Thursday, October 15, 2009

ERICH GONZALES, NAGSUSUMIKAP PARA SA PINAPANGARAP NA BAGONG BAHAY

Pagkatapos maapektuhan ng nakaraang bagyo, ang bida sa ‘Katorse’ na si Erich Gonzales ay lubos na nagsusumikap upang makabili ng bagong bahay, malayo sa mga bahaing lugar kung saan nasanay siya manirahan.

Sa kabila ng epekto ng malakas na unos, ang 2005 Star Circle Quest grand questor ay tumutulong pa rin sa mga ibang nabiktima sa pamamagitan ng Sagip Kapamliya.

Ibinahagi ni Erich ang kanyang karanasan sa trahedya at ang kanyang mga plano pagkatapos ng unos. "Nag-iipon nga po ako para makabili ng bahay sa mataas na lugar. Kaya nga po nagtratrabaho ako ng husto. Kahit binaha din kami, gusto ko pong tumulong sa kapwa kong mga nasalanta. Marami po kasi akong opportunity para kumita ng pera, sila, medyo nahihirapan makabangon."

Sa mga kaabang-abang na pagtatagpo sa Katorse, marami na ang makakatuklas sa relasyon nila Nene (Erich Gonzales) at Jojo (Enchong dee). Samantala, ang dating kasintahan ng dalagita na si Gabby (Ejay Falcon) ay magbabago ng nararamdaman at mapagdidesisyunang amuin muli ang ina ng kanyang anak. Sa kabilangd ako, pupunta si Jojo sa kanilang probinsya para makita si Nene. Ngunit sa kasamaang-palad, isang grupo ng magbubukid ang sasalubong at bubugbog dito. Makikita ito ni Gabby pero wala siyang gagawin.

Makakaligtas kaya ang binata sa kabila ng pagkakanulo ni Gabby? Paano kung sundin ni Nene ang kanyang ina na makipaghiwalay ito kay Jojo?

Subaybayan ang mga kapana-panabik na mga eksena sa Katorse bago mag TV Patrol World sa ABS-CBN.