Friday, February 19, 2010

ABS-CBN, UMARANGKADA SA USTV STUDENTS CHOICE AWARDS!



Muli na namang namayagpag at humakot ng awards ang ABS-CBN sa katatapos lang na USTv Students Choice Awards na inorganisa ng University of Santo Tomas matapos itong magwagi ng 19 sa 28 kategorya para sa natatangi at values-oriented nitong mga programa at personalidad.

Nakuha ng primetime princess na si Kim Chiu ang kanyang kauna-unahang best actress award ng siya ang mapiling Students Choice of Actress in a Daily Soap Opera para sa kanyang pagganap bilang Audrey sa teleseryeng “Tayong Dalawa” na siya naman nag-uwi ng parangal bilang Students Choice of Daily Local Soap Opera.

Sa unang pagkakataon rin ay tinanghal si Zaijian “Santino” Jaranilla hindi bilang best child actor, kung hindi bilang best actor ng siya ang nanalo ng Students Choice of Actor in a Daily Soap Opera. Talaga namang ikinagalak ng mga manonood ang pagtanggap ni Zaijian ng award dahil ang mismong kalaban sa kategorya na si Gerald Anderson ang sumama at nagbuhat sa kanya.

Isang special citation naman ang iginawad ng UST sa top-rating na primetime serye na “May Bukas Pa” para sa pagpapamalas at pagpapalaganap nito ng makabuluhang Catholic values sa mga kabataang manonood.

Samantala, pinatunayang muli ni Pop Princes Sarah Geronimo na buo ang suporta sa kanya ng mga kapwa-Tomasino niya ng siya muli ang nagwagi para sa Students Choice of Local Music Video Performer.

Kabilang pa sa mga entertainment programs na nakuha ang kiliti ng mga estudyante ay ang “George and Cecil” para sa Students Choice of Situational Comedy, “Maalaala Mo Kaya” para sa Drama program, “ASAP 09” para sa Talk Variety program, “Showbiz News Ngayon (SNN)” para sa Entertainment News program, “The Singing Bee” para sa Game show, “Boys Over Flowers” para sa Foreign Soap Opera, “Naruto” para sa Full Animated program, at sa “Kape’t Pandasal” para sa Catholic program.

Para naman sa News and Current Affairs group, wagi si Korina Sanchez para sa Students’ Choice for Female-News and Current Affairs Host; Ted Failon para sa Male-News and Current Affairs Host, “TV Patrol World” para sa Local News and Current Affairs program, at ang “Matanglawin” para sa Educational Program.

Nag-ambag din ang ABS-CBN’s subsidiary na Studio 23 sa pangunguna ng Kapamilya sa UST ng muli na namang nakuha ng “Y-Speak” ni Bianca Gonzales ang parangal para sa Public Affairs program category habang ang pagpapalabas nito ng mga laro o laban sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) ang hinirang na Students Choice of Sports program.

Mas lalo pang niyanig ng ABS-CBN ang gabi ng dalhin nito ang hosts ng top-rating na morning talent show na “Showtime” na sina Kim Atienza, Jugs at Vice Ganda kasabay ng dalawang finalists ng programa para mas lalong madama at mangibabaw ang enerhiya ng “Showtime” sa jam-packed na Medicine Auditorium ng UST.

Kasama din sa mga Kapamilyang nagtanghal sina Erik Santos, Gigger Boys na sina AJ Perez, Robi Domingo, Dino Imperial, Aaron Villaflor, at Sam Concepcion, at ang Songbees ng game show na “The Singing Bee” na kinabibilangan nina Apple Chiu, OJ Mariano, Michael Cruz, at MC Castro.

Ang USTv Student’s Choice Awards ay isang award giving body sa pangunguna ng Office of the Secretary General ng University of Santo Tomas, na magdiriwang na ng kanilang ika-400 taon sa 2011. Ito ay kasalukuyang nasa ika-anim na taon at naglalayong bigyan ng pagkilala ang mga programa at personalidad na nagtataguyod ng Thomasian values at Catholic teachings.






























































19 comments:

ustv mas pinaboran ang abscbn kasi thru MBP, naipagdiinan lalo ang kasinungalingan ng simbahan..sa halip na turuan ang tao tungkol sa sinasabi ng bibliya, puro mga tradisyon at mga kasinungalian ang tinuturo..tulad ng pinakikita sa MPB....a big trash

WOW NAMAN!!! mukhang na iinggit ata ang isang ito hah!!! pwede ba ! turuan muna lang ang sarili mo na maging masaya sa iba!!!

Congratulations ABS CBN...pinagpala ang nagpapairal ng good moral values and strong family values in shows like MBP, TD, George and Cecil at iba pa! God is good! Goc bless always! Congrats to the winners esp. first time winner Kim!

Congrats to the TD directors esp Direk Ruel, cast, staff and crew! Wow! Congrats too to Santino! Ang ganda ng pic ni Gerald and Santino! Gerald here shows his sportsmanship and love for children! God bless Ge, Santino!

congrats zaijan and kim deserving kayo sa award na iyan dahil magaling kayo

congrats Kim! you deserve the award!

Congratulations to all the winners specially Kim. I so love it while giving her speech Gerald is standing behind holding the trophy her looking so proudly for her award. Iyan ang tunay na ka-loveteam for real,suportado ang isa't isa hindi sila nagnanakawan nang eksena. God bless you both.

ABS-CBN won the most awards because the network's communications head, Bong Osorio, is a professor in UST.

Kamag-anak ni Wilma Galvante yung janitor sa UST.

congrats zaijan the best ka talaga sana bigyan ka pa nila ng project

,hay nku bkit ba sobra kung magreact ang mga kpuso wen it comes to giving an award to abs????????????jst accept the fact na mas mkabuluhan ang mga ipinapalabs sa abs,,oo nga sbihin na ntin mataas ang rating nila in MEGA MANILA,,but over all mas tinataguyod ng mga tao at kinikilala ang ginagawa ng abs dhil marami kang aral na mkukuha,,,,,,,,,,,OK

naku huwag sabihing kesyo prof. si bebong osorio sa ust kaya pinaboran...

DAHIL SA GAWAD TANGLAW kung saan mga historians, professors, critics and students from diff. universities,(including U.P.) eh ABS-CBN 2 DIN ANG PANALO.

36 AWARDS GOES TO ABS-CBN2= FROM GAWAD TANGLAW

19 AWARDS GOES TO ABS-CBN2= FROM USTV AWARDS.


IBIG SABIHIN LANG DESERVING TALAGA ANG KAPAMILYA NETWORK.

ustv mas pinaboran ang abscbn kasi thru MBP, naipagdiinan lalo ang kasinungalingan ng simbahan..sa halip na turuan ang tao tungkol sa sinasabi ng bibliya, puro mga tradisyon at mga kasinungalian ang tinuturo..tulad ng pinakikita sa MPB....a big trash----naku i pity you...mas mabuti ng sundin ang tradisyon dahil me magandang kaugalian na maidudulot kesa naman puro bibliya na wala naman epekto sa pag-uugali mo--best example ikaw/..inggitira/o..The bible teaches to be humble and not to envy/angry others..ei bakit ikaw ganyan ka mag-react sa tagumpay ng MBP at ABS_CBN..i doubt na nagbabasa ka ng bibliya..Anyways we Catholics believed in SACRED TRADITION (Hindi yung "tradition' lang" it must be sacred) and BIBLE yan basis ng faith namin...

Congats....!sa lahat ng nanalo...lalong lalo nasa lahat ng kapamilya na nanalo... and especially to Kim..keep up the good work!..ur the best...God bless sa inyo ni Gerald..!

hay naku!yung iban diyan kung magsalita parang nagbabasa talaga ng bible...huwag mong gagamitin ang bible da mga kalokohan mo..siguro kapuso ka ano??haha..kawawa ka naman kasi halos lkahat ng awards sa ABS-CBN napunta..GO ABS we love you...especially KIMERALD congrats kim and gerald for TAYONG DALAWA tahe both nof you deserves all the blessings taht GOD is showering for the both of you..we love you KIMERALD at huwag niyong pansinin ang iba diyan inggit lang yan sa inyo>>mwahhh..

the best kasi talaga ang ABS CBN KAPAMILYA SHOWS
http://alaehbatanguenaako.blogspot.com/

the best ka talaga kim at bagay na bagay talaga ka u n kuya gerald greet u naman ako sa asap ooh )nym cu pala ai famela jajajajjaj love u kemereld

cute n santino oohhhhhh.... ur the best cuty love u

Post a Comment