Friday, March 26, 2010

ABS-CBN's OFFICIAL STATEMENT ON SHOWTIME

BACKGROUND

The MTRCB has rendered a decision that Showtime violated the MTRCB law and its implementing rules and regulations due to the utterances of Rosanna Roces in the episodes aired on January 4 and 7, 2010.  The penalty imposed is suspension for a period of one (1) month.  The suspension also applies to Magpasikat and any other similar show.  Further, the MTRCB directed the filing of criminal charges against Head of Entertainment Production Linggit Tan and such other officers 'responsible for the violation.'  
 

OFFICIAL STATEMENT ON SHOWTIME

Ang lumabas na desisyon ng MTRCB kaugnay ng programang Showtime ay hindi  na ikinagulat ng ABS-CBN.
 

Ang MTRCB committee na duminig ng kaso ay hindi na inasahang sasalungat sa naunang desisyon ng Chairman na naghain ng preventive suspension order sa Showtime.  Matatandaang, tuwirang kiniwestyon ng pamunuan ng ABS-CBN ang 'validity' ng ipinataw na preventive suspension order kung kaya't  ang ABS-CBN ay naghain ng pormal na reklamo sa Ombudsman laban sa MTRCB chairman sa paglabag nito sa anti-graft and corrupt practices act.
 

Ang desisyon ng MTRCB ay hindi final and executory. Hindi sang-ayon ang ABS-CBN sa nasabing desisyon kung kaya't ito'y iaapela sa Office of the President.
 

Samantala, ang SHOWTIME ay patuloy na mapapanood at magbibigay aliw at inspirasyon sa mga kapamilya sa buong mundo.