Wednesday, June 9, 2010

PBB TEEN HOUSEMATES MAGPAPASIKAT NA SA THE BIG GOAL CONCERT

Handa na ang mga teen housemates ng “Pinoy Big Brother Teen Clash of 2010” para sa The Big Goal Concert bukas, Huwebes (Hunyo 10) sa loob mismo ng Bahay ni Kuya.

Ilan sa mga inaabangang performance dito ay ang dance number nina Ryan, Ivan, Devon, Fretzie, at Jenny ng kantang "Telephone" ni Lady Gaga, ang "Nothing on You" modern ballet interpretation nina Ryan at Jenny, at ang orihinal na komposisyon ni Bret na aawitin niya kasama ni Fretzie. Ipe-perform din ng grupo ang kantang "I'll Be There for You," ang theme song ng ‘90s sitcom na F.R.I.E.N.D.S. na wari'y tema ng grupo.

Ang Big Goal Concert ay isang fund-raising event para makatulong sa pagpapadala ng Philippine team sa Homeless World Cup sa Brazil sa Setyembre.

Marami na ang nagpa-reserve ng The Big Goal Package na nagkakahalaga ng P500, kung saan makakatanggap ang bumili nito ng signed PBB shirt, signed pictures ng natitirang housemates at DVD copy ng The Big Goal Concert.

Maging ang Golden Seats na nagkakahalaga ng P10,000 bawat isa'y marami ring nagpa-reserve. Ang mga uupo sa Golden Seats ay mapapanood ng live ang concert at makatatanggap rin ng The Big Goal Package.

Samantala, isang araw matapos ang concert ng mga housemates, isa naman kina Jenny, Bret, Tricia at Devon ang lalabas ng bahay ni Kuya. Sino sa kanila ang gusto mong manatili? Para iligtas ang housemate na gusto mo via mobile, just text BBS (space) NAME OF HOUSEMATE, at para mapalabas ito just text BBE (space) NAME OF HOUSEMATE at i-send sa 2331 para sa Globe, Sun Cellular, TM at Bayan Wireless subscribers at 231 para sa Smart at Talk N’ Text subscribers.

Abangan iyan sa huling tatlong linggo ng “PBB Teen Clash of 2010.”