Makikidagdag sa kulitan at kasiyahan ang mga animated na karakter ng mga paboritong Kapamilya stars tulad nina Piolo Pascual, Sam Milby, Angel Locsin at Vhong Navarro sa Super Inggo at ang Super Tropa simula ngayong November 22, 10:15 ng umaga, pagkatapos ng "Matanglawin" sa ABS-CBN.
Dagdag pa dito, dapat din tutukan ang pagbabalik ni Judy Ann Santos bilang si Krystala, ang paborito ng mga bata na si Kokey at ang Kung fu Kids at ang nag-iisang Dyosa na si Anne Curtis. Hindi rin papahuli ang mga bituing sina Toni Gonzaga, Bea Alonzo, John Lloyd Cruz, Kuya Kim at maging si Gus Abelgas bilang animated characters.
Huwag palalampasin ang animated series na Super Inggo at ang Super Tropa tuwing Linggo simula November 22 sa ABS-CBN! Para sa iba pang detalye at impormasyon, bisitahin lang ang www.superinggo.tv















1 comments:
ang cute tlaga ni Sam Milby!
i love you samuel!
Post a Comment