Tuesday, July 20, 2010

FINALS NG MYX VJ SEARCH 2010, SA JULY 21 NA!



Handog ng MYX, ang nangungunang music channel sa bansa, ang pinakaaabangang finals night ng MYX VJ Search 2010! Gaganapin ito ngayong Miyerkules, July 21, sa Music Hall ng SM Mall of Asia, 6pm.

Matapos ang lagpas isang buwang pagharap sa iba’t ibang tasks at challenges na sumubok sa kanilang galing sa hosting, sino kaya sa “Final 12” ang magkakamit ng pinakaaasam na six-month contract at tatanghaling pinakabagong myembro ng MYX?

Kabilang sa 12 finalists ang 25-year old model Andy Smith; 18-year old Korean-looking college chick Anj Uy; 18-year old guitar-strumming high school cutie Dane Hipolito; 21-year old radio DJ Issa Perez de Tagle; 18-year old Kobe Bryant look-alike Josh Katigbak; 21-year old red-haired college student Julz Savard; 20-year old Fil-Am sweet college girl Kat Espe; 18-year old Fil-Brit college cheerleader Kirsten Rice; 20-year old commercial model Mana Manalaysay; 21-year old theatre performer Marco MaƱalac; 21-year old musician Robin Nievera; at 21-year old pretty boy rocker Ton Vergel de Dios.

Sa tulong ng SM Music Box, maaaring makapanood nang live ang mga fans sa pamamagitan lamang ng pagbili ng kopya ng MYX Magazine sa entrance.

Kabilang sa mga sponsors ng MYX VJ Search 2010 ang SM S3, Garnier and Charmee. Clothing sponsors naman ng mga finalists ang Jellybean at Folded & Hung. Official footwear sponsor ang Cushe.

Tutukan ang MYX VJ Search 2010 sa MYX sa SkyCable Gold, SkyCable Silver at iba pang quality cable operators nationwide. Mapapanood din ang MYX sa Studio 23 o tumawag sa inyong local cable operator para magkaroon ng MYX!

Para sa karagdagang updates kaugnay ng MYX VJ Search 2010, mag-log-on sa http://www.myxph.com at mag-join sa MYX Philippines and MYX Magazine sa Facebook o sundan ang @myxphilippines at @myxmag sa Twitter.