Saturday, December 12, 2009

ABS-CBN CHRISTMAS SPECIAL, MAPAPANOOD NA SA DECEMBER 13

Ipinagmamalaking handog ng ABS-CBN ang isa na namang star-studded event sa ABS-CBN Christmas Special na mapapanood sa December 13, 10pm sa Sunday’s Best.

Ilan sa mga temamg inikutan ay ang mga nakaraang trahedya sa bansa, ang papalapit na eleksyon at ang bayanihang pinakita ng mga Pinoy. Nagbukas ang gabi sa isang madamdaming performance mula sa ilan sa pinakakilalang singing sensations na naghandog ng kanilang rendition ng Christmas songs. May mensaheng nasyonalismo, bumirit ang mga Kapamilya stars sa kantang ‘Ako ang Simula.’

Isa sa kinaaaliwang duo ngayon, pinakilala nina Tito Bhoy at Krizzy ang mga pinakamaiinit na love team at love triangle sa bansa kasunod ang paglabas ng totooong Boy Abunda. Nagpakita din ng video para sa special ‘heroes,’ mga ordinaryong tao na nagligtas at tumulong sa mga tao noong bagyong Ondoy sa kabila ng kanilang sariling limitasyon. Naghandog naman ng saya't tuwa ang iba’t ibang komidyante habang nagbigay ng payo kung ano ang dapat gawin kapag may bagyo.

Pagkatapos ng ‘May Bukas Pa’ production number, ipinakilala na ng ABS-CBN ang mukha ng ‘60 years of soap opera’ – si Judy Ann Santos para sa kanyang bagong serye na ‘Habang May Buhay’ – na sinundan ng mga sneak peeks ng pinakabagong teleserye na aabangan sa 2010. Tunay na Kapamilya special, iba’t ibang stars ang nangaroling ng Pinoy Christmas songs dagdag ang isang special song and dance tribute para sa King of Pop. Kuminang din ang mga Star Magic talents sa kanilang production number samantalang nagpakitang gilas naman ang mga Kanto Boys. Nagbigay inspirasyon ang nag-iisang King of Comedy, Dolphy sa isang mensahe.

Dumating din sina ABS-CBN Chairman at CEO Gabby Lopez, ABS-CBN President Charo Santos Concio at iba pang network executives.

Magpasko Kapamilya style! Abangan ang lahat ng stars na ito at iba pang mga celebrities at espesyal na sorpresa sa ABS-CBN Christmas Special sa December 13, 10pm sa Sunday’s Best.






































0 comments:

Post a Comment