Thursday, April 15, 2010

ASAP XV NAGLABAS NG ‘ASAP BOOKAZINE’

Kamakailan ay ini-launch ng longest-running, award-winning Sunday noontime show na ASAP XV ang kanilang limited edition 'ASAP Bookazine'. Sa kasaysayan ng musical variety show sa bansa, ito ang kauna-unahang “book na magazine” na inilabas ng isang TV show.

Para sa isa sa original ASAP hosts na si Concert King Martin Nievera, isa ito sa pinakaipinagmamalaki ng kanilang show. “I think it’s a great idea to come out with this ASAP bookazine. ASAP has always pioneered in many many things and I guess it’s the best way to get people more interested in the history and the behind-the-scene stories of ASAP.”

Mula sa pagigigng simpleng Sunday variety show 15 years ago, ang ASAP XV ngayon ay itinuturing nang ‘multimedia powerhouse’ na nag-evolve na sa pagiging isang brand na kilala sa concert at event productions, recording, merchandising at ang pinakabago nga ay sa larangan ng publishing.

Sa isang interview sa ASAP Bookazine, nai-share ni Joyce Liquicia, ASAP XV Business Unit Head, ang halaga ng ‘reinvention’ sa kanilang programa. “There is always a need for reinvention. The tastes of our viewers evolve, and so must we. This is the key to ASAP’s successful 15-year run, and for the years to come.”

Kasama sa mga highlights ng ASAP XV Bookazine ang history ng ASAP mula nang umere ito noong February 1995; mga behind-the-scene stories ng mga artista at production team; at articles na sinulat mismo ng mga main ASAP hosts na sina Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla at Gary Valenciano.

Sa article na “Biggest Creations of ASAP,” ipinagmalaki ng programa ang ilan sa mga pinakapatok na grupong binuo nila kabilang ang The Hunks, The Champions, Cover Boys, DLite, Kanto Boys, IT Girls, YRS at ASAP Sessionistas.

Mistulang VIP or ‘backstage pass’ din ang ASAP XV Bookazine para sa mga fans ng show. Maaaliw ang readers ng bookazine sa iba’t ibang interesting features nito—bukod sa up close and personal interviews sa mga bumubuo ng show, mayroon ding exclusive tour sa ASAP XV studios at exclusive photos ng mga ASAP XV stars. May mga candid shots din mula sa recent summer party ng grupo sa Boracay.

Mula sa apat na hosts at simpleng stage, isa na ang ASAP sa may pinaka-advance na world-class LED lighting technology at may pinakamaraming sikat na featured singers, actors, models, at dancers.

Huwag magpahuli at bumili na ng kopya ng ASAP XV Bookazine commemorative special. Available na ito sa iba’ ibang bookstores at magazine stands nationwide for only P150.