Sunday, July 11, 2010

SPONGEBOB AT DORA, KAPAMILYA NA!

Ang dalawa sa pinakasikat at pinakaminamahal na animated characters sa buong mundo, Kapamilya na!

Makisaya at makigulo na sa mga adventures nina SpongeBob SquarePants at Dora the Explorer sa pag-uumpisa ng “Nickelodeon Time” handog ng ABS-CBN Team Animazing ngayong Lunes (July 26).

Talaga namang mas maganda ang umaga ng mga chikiting kasama na ng buong pamilya dahil ibabahagi ni Dora ang mga bago nitong kaalaman sa ganap n 8:30 AM na susundan ng nakakatuwang mga kaganapan sa buhay ng kwelang si SpongeBob pagpatak naman ng 9:00 AM.

Nakuha nga ng ABS-CBN ang eksklusibong rights para i-ere ang mga programa ng Nickelodeon gamit ang iba’t iba nitong platforms.

“Malaki ang pagpapasalamat naming sa tiwalang ibinigay sa aming ng MTV Networks International lalo pa’t ang Nickelodeon ay isa sa pinakamalaki at talaga namang sinusundang brands sa buong mundo. Sigurado akong matutuwa ang mga kabataang Pinoy sa mga bago naming handog sa kanila tuwing umaga,” sabi ni Leng Raymundo, Vice President para sa Program Acquisitions.

Ipapalabas din sa ABS-CBN ang iba pang kinahihiligang Nicktoons tulad ng “Avatar, The Legend of Aang;” “Go Diego Go!,” “The Adventures of Jimmy Neutron,” “El Tigre,” “Ni Hao, Kai-Lan,” at “The Penguins of Madagascar.”

Ang Nickelodeon ay isang network na inuuna ang interes mga kabataan, at ngayo’y network na pinakatinatangkilik ng mga kabataasn sa Estados Unidos. Ito ay pag-aari ng Viacom International na siya ring may ari ng sikat na music channel na MTV.

Huwag palalampasin ang pagsisimula ng mga adventures nina SpongeBob at Dora bilang ganap na Kapamilya sa “Team Animazing presents Nickelodeon Time” sa Lunes (July 26), Lunes hanggang Biyernes, 8:30 AM sa ABS-CBN.