maja Salvador, Rayver Cruz, John Prats, Iya Villania at Bugoy Cariño.

Tiyak namang makikikanta ang lahat sa natatanging concert experience na hatid nina Medwin Marfil of True Faith, Sam Milby, Yeng Constantino, Zia Quizon, Paolo Onesa, Tuti Caringal, at ang ASAP Sessionistas.Huwag ding palampasin ang nakakabilib na world-class concert spectacle mula kina Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Piolo Pascual, Erik Santos, Angeline Quinto, at Gary Valenciano.

Huwag palampasin ang longest-running at award-winning variety show ng sambayanan, “ASAP 19,” ngayong Linggo, 12:15 ng tanghali sa ABS-CBN.

Para sa TV viewers na nais bumili ng ASAP official merchandise, bumisita lamang sa ABS-CBN Store sa ground floor ng ELJ building sa Quezon City, o bumisita lamang sa ABS-CBNstore.shopinas.com at MyRegalo.com.

Makihang-out nang live kasama ang stars ng ASAP Chill-Out sa pamamagitan ng pag-log on sa ASAP.abs-cbn.com. Makisaya rin sa official networking accounts ng “ASAP 19” sa Facebook.com/asapofficial at Twitter.com/ASAPOFFICIAL, at makibalita sa latest happenings sa programa sa pamamagitan ng pag-tweet ng hashtag na #ASAPCelebrate.

Thursday, January 30, 2014

ABS-CBN Primetime Bida, Pinapanood ng Mas Maraming Pinoy

Pinagharian ng ABS-CBN shows ang primetime TV at naging top 5 most
watched TV programs sa buong bansa noong Lunes (Enero 27), kung kailan
naglunsad ang kompetisyon ng mga bago nitong teleserye, base sa dotos
mula sa Kantar Media.

Pinakapinanood na TV show ang napapanahong programa tungkol sa
katapatan na "Honesto." Pumalo ito sa all-time high national TV rating
nitong 33.3%. Ang Primetime Bida series na pinagbibidahan nina Paulo
Avelino at Kapamilya child star na si Raikko Mateo ay lamang ng
mahigit 18 puntos kumpara sa katapat nitong programa sa GMA na
"Adarna" na mayroon lamang 14.9%.

Tinutukan naman ng buong bayan ang "TV Patrol" para sa mga nagbabagang
balita kabilang ang pinakabagong detalye kaugnay ng kaso ng
pambubugbog kay Vhong Navarro. Namayagpag ito bilang pangalawang
most-watched TV program taglay ang national TV rating na 33.1%, o
lampas 18 puntos na lamang sa 14.8% ng katapat nitong newscast na "24
Oras."

Umariba sa ikatlong pwesto ang "Got To Believe" na may 29.8% national
TV rating, o lampas 15 puntos na kalamangan kumpara sa 14.4% ng bagong
katapat na "Carmela."

Kasunod ng "Got To Believe" ang "Annaliza" na nanatiling panalo taglay
ang 23.7% national TV rating o 14 puntos na lamang sa 9.6% pilot
rating ng bago nitong katapat na "Paraiso Ko'y Ikaw."

Samantala, reyna agad ng timeslot nito ang pinakabagong family drama
series na "The Legal Wife," na pinagbibidahan nina Angel Locsin, Maja
Salvador, JC de Vera at Jericho Rosales. Panglima ito sa
'most-watched' TV programs sa bansa taglay ang 21% national TV rating.
Talo ng 10 puntos ang karibal nitong "Rhodora X" na nagkamit lamang ng
pilot rating na 11%.

Wagi rin sa timeslot nito ang finale week ng Koreanovela na "When A
Man Falls In Love." Panalo ito sa nakamit na 9.4% national TV rating,
kumpara sa katapat nitong "A 100-Year Legacy" na may 6.8% lang.

Tagumpay rin sa TV ratings game ang trending entertainment talk show
ng ABS-CBN na "Buzz ng Bayan" na namayagpag sa listahan ng
most-watched TV shows noong Linggo (Enero 26) taglay ang national TV
rating na 20.5%. Ang episode na nagtampok sa premium exclusive
interview ni Boy Abunda kay Vhong ay naging no. 1 Sunday TV program,
ka-tie ang Kapamilya sitcom na "Home Sweetie Home."

Ang datos mula sa Kantar Media ay batay sa 2,609 na kabahayan sa
parehong urban at rural areas na kumakatawan sa 100% ng kabuuang TV
viewing population ng Pilipinas.

Huwag palampasin ang sunod-sunod na de-kalidad na programa tuwing
gabi--"Annaliza," "TV Patrol," "Honesto," "Got To Believe," "The
Legal Wife," at "When A Man Falls In Love"--sa ABS-CBN Primetime Bida.
At para laging updated sa pinakamaiinit na balitang showbiz, abangan
rin ang "Buzz ng Bayan" tuwing Linggo ng hapon pagkatapos ng "Luv U."

Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan
ang @abscbndotcom sa Twitter.

Tuesday, January 28, 2014

ABS-CBN, DZMM at MOR 101.9, Hinakot ang Best Station Awards sa UPLB Gandingan 2014

Kasabay ng pagpasok ng bagong taon ay ang pagpasok din ng mga parangal para sa ABS-CBN mula sa katatapos lang na “Gandingan 2014: The 8th UPLB Isko't Iska's Broadcast Choice Awards” kung saan kinilala ang kapamilya network bilang ang Most Development-Oriented TV station at DZMM bilang Best AM station sa dalawang magkasunod na taon, at ang MOR 101.9 naman bilang Best FM station.

Nakakuha ang ABS-CBN ng 21 parangal mula sa mga estudyante ng University of the Philippines-Los Banos (UPLB) kumpara sa 19 ng GMA 7 kaya naman ang Kapamilya Network muli ang pinakapinarangalan sa Gandingan para sa taong ito.

Wagi ang ABS-CBN sa television categories kabilang ang “TV Patrol” na kinilalang Best News Program, “The Bottomline” bilang Best Development-Oriented Talk Show at ang host nito na si Boy Abunda bilang Best Developmen-Oriented Talk Show Host, “Maalaala Mo Kaya” bilang Best Development-Oriented Drama Program, “Wansapanataym” bilang Best Development-Oriented Children’s Program, “Matanglawin” bilang Best Educational Program, “My Puhunan” bilang Best Livelihood Program para sa episode nitong “Lugaw Queen,” at ang El Gamma Penumbra plug ng Choose Philippines bilang Best Development-Oriented TV Plug. Ginawaran din ang ABS-CBN ng Gandingan ng Kaunlaran award.

Nanguna naman para sa radio categories ang DZMM at MOR 101.9 kung saan pinarangalan si Ted Failon bilang Best AM Announcer, “Failon Ngayon” bilang Most Development-Oriented Radio Program, “Suriang Bayan sa SRO” bilang Most Development-Oriented Radio Plug, DJ Chacha bilang Best Disk Jock, at “Dear MOR” bilang Most Development-Oriented FM Program.

Samantala, muling naiuwi ng broadcast journalist at TV personality na si Kim Atienza ang Gandingan ng Edukasyon special award, ganoon din ang radio host na si Carl Balita na kinilala ring muli bilang Gandingan ng Kabuhayan.

Ginawaran din ng special citations ang programang “Bayanijuan: Leptospirosis” ng ABS-CBN North Central Luzon para sa Best Regional TV Program at “TV Patrol Palawan” ng ABS-CBN Palawan para sa Best Regional News Program.

Ang Gandingan Awards ang taunang awards program ng UP Community Broadcaster’s Society sa UPLB. Mahigit isang libong estudyante ng UPLB ang bumoboto taun-taon ng mga programa at perso­nalidad na nagtataguyod ng mga isyu para sa kaunlaran.

Sunday, January 26, 2014

'It's Showtime' Hosts, Nag-alay ng Dasal Para Kay Vhong Navarro

Nag-alay ng dasal ang hosts ng "It's Showtime" noong Sabado (Jan 25) para sa patuloy na paggaling ng kanilang co-host na si Vhong Navarro, habang bumuhos naman online ang suporta mula sa madlang people para sa actor-comedian at poot para sa kanyang sinapit matapos napabalitang binugbog ito sa isang condominium sa Taguig City nitong linggo.

"Maraming, maraming salamat po sa lahat ng mga Kapamilya natin na nakasama namin sa pagdadasal kagabi, sa mga nagparamdam ng kanilang pagmamahal kay Vhong ," pahayag ni Vice Ganda sa pagbubukas ng noontime show. "Nagpapasalamat po kami dahil buhay si Vhong at makakasama pa natin siya."

"Vhong, nandito kami para sa 'yo. We'd like to take this moment to pray for you," sabi ni Anne Curtis na hindi mapigil ang kanyang mga luha bago pangunahan ang pagdadasal para kay Vhong.

Nanguna naman ang hashtag na #PrayForVhongNavarro sa listahan ng trending topics sa Twitter worldwide matapos mag-tweet ang iba't ibang celebrities at fans ng mga mensahe ng suporta para kay Vhong.

"I just found out the news about Vhong Navarro... It's so sad people do such thing. Please please #PrayForVhongNavarro to recover fast!" ayon sa user na si @SherRosa.

Nag-tweet naman si @SuperIDee ng "Pray for Vhong's fast recovery and for justice. Be strong & get well! We love you!"

"God knows that Vhong is great guy. He knows how Vhong treasures people in his life. We love you Vhong. #PrayForVhongNavarro," dagdag pa ni @_zxcvicerylle.

Mawawala nang pansamantala si Vhong sa "It's Showtime" para sa kanyang patuloy na pagpapagaling, ayon sa kanyang manager na si Chito Rono.

Friday, January 24, 2014

Sa Wakas, Piolo at Toni Magsasama sa 'Starting Over Again'

TIYAK na maraming iibig muli sa nalalapit na buwan ng mga puso sa pag-rilis ng Star Cinema sa Starting Over Again – isang nanamang obra mula kay Olivia Lamasan kung saan tampok sina Piolo Pascual at Toni Gonzaga sa kanilang pinaka-aabangan na tambalan sa pelikula.

Mula ng magsimula ang Star Cinema sa selebrasyon ng ika-20th na anibersaryo nito, nag-prodyus at nagalay ang Star Cinema ng mga di malilimutang line-up ng mga de kalidad na pelikula na ipinagdiriwang ang makulay na buhay ng mga Pinoy. Hindi magiging kumpleto ang anibersaryo ng Star Cinema kung hindi sila maglalabas ng isang pelikula na gawa ni Olivia Lamasan na isa sa pinaka-mahusay na direktor ng iconic na film outfit. Ika-11th na pelikula ni Lamasan ang Starting Over Again sa Star Cinema at muling ipinapakita ng pelikula ang kanyang brilyo bilang isa sa pinaka-respetadong direktor ng bansa. Ang di mapapantayang mga pelikulang nilikha ni Lamasan ay punong puno ng mga di malilimutang istorya at makatotohanang mga karakter na itinuturing lahat ngayon bilang certified Filipino klasiks.

Kakaibang love story ang alay ng Starting Over Again sapagkat nangangahas itong baguhin ang paniniwala na bawat romantic film ay dapat magkaroon ng "happily ever after" para sa mga karakter nito. Naglalayong ipakita ng pelikula ang katotohanan na bawat desisyon ng tao ay may kaukulang epekto na dapat tanggapin ng sinoman at hindi lahat ay pinagpala na magkaroon ng ikalawang pagkakataon sa pag-ibig.

Ang Starting Over Again ay naka-sentro kina Ginny (Toni Gonzaga) at Marco (Piolo Pascual) na dating magkasintahan na may "unfinished business" na dapat nilang tapusin para sa kanilang relasyon.

Ito ang pinaka-hihintay na kolaborasyon sa pelikula nina Piolo at Toni na dalawa sa pinakamalaking bituin ng ABS-CBN. Nagtrabaho na sina Piolo at Toni 13 taon na ang nakakalipas sa isang popular na commercial sa TV kung saan si Piolo ang "object of desire" ng isang batang-batang Toni. Ang pamosong linya ni Toni, na talagang kanyang pinasigawan, ang "I love you Piolo" ay nananatiling isa sa pinaka-di malilimutang taglines na sinambit sa kasaysayan ng Philippine advertising.

Magmula ng unang tumakbo ang kanilang TVC, ipinagpatuloy nina Piolo at Toni ang kani-kanilang mga karera. Pinagpatuloy ni Piolo ang kanyang acting career bilang "Ultimate Leading Man" ng industriya. Siya ay isang multi-awarded na aktor at isa sa mga pangunahing product endorsers ng bansa. Lumabas si Piolo sa mga pinaka-mahuhusay na pelikulang Pilipino at ang kanyang pinakahuling achievement ay ang kanyang magaling na paganap sa pelikulang OJT. Si Toni naman, ay naging isang Box-Office Queen ng Philippine movies mula sa kanayang munting pangarap na maging isang artista. Ngayon, napaka-laki ng kanyang fan-base at itinuturing si Toni bilang "The Ultimate Multi-Media Star" na reyna di lamang sa larangan ng pelikula ngunit sa telebisyon at musika din.

Tapos na ang napakatagal na paghihintay sa Starting Over Again dahil sa  wakas magsasama na sina Piolo at Toni sa kaunaunahang pagkakataon sa "long overdue romantic comedy" na ito.

Maaari pa bang manumbalik ang init ng pagibig matapos masaktan ang puso? Totoo ba talaga ang true love at destiny? Kailan ba dapat ipaglaban ang isang relasyon? Diskubrihin natin ang mga kasagautan sa nalalapit na romantic comedy na ito. Ipapalabas ang Starting Over Again sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa  ngayong Valentine's.

Mga Bading Na Pogi, Bida sa Bagong Segment ng 'It's Showtime' na 'I Am Pogay'

Hindi lahat ng mga bading ay gustong maging beauty queen, dahil marami sa kanila, kuntento na sa kanilang gandang lalaki. Ang mga bading na ito ang mga bida at bagong tinitilian sa bagong segment na "I Am PoGay" ng nangungunang noontime show na "It's Showtime."

Pagkatapos pumatok ang "That's My Tomboy," pagkakataon naman ng mga bakla na ipamalas at maglaban-laban sa kapogian, talino, at talent sa "I Am PoGay."

Gumawa na ito ng ingay online dahil sa teaser pa lang na ipinalabas noong nakaraang linggo kahit hindi pa man ito opisyal na inilulunsad. Talaga namang inabangan ng publiko ang una nitong contestants kung kaya't nag-numero uno ang hashtag na #IAmPoGay sa listahan ng trending topics sa buong mundo sa launch nito noong Sabado (Jan 18).

Para sa mga gustong mag-audition para sa "I Am PoGay," pumunta lang sa ABS-CBN Audience Entrance sa Quezon City at hanapin si Danjosh Zacarias mula Lunes hanggang Biyernes, 3-6PM at magdala ng valid ID, pictures, at audition materials.

Maaarin ring mag-audition online sa pamamamagitan ng pag-email ng pictures at contact information ng contestant sa iampogay@gmail.com.

Manatiling manood ng "It's Showtime," 12:30PM mula Lunes hanggang Biyernes at 12NN tuwing Sabado kasama ang hosts na sina Anne Curtis, Vice Ganda, Vhong Navarro, Billy Crawford, Karylle, Kuya Kim Atienza, Teddy Corpuz, Jugs Jugueta, Jhong Hilario, Ryan Bang, Coleen Garcia, at Eric 'Eruption' Tai sa ABS-CBN. Para sa updates ng programa, sundan ang @ItsShowtimena sa Twitter o i-like angwww.facebook.com/itsShowtimena.

Thursday, January 23, 2014

Khalil, Textmate ni K Brosas sa 'MMK'

Sa kauna-unahang pagkakataon, bibida sa "Maalaala Mo Kaya" ng ABS-CBN ang singer-comedienne na si K Brosas. Gagampanan ni K ngayong Sabado (Enero 25) ang karakter ng mabuti at masayahing maybahay na si Neneng na nahumaling bilang textmate ng binatang si Janus (Khalil Ramos). Ano ang nagtulak sa isang huwarang ina na takasan ang "totoong buhay" at mas paglaanan ng oras ang isang 'di lubusang kakilala? Kasama rin nina K at Khalil sa "MMK" episode sina Dennis Padilla, Gemmae Custodio, Miko Aytona, Moi Bien, Paul Salas, Harvey Bautista, Zeppi Borromeo, Aleck Bovic, Wendy Valdez, Liezel Garcia at Emmanuelle Vera. Ang kwento ay idinerek ni Garry Fernando, isinulat ni Arah Jell Badayos, at isinaliksik ni Agatha Ruadap. Ang "MMK" ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos, production manager na si Roda Dela Cerna, at executive producer na si Fe Catherine San Pablo. Huwag palampasin ang "MMK" ngayong Sabado ng gabi pagkatapos ng "Wansapanataym" sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-"like" ang Facebook.com/MMKOfficial.