Tuesday, June 15, 2010

RONNIE LIANG, INALALA ANG AKSIDENTE SA “I SURVIVED”

Puno ng pangalawang pagkakataon ang buhay ng mangangawit na si Ronnie Liang.

Kung sa “Pinoy Dream Academy” nakuha ng simpatikong balladeer ang panibagong break sa showbiz, sa Palawan naman niya nakamit ang pangalawang tsansa sa buhay matapos makaligtas sa isang aksidente nitong Marso lamang.

Sakay ng isang asian-utility vehicle si Ronnie papunta ng isang miting de avance nang sumalpok ang sasakyan sa pader ng bundok. Dahil nakapag-seatbelt, naiwasan niya ang kapahamakan habang sugatan at bugbog naman ang katawan ng kaniyang mga kasama.

Babalikan ni Ronnie ang kaniyang naging karanasan kasama si Ces OreƱa-Drilon sa “I Survived” ngayong Huwebes (Hunyo 17), pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN.