
Kasabay ng pagbuhos ng ulan ngayong Hunyo ay ang pagbuhos din ng kilig at saya mula sa mga pinakaabangang teleserye stars ng ABS-CBN na tampok sa pinakabago nitong station ID na inilunsad noong Biyernes.
Nagsama-sama ang mga bida ng kasalukuyan at eere pa lamang na teleserye ng Dos na sina Piolo Pascual, Zaijan Jaranilla, Kristine Hermosa, Xyriel Manabat, Empress Schuck, Matt Evans, Felix Roco, Gretchen Barretto, Bea Alonzo, Cristine Reyes, Zanjoe Marudo , Jericho Rosales, Anne Curtis, Angel Locsin at John Lloyd Cruz bilang pagdiriwang na rin sa ika-60 taon ng Pinoy Soap Opera.
Talaga namang umani ng papuri at maituturing na isa sa pinakapinag-usapan station ID ng network ang ginawa nitong “Sukob Na” rainy season SID noong taong 2002 kaya naman ganun na lang ang demand ng publiko para sa panibagong bersyon nito
Gamit ang acoustic at mas sentimental na himig ng awiting “Sukob Na” na likha ni Aiza Seguerra, ang naturang SID ay inilunsad lamang noong Biyernes pagkatapos ng “TV Patrol World.” Ito ay ginawa ng ABS-CBN Creative Communications Group sa pamumuno ni Robert Labayen at sa direksyon ni Richard Ang.















4 comments:
IMORTAL I LOVE ANGEL LOCSIN gogogo
ANNE CURTIS super gANNEda talaga ! ..
i really LOVE her, good luck ANNE !
rosalka cast, ang cute nyo!!! =)
i can't wait to see anne curtis and angel locsin in teleserye again...
astig ang gabi kung magkasunod silang mapapanood.
Post a Comment