Friday, October 16, 2009

SOMEWHERE IN MY HEART, MAGSISIMULA NA!

Nakakakilig na tamabalang Kaye at Guji, nagbabalik…

Ipagpatuloy ang kilig tuwing hapon sa makulay na romantic series na handog ng Precious Hearts Romances Presents Somewhere in My Heart na magsisimula ngayong Lunes, October 19, 5:15 ng hapon sa ABS-CBN.

Una nila tayong pinakilig sa Bud Brothers bilang sina Pepper at Rei at talagang sinubaybayan ng marami dahil sa di maikakailang magandang on screen chemistry. Dahil sa hiling ng kanilang dumadaming fans at supporters, sa ikalawang pagkakataon ay mapapanood ang tambalan nila Kaye Abad at Guji Lorenzana na siguradong pananabikan ng lahat ng romantiko.

Kwento ni Kaye, excited na siyang malaman kung paano gagawin ang ilan sa kanilang mga eksena lalo na ang inaabangang love scene. “Nae-excite ako dun kasi madre ako and at the same time may gusto siya sa akin. Pano niya ako aakitin, kung ano yung mangyayari... Talagang dapat mapanood ito ng mga viewers.” Aminado din si Guji na mas komportable na silang dalawa sa isa’t isa.

Binahagi din ng direktor na si Cathy Garcia- Molina na masaya siya sa kanyang bagong proyekto. “Totoong tao kasi si Femi, nagkakamali, kumakapit sa patalim, gumagawa ng mga kasinungalingan pero ang laging mahalaga naman is yung redemption after, what you learn after the mistake. Not only her, but also Aaron. Two flawed characters na matututo towards the end”, paglalahad ni Direk Cathy.

Dagdag pa nito na mas malapit na sa isa’t isa sina Kaye at Guji off cam. Nang tangungin kung mayroon nang espesyal na pagtitinginan ang dalawa, natawa na lamang ito at sinabing mapapanood ang kanilang ‘sweetness’ on screen. May nabubuo na kayang real life romance sa pagitan nina Kaye at Guji?

Magsisimula ang kwento sa buhay kolehiyo nina Femi (Kaye), isang mahirap at prankang babae na gagawin ang lahat umangat lang sa buhay. May itinatagong pagtingin si Femi sa hearthtrob ng eskwela na si Aaron (Guji) na isang mayaman, sosyal at loner na binata na ang tanging pangarap ay maging artist subalit tutol ang ama sa mga nais niyang gawin. Nang makilala niya si Femi ay naging interesado siya sa dalaga kaya naman opposites-attract talaga ang kanilang drama.

Sa isang reunion sampung taon matapos ng kolehiyo ay muling magkukrus ang landas ng dalawa at isang sorpresa ang bubungad kay Aaron - si Femi ay isa nang madre! Wala na nga banag second chance na matuloy ang nabiting pag-iibigan?

Siguradong maiinit na mga eksena ang dapat abangan kaya huwag palampasin ang Precious Hearts Romances Presents Somewhere in my Heart ngayong October 19 (Lunes), 5:15 ng hapon, pagkatapos ng Pinoy Big Brother Double Up Uber sa ABS-CBN