Friday, August 27, 2010

‘AGUA BENDITA’ MAGWAWAKAS NA!



Magtatapos na nga ngayong linggo ang high-ratings series na ‘Agua Bendita.’

Nagsilbing launchpad ni Andi Eigenmann ang ‘Agua Bendita’. Dahil sa naturang palabas, ngayo’y kilalang-kilala na ang dalaga. Sa pagtapak ng ‘Agua Bendita’ sa mga huling tagpo nito, hindi maitago ni Andi ang kanyang kalungkutan sa pagtatapos ng kanyang unang major project sa primetime, ngunit may pagmimithi naman sa mga darating pang oportunidad, “Nalulungkot po ako ng sobra.Halos araw-araw ko na rin po kasi kasama yung mga ibang cast and crew kaya alam ko mamimiss ko sila talaga. Pero masaya rin naman po dahil matatapos po ang Agua Bendita na todo pa rin ang suporta ng tao hanggang sa huli. Hindi sila bumitiw kaya nagpapasalamat po ako.” Dagdag pa nito, “This is not naman po the end. I’m hopeful that more opportunities will come and that makakatrabaho ko pa po silang lahat sana sa future.”

Hindi natinag kailanman ang ‘Agua Bendita’ sa timeslot nito. Sa nakalipas na pitong buwan, nanatiling consistent high-rater ang programa kahit pa maraming bagong serye na ang naglabasan. Sa katunyanan, usap-usapan ang ‘Agua Bendita’ di lamang sa loob ng bawat bahay kundi hanggang sa mga online forums. Sa pagtatapos nito, mabubunyag na ang pinakatatagong sikreto ng mga karakter at lalantad na ang mga inaabang twists sa istorya.

Huwag bibitaw sa huling linggo ng ‘Agua Bendita,’ pagkatapos ng ‘Noah’ sa ABS-CBN.