Saturday, April 10, 2010

Tricia Santos - PBB Teen Clash 2010 Housemate #13




Young, pretty, talented, taglay nya ang taas at tindig na pang-supermodel. Pero astig pagdating sa volleyball court.

Star sya ng volleyball team sa Ateneo de Davao, hinde lamang dahil sa husay sa paglalaro kundi dahil sya ang itinanghal na pinakamagandang binibini ng kayang rehiyon sa nakaraang Palarong Pambansa. At sa mura nyang edad, hangad na nya ang maging isang doktor para makatulong sa mga batang nangangailangan.

Pero bukod sa kawang-gawa ay hilig din nya ang pagkolekta ng mga sapatos at pag-gimik kasama ang mga friends nya sa mall.


Kilalanin si Tricia, ang "Athletic Muse ng Davao", sa Pinoy Big Brother Teen Clash of 2010 nightly after Habang May Buhay only on ABS-CBN Primetime Bida.