Thursday, February 18, 2010

MGA PINOY, MAGPAPAKITANG GILAS NA SA “PILIPINAS GOT TALENT”

Kaya pa ba ng mga 60-yr old na lola ang paggiling at paghataw sa saliw ng awiting “Single Ladies” ni Beyonce? Mapatayo kaya ang mga judges pag bumirit na ang isang 12-yr old na bata ala-Nicole Scherzinger ng Pussycat Dolls?

Alamin ang lahat ng iyan sa darating na Sabado (Feb) at sabay sabay na mamangha sa galing na ipapamalas ng mga Pilipino sa buong mundo sa pagsisimula ng pinakamalaki at nag-iisang nationwide talent-reality show ng bansa na “Pilipinas Got Talent,” kasama sina Billy Crawford at Luis Manzano, sa ABS-CBN.


Mula sa international franchise na nakadiskubre at patuloy na dumidiskubre ng mga bukod tanging world class acts, ihahatid sa inyo ng “Pilipinas Got Talent” ang pinakamagagaling at pinakamahuhusay na Pinoy talents mula pa sa iba’t ibang panig ng Pilipinas, mapa-anumang edad, na kayang makipagsabayan sa ibang bansa pagdating sa kantahan, sayawan, aktingan, at maging sa mga nakakatawa at hindi ordinaryong mga stunts.

Ang tatanghaling grand winner ay mag-uuwi ng P2 milyon ngunit bago iyan, kinakailangan nya munang makuha ang atensyon at at matamis na “oo” ng pinagkakapitagang PGT panel of judges na binubuo nina queen of all media Kris Aquino, comedy-concert queen Ai Ai Delas Alas, at former ABS-CBN President at COO Freddie M. Garcia a.k.a. FMG.

“Hindi ako madadala ng ganda o kagwapuhan, tanging talento lamang. Magiging patas ako ngunit mabusisi. Titingnan ko ang bawat aspeto ng nagtatanghal at hahanapin ang tinatawag nating ‘x-factor,” sabi ni FMG o tinatawag din na ‘expert’ dahilan na rin sa hindi matatawaran nyang kontribusyon sa industriya ng telebisyon.

Nagsimula na ang auditions sa huling bahagi ng 2009 at libu-libong mga Pinoy na ang sumubok ng kanilang kapalaran na maging pinakaunang winner ng “Pilipinas Got Talent.”

Maging si Kris ay namangha sa mga natunghayan niyang talento ng mga Pilipino na walang pagaalinlangan niyang ipinagmalaki sa kanyang Sunday entertainment show na “The Buzz.”

“Mapapatunayan mo talaga na talented ang mga Pilipino mapakantahan, sayawan, pagmamagic o pag-acrobat pa ito,” sabi ni Kris. “ May isa ngang contestant na gusto na namin ni Boy (Abunda) i-sign ng record deal tapos may isa na rin na pwede na ilaban sa Las Vegas acts. Ganun sila kagaling.”

Ilan lamang mula sa libu-libong nag-audition ang mapipiling finalist at ang taong bayan ang mismong magsasabi kung sila ang karapat-dapat magwagi sa kumpetisyon sa pamamagitan ng pagboto sa kanila through text.

Huwag palalampasin ang pagsisimula ng “Pilipinas Got Talent,” kasama sina Billy Crawford at Luis Manzano ngayong Sabado (Feb 20), 7:30 PM, at tuwing Linggo, 8:30 PM sa ABS-CBN.

Tunghayan naman ang mga kwela at hindi pa nakikitang mga kaganapan sa inaabangang talent-reality show, Lunes hanggang Biyernes simula Feb 22, 4:30 PM, sa “Pilipinas Got More Talent” kasama ang host na si Marc Abaya.


2 comments:

asan ang credibility ni aiai to b a judge sa show na yan????isa sya sa virus sa showbiz kung ano ano ang ipinagkakalat daw about her colleague sa showbiz,,tama ba yun???!!plastik tlaga,...tapos,,,sabi sa mga anak na lang nya sya mag fofocus kase baka gamitin lang sya ng guy na in case makikipg relasyon sya,e,naggamitan lang sila niung venezuelan guy nya diba,,,wala na,,like a toy!respeto sa sarili ang wala sa ibang babae,.

eto na naman ang talagang pakakaabangan sa abs..more powers to you, staff & committee of Pilipinas Got Talent!!!

Post a Comment