Friday, July 30, 2010

KUYA KIM MAGPAPAKA-BUWAYA SA “MATANGLAWIN”


Kakayanin kaya ni Kuya Kim na mamuhay tulad ng kanyang mga alagang butiki, buwaya at ahas?

Sundan ang Trivia King sa kanyang pagiging stuntman kung saan namuhay at kumilos siyang parang isang tunay na reptile, ngayong Linggo (August 1) sa “Matanglawin”.

Saksihan ang mga crocodile stunts ni Kuya Kim tulad ng pag-gallop, highwalk at deathroll na karaniwang ginagawa ng buwaya pati na ang kanyang Kuya Kim style sa paglalakad gaya ng isang butiki. Tutukan din ang matapang na paghuli at pagkain ng Trivia King sa kuliglig gamit ang kanyang dila.

Samantala, kilalanin ang Mexican Kingsnake na kahit hagupit ng sandstorm sa disyerto ay kayang iwasan at alamin ang molting stage ng ahas kung saan nagbabalat ito ng hindi nasasaktan.

Abangan ang mapangahas na episode na ito ngayong Linggo (August 1) 9:30 ng umaga sa “Matanglawin”.