Isa sa mga pinakaabangan tuwing pagpasok ng taon ay ang bonggang birthday concert ng nag-iisang Sharon Cuneta, ang Mega Birthday 2010 na ginanap sa Araneta Coliseum at mapapanood ngayong Linggo (January 17) sa Sharon. Kinilig ang buong Araneta nang dumating ang dalawang dating leading men ni Shawie na sina Richard Gomez at Robin Padilla!
Halos hindi mahulugan ng karayom ang Big Dome na punong-puno ng mga nagmamahal at sumusuporta sa kanya, na nadadagdagan pa bawat taon. Panalo ang lahat ng production numbers kaya high in energy ang buong audience!
Sa opening number pa lamang ay bigay-todo na agad ang Megastar sa isang lively song and dance number ng Just Dance at Jai Ho medley. Ilan sa mga nagpasaya ng gabi ay ang mga bigating artista at malapit na mga kaibigan na sina Kris Aquino at James Yap, Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, Zsa Zsa Padilla, Pops Fernandez, Jake Cuenca, Candy Pangilinan, Rica Peralejo at maging ang on-screen kontrabida ng Megastar na si Cherry Gil.
Bumirit naman ng mga makapigil-hiningang song numbers ang mga sikat na singers na sina Martin Nievera, Arnel Pineda, Erik Santos, Jed Madela, Rachel Ann Go, Karylle, Raph Salazar at may dance number naman ang Star Magic talents. Di nagpatalo ang Megastar nang humataw kasabay si Mr. Pure Energy Gary V at nakipagkantahan kasama ang BFF na si Ai ai delas Alas. Hindi papahuli ang anak na si KC Concepcion sa paggiling sa stage kasama ang Lastikman ng Pinas na si Vhong Navarro.
Bilang regalo ni Sharon para sa mga taga-hanga, inilaunch rin sa concert ang kauna-unahang bookazine sa bansa, ang Sharon at Home na punong-puno ng impormasyon tungkol sa Megastar, at ang kanyang latest album entitled Musika at Pag-ibig.
Kasama ang mga co-hosts na sina Pokwang, Chokoleit at Randy Santiago, must see ang Mega Birthday 2010 ngayong Linggo (January 17), 9:30pm sa Sharon, pagkatapos ng Pinoy Big Brother Double Up sa ABS-CBN.
























0 comments:
Post a Comment