
“Hindi naman ako great lover. Matindi lang akong magmahal.”
Ito ang maikili ngunit makahulugang statement ni Robin Padilla sa August issue ng StarStudio Magazine kung saan tampok ang action superstar sa cover story na “Unraveling Robin.”
Idinetalye sa StarStudio ang buhay pag-ibig ni Robin at pinangalanan ang mga esepsyal na babaeng naugnay sa kanya—mula kay Sharon Cuneta, Kris Aquino, Vina Morales, Ruffa Gutierrez, hanggang kina Jolina Magdangal, Judy Ann Santos at sa kasalukuyang ‘apple of the eye’ niyang si Mariel Rodriguez.
Ilang never-heard revelations mula kay Robin ang matutuklasan sa StarStudio, kabilang na ang muntikan nilang pagpapakasal ng girlfriend niya noong si Vina. Kwento ni Robin, mula sa simpleng kwentuhan, na-develop sa tunay na pagmamahal ang relasyon nila ng leading lady niya sa “Utol Kong Hoodlum.”
“Kamuntik mapunta sa kasalan ‘yun. Nabuntis lang si Liezel. Namanhikan na si Mama (Eva) noon, nagsabi na ako kay Boss Vic (del Rosario). Nangungutang na ako, kasi wala akong pera noon.”
Dahil sa nangyari, aminado si Robin na nasaktan niya si Vina noong panahon na ‘yun. “Sa aking palagay, masakit na masakit ‘yun hindi lang sa kanya pero sa buong pamilya niya. Ngunit kapag tinignan natin sa mas malawak na usapin, napakabata pa niya nu’n para dalhin ko siya sa ganung klaseng problema.
Sa parehong artikulo, may exclusive interview rin ang StarStudio sa ex-wife ni Robin na si Liezl Sycangco, mga anak nitong sina Queenie at Kylie Padilla, dating manager na si Deo Fajardo at present manager ni Robin na si Betchay Vidanes.
Bukod kay Robin, mababasa rin sa August issue ng StarStudio Magazine ang mga inside stories tungkol sa PBB Teen Clash of 2010, Pilipinas Got Talent at sa kontrobersyal na Bench Uncut fashion show. Makikilala rin sa StarStudio ang mga artista at celebrity na nominado na kauna-unahang StarStudio Celebrity Style Awards.
Hatid ng ABS-CBN Publishing, huwag nang magpahuli at bumili na ng StarStudio Magazine August issue available sa lahat ng leading bookstores and magazine stands nationwide sa halagang P90 lang.







1 comments:
Kapamilya News Ngayoon ..pki-feature nmn po ng ABS-CBN Offcial Teaser ng Koreanovela na He's Beautiful/You're Beautiful ..mtagal na nming hnhntay na maipalabas ang teaser nito sa ABS ..slamat po :))
Post a Comment