Wednesday, June 16, 2010

JENNY, UNANG TEEN-TERNATIONAL NA PINATAWAN NG FORCED EVICTION

Napatawan ng forced eviction ang Teen-ternational housemate na si Jenny bilang resulta ng pagsubok ni Kuya sa housemates ng “Pinoy Big Brother Teen Clash of 2010.”

Ipinaalam na kay Jenny ang kapalaran niya noong Martes (Hunyo 15) kung saan sinabi rin ni Kuya na may malaking papel pa siyang gagampanan sa mga susunod na araw.

Nitong linggo ay nasaksihan natin ang pakikipag-ugnayan ng mga housemates sa sa outside world sa pag-sagot ng cellphone na ipinasok sa loob ng bahay. Hindi rin nila nabantayan at nawala ang P200,000 na ipinatago sa kanila ni Kuya. Ipinamigay pa bilang ransom ang mga gamit sa loob ng bahay para maisalba si Fretzie na dinukot kasama ni Jenny ng isang misteryosong babae.

Dahil sa mga matitinding paglabag na ito'y, nagpasya si Kuya na magpataw ng forced eviction at ibigay sa teens ang mabigat na desisyon kung sino ang palalabasin. Hindi umabot sa isang desisyon ang dalawang grupo ng housemates kung kaya’t si Jenny ang napalabas ng PBB house matapos ang 30 minutong palugit.

Tuloy pa rin ang botohan para sa Teen Big Night sa Hunyo 26. Sino kina Ann, Bret, Devon, Fretzie, Ryan, James, at Ryan ang iyong Big Winner? Abangan ang importanteng task ni Jenny sa huling siyam na araw ng “Pinoy Big Brother Teen Clash of 2010” kasama si Mariel Rodriguez sa PBB Teen Clash Uber, Toni Gonzaga sa primetime, at Bianca Gonzalez sa PBB Updates.