Saturday, April 10, 2010

Eslove Briones - PBB Teen Clash 2010 Housemate #3




Ipinanganak sa San Pablo, Laguna ang tigasing housemate na si Eslove.

Nang malulong sa masamang bisyo ang ama, tuluyan ng nawasak ang kanilang pamilya. Kaya naman nagpa-lipat lipat sya ng tirahan at paaralan hanggang mapadpad sa Tawi-Tawi.

Aminado syang lumaking pasaway at nagkaroon ng mga bisyo. Pero sa gitna ng mga ito hinde sya tumigil sa pagpupursige para makatulong sa ina. Nagbanat ng buto bilang kargador sa pier at namasukang canteen helper.

Sa Tawi-Tawi rin ay namulat sya sa karahasan sa kanilang lugar kaya naman nag-istokwa sya at napagpad muli sa Laguna para magkaroon ng mapayapang buhay.


Kilalanin si Eslove, ang "Sigang Istokwa ng Tawi-Tawi", sa Pinoy Big Brother Teen Clash of 2010 nightly after Habang May Buhay only on ABS-CBN Primetime Bida.