Sunday, March 28, 2010

MELASON, MALAKAS PA RIN!

Tuloy ang pag-iibigan ng dating “Pinoy Big Brother” housemates na sina Jason Francisco at Melisa Cantiveros sa pagtatapos ng realiseryeng “Melason in Love.” Ano kaya ang reaksyon ng dalawa 'pag malaman na kasabwat pala ang Big 5 at ang Jason’s Angels sa mga hamon at pagsubok na pinagdaanan nila sa kanilang relasyon? Alamin iyan at ang iba pang rebelasyon ng dalawa sa “Melason In Love: The Truth Revealed” ngayong Lunes hanggang Miyerkules (March 29-31) ng 10am lang sa ABS-CBN. Abangan din ang “Prinsipe at Prinsesa ng Masa” sa bago nilang reality show na “Melason in the City” simula April 5.