Friday, October 16, 2009

ARIEL URETA, MAGBABALIK-TELEBISYON SA “GEORGE AND CECIL”

Magbabalik komedya ang batikang aktor at host noong dekada 70 na si Ariel Ureta ngayong Linggo (Oct 18) sa “George and Cecil.”

Matapos ang napakatagal na pamamahinga sa pag-arte sa telebisyon, matutunghayan muli si Ariel sa romantic comedy ng Dos bilang si Tereso, ang tatay ni Cecil (Ryan Agoncillo) na bumalik para ayusin ang annulment sa asawang si Maribel (Tessie Tomas).

Talagang ikinagulat ng Murillo family ang kanyang biglang pagsulpot ngunit mas ikinagulat nila na pati kirida nito ay kasama rin.

Paano kaya haharapin ni Maribel si Tereso? Ano naman kaya ang magiging reaksyon ni Cecil?

Tunghayan ang lahat ng iyan ngayong Linggo (Oct 18) sa “George and Cecil” sa bago nitong oras na 8:30 PM sa ABS-CBN.