Saturday, July 31, 2010

“PILIPINAS WIN NA WIN,” PANALONG-PANALO SA BAWAT KAPAMILYA!


Sa wakas, napanood na noong Sabado ng tanghali, July 31, ang pinakaaabangan, pinakapinag-uusapan at pinakabagong Kapamilya noontime show para sa bawat indibidwal, pamilya at barangay sa buong mundo—ang Pilipinas Win na Win!

Sa kauna-unahang pagkakaton, nagsasama sa isang noontime show ang dalawa sa pinakamalalaking bituin ng Philippine showbiz na sina “Pambansang Utol” Robin Padilla at ang kararating lang mula sa kanyang US trip na si Queen of All Media Kris Aquino, kasama ang tatlong “Paborito sa Pananghalian” na sina Pokwang, Mariel Rodriguez at Valerie Concepcion.

Star-studded event ang pagbubukas ng Pilipinas Win na Win. Special guests sina Martin Nievera, Piolo Pascual, Boy Abunda, Charlene Gonzales-Muhlach, KC Concepcion, Christian Bautista, Jericho Rosales, Cristine Reyes, Karylle, Bianca Manalo, Juris, Duncan Ramos at child wonders na sina Xyriel "Momay" Manabat at Zaijan "Santino" Jaranilla.

Ayon sa business unit head ng show na si Jay Montelibano, walang dudang kasama sa inabangan ng publiko ang bagong kombinasyon ng mga hosts. "We know of course Kris as being the Media Queen, and bihasa na siya sa pagho-host ng mga ganyang palaro. Robin has the charisma. It would actually be an interesting combination. Iisa kasi ‘yung adhikain nila, ‘yung mapasaya ‘yung tao. So both have the heart. Both have the passion. It’s very very interesting to see the mix."

Ngunit higit pa sa mga hosts, inihayag ni Jay na ang bagong hatid na palaro at papremyo ang mas lalong magbibigay-saya sa mas maraming Pilipino. “Focused ang Pilipinas Win na Win sa indibidwal, barangay, pamilya at sa lahat ng Pinoy sa buong mundo. Mamimigay pa rin s’yempre ng milyong papremyo. Pero ngayon, mas maraming mananalo. Kasi kung dati, ‘yung games ay one-is-to-one, ngayon, mas pampamilya at mas pangmaramihan. It’s interactive with the barangay at may palaro para sa pamilya,” ani Jay.

Masayang nagbukas ang Pilipinas Win na Win sa pamamagitan ng nakaaaliw na balloon game na “Lobo Ko ‘To” na tumuloy naman sa mas exciting na “Ping Pong Pang.” Nilaro din ang barangay game na “Yaman ng Bayan” kung saan nanalo si Jericho at ang mga “ka-barangayers” niyang taga-La Union. Inabot ni Echo ang jackpot round na “Open Susi-Me” ngunit bigo siyang mabuksan ang P1-million door. Kasama pa sa mga dapat abangang palaro sa mga susunod na araw ang family game na “Perfect Combination” at ang personality-beauty contest na “Muse ng Bayan”

Huwag palampasin ang araw-araw na sorpresa at saya sa pinakabagong noontime show na tiyak na mamahalin ng bawat pamilya at barangay, ang Pilipinas Win na Win, Lunes hanggang Sabado, tuwing tanghali, pagkatapos ng Showtime sa ABS-CBN.