Isang engrande at madamdaming pagtatapos ang naganap sa "Pinoy Big Brother Double" nung Sabado (Feb 13) kung saan pinangalanan na ngang "Big Winner" ang "Inday Kengkay ng Gensan" na si Melisa Cantiveros.
Si Melisa ang nakakuha ng pinakamalaking bahagi ng halos apat na milyung text votes (32.08 %) na sinundan naman ni Paul Jake Castillo (27.31%), Jason Francisco (24.97%), Johan Santos (7.94%), at Steve "Tibo" Jumalon (7.69%).
Napuno nang kaba ang buong bayan nang maiwan sina Melisa at Paul Jake sa maliit na Big Brother house sa loob ng Ninoy Aquino Stadium. Pareho kasing malakas sa taumbayan ang dalawang housemate. Sa katunayan, nang ipasilip ni Big Brother ang lagay ng botohan nung Martes (Feb 9) ay nangunguna pa ang "Negosyo Prince ng Cebu" at pumapangatlo lang si Melisa.
Hindi naman na magkamayaw ang mga tao nang tawagin ni ABS-CBN president Charo Santos Concio si Paul Jake bilang second Big placer at si Melisa bilang Big Winner. Tulad nila Tibo, Johan, at Jason ay sinalubong din din PJ at Melai ng Honor Guards at ang malakas na tilian ng sambayanan.
Pero dahil Big Winner, extra special ang labas ni Melai kung saan umangat ang harap ng miniature PBB house at umarangkada naman ang inuupan niyan trono ni Melisa papunta sa stage na may kasama pang fireworks! Napaupo rin sa tuwa si Melisa bago tanggapin ang kaniyang tseke na P1 milyun, susi sa kaniyang house and lot, laptop, at bagong negosyo.
Pero bago pa iyan, inaliw din ang mga manonood ng special numbers mula sa mga Kapamilya tulad nina Charice Pempengco, Sheryn Regis, Mark Bautista, JayR Siaboc, Bugoy Drilon, Teddy Corpuz, Yeng Constantino, Charlie Green, Jabbawockeez, at ang cast ng Rubi na sina Angelica Panganiban, Deither Ocampo, Shaina Magdayao, at Jake Cuenca sa programang hinost nina Toni Gonzaga, Mariel Rodriguez, at Bianca Gonzalez.
Pinalakpakan din ang mga ex-housemates na sina Toffee, Kenny, JM, JP, Jimson, Yhel, Tom, Delio, Princess, Patria, Rocky, Yuri, Rob, Patrick, Carol, Rica, Cathy, Kath, Sam, Hermes, at Mariel na nagpakita ng talento sa pagsasayaw.
Ang huling mensahe ni Kuya sa Big Five naman ay nakapag-paiyak sa marami lalo na sa mga sumabaybay sa numero unong reality show sa bansa.
Ano na kaya ang susunod na kabanata sa makulay na kuwento ng mga housemates lalo na ng Big Winner sa Melisa? Magtagal kaya sila ni Jason? Samantala, abangan din ang mga bagong programa tulad ng "Rubi," "Pilipinas Got Talent," at ang "PBB Teen Edition Season 3 Clash of 2010" sa ABS-CBN.







0 comments:
Post a Comment