Mas lalo pang lumaki ang lamang ng ABS-CBN sa kalaban nitong network pagdating sa national ratings sa pagtatapos ng taong 2009 ayon sa datos ng global research specialist na Taylor Nelson Sofres (TNS).
Mula sa 44% audience share kumpara sa 37% share ng GMA 7 noong Feb 2009, umariba pa ang ABS-CBN pagdating ng Dec 2009 sa audience share na 48% laban sa 31% ng karibal na istasyon.
Ang pag-akyat ng lamang ng ABS-CBN mula sa dalawang-percentage points hanggang sa 17-percentage points ay dahilan na rin sa pagtutuon ng pansin ng network sa kanilang mga core viewers, pagtaas ng antas at kalidad ng kanilang produksyon, pagpapaganda ng TV reception, at mahusay na pamamaraan ng pagsasalamin sa buhay ng bawat Pilipino sa mga programa nito tampok ang pinakamagagaling na artista sa industriya.
Kapansin-pansin din ang pagbabago ng audience share pagdating sa Mega Manila kung saan mula sa nine percentage points noong Feb 2009 (ABS-CBN 34% vs GMA 43%), ay dalawang percentage point na lang ang layo ng Kapuso Network sa Kapamilya Network sa pagsasara ng nakaraang taon (ABS-CBN 37% vs GMA 39%).
Pagdating naman sa Metro Manila, na siyang bumubuo sa kalakhan ng Mega Manila, nakatala ng 37% audience share ang ABS-CBN laban sa 40% ng GMA noong Feb 2009 na umakyat pa hanggang 39% laban sa pababang share ng kalaban na 35% pagsapit ng Dec 2009.
Sa buong bansa, nanatiling namamayagpag ang ABS-CBN matapos nitong makuha ang 45% audience share laban sa kabilang network na nakatamo ng 34%. Ito rin ang nangunguna pagdating sa mga lugar sa Luzon sa labas ng Mega Manila sa audience share na 49% laban sa 32% ng GMA; 62% sa Visayas laban sa 22%; at 70% sa Mindanao kung saan inilampaso nito ang Kapuso Network na may 15% lamang.
Samantala, 14 sa Top 15 programa para sa taong 2009 ay mula pa rin sa ABS-CBN.
Ang teleseryeng “May Bukas Pa,” na siyang nagpasikat sa miracle boy na si Santino, ang siyang nanguna sa listahan sa rating na 37.2%, na sinundan ng local adaptatation ng “I Love Betty La Fea” (36.8%) kung saan gumanap si Bea Alonzo bilang Pinay Beatriz Pengson; local adaptation ng patok na Korean series na “Only You” (36.3%) tampok sina Angel Locsin, Diether Ocampo, at Sam Mily; at ang pinakapinag-usapang hidwaang magkapatid nina David at JR na ginagampanan nina Jake Cuenca at Gerald Anderson sa “Tayong Dalawa” (35.5%).
Ang “TV Patrol World” (34.4%) naman ang tanging news program na nakapasok sa Top 5 kaya naman hindi maikakailang ito na ang nangungunang newscast sa buong bansa. Sumunod naman dito ang reality-drama na “Pinoy Big Brother Double Up” na pumalo ng 32.2% sa pilot airing; ang remake ng isa sa classic Agimat saga ni Ramon Revilla na “Pepeng Agimat” na kumana naman ng 31%, at ang hindi malilimutang kuwento ni Nene (ginampanan Erich Gonzales) sa “Katorse” na humataw sa rating na 30.2% dala na rin ng makatotohanan at makabuluhang aral na hatid nito sa mga kabataan.
Pasok din sa Top 15 ang magazine program ni Korina Sanchez na “Rated K” sa average ating na 29% habang ang videoke-inspired show na talaga namang nagpabirit sa sambayanang Pilipino tuwing Sabado at Linggo ay nakatamo naman ng 28.15.
Sa larangan ng program acquisitions, tinaob ng ABS-CBN ang lahat ng kalaban sa Koreanovela nitong “Boys Over Flowers” (28.5%)na siyang nagpakilig at nagpahumaling sa mga Pinoy sa kagwapuhan ng Korean F4 na sina Jun Pyo, Ji Hoo, Yi Jeong, at Woo Bin. Ito ang tanging palabas na galing ibang bansa na nakapasok sa Top 15.
Hindi na nga maikakaila na namamayagpag at pinakapinapanood talaga ang ABS-CBN sa lahat ng genre mapa-drama, news and current affairs, reality, fantasy, o game show pa ito.
Kabilang sa mga programang dapat abangan para sa taong ito ay ang Pinoy version ng hit Mexicanovela na “Rubi” na gagampanan ni Angelica Panganiban, talent-reality show na “Pilipinas Got Talent,” fantaserye na “Kokey@Ako,” pocketbook adaptation ng “Midnight Phantom” at “Impostor” at ang remake ng sikat na youth oriented show na Gimik na pinamagatang “Gimik 2010.”
Kamakailan ay inilunsad na ng ABS-CBN ang ilang bagong shows nito sa primetime tulad ng “Tanging Yaman,” “Kung Tayo’y Magkakalayo,” “Habang May Buhay,” at “Agua Bendita” na pawang magaganda ang ratings.







5 comments:
YEHEY!!!!
BIG CELEBRATION MAG KAPAMILYA FANS!!!!!!
-felix(solid kapamiya 4ever)
ano pa nga bang bago dun?
eh talagang number 1 ang ABS-CBN.
magaling lang mag mind-conditioning ang GMA.
lagi sinasabing number 1 sila sa specific na lugar dapat kabuuang bansa pinagbabatayan.
pati 60 years of soap oper sa kanila 60 years anniversary rin..anu kaya un..
samantalang ang ABSCBN ang asia's first commercial tv to broadcast. tapos 60 years ang gma7?
come on.... refer to the history of philippine television....also on wikipedia
wla naman talaga tatalo sa abs...
hanggang manila lang cla
hindi lang nman manila ang nanonood
kundi nationwide
proud to be kapamilya...
no.1
ganun ba? go TNS!!!
oo nga talagang number 1 ang abscbn kahit saan sa mundo.... kasi since birt kapamilya na ako kaya proub to be kapamilya...
Post a Comment