Thursday, August 19, 2010

ANDI EIGENMANN, ERICH GONZALEZ, KIM CHIU, AND KRISTINE HERMOSA WAGI SA “US GIRLS AUGUST AWARDS 2010”

Maging sa mundo nang fashion patuloy na namamayagpag ang mga bida ng primetime na sina Andi Eigenmann, Angel Locsin, Anne Curtis, Erich Gonzalez, Kim Chiu, at Kristine Hermosa matapos mag-uwi ng karangalan sa “Us Girls August Awards 2010” noong Huwebes (Agosto 19).

Parehong itinanghal na “Face of the Year” sa Teen Category sina Andi ng “Agua Bendita” at Erich ng “Magkaribal,” samantalang “Face of the Year” naman sa “20s” Category si Kim at si Kristine, na dumating sa Icon Bar sa Hotel Intercon sa Makati kasama ang kasintahang si Oyo Boy Sotto.

Pinangalanan din ang mga aktres na sina Anne Curtis at Iza Calzado bilang Best Dressed Celebrities kasama ng modelong si Georgina Wilson, designer na si Mai Kaufman, at ang dating “Wowowee” host na si Kelly Misa.

Big winner naman ang premyado at mapagkawang-gawang aktres na si Angel Loscin matapos tanggapin ang prestihiyosng “Icon” award dahil sa kaniyang mga tagumpay sa personal at propesyunal na buhay.

Pinarangalan din ang mga taong responsable sa pagpapaganada nila at iba pang celebrities. Hinirang na Stylist of the Year sina Angela Alarcon, Alyanna Martinez, at Kat Cruz at sina Mickey See , Lourd Ramos, at Claire Diokno naman ang dalawang Makeup Artist of the Year.

Abangan ang highlights ng “Us Girls August Awards 2010” tampok ang performances nina Nikki Gil, Sam Concepcion, Velasco Brothers, at Kris Lawrence sa Studio 23 sa susunod na Linggo (Agosto 29) ng 6:30pm. Samantala, panoorin muna ang “Us Girls” ngayong Linggo (Agosto 22) para sa tips sa pagpili ng evening wear o gown mula kina “TV Patrol” star patroller at “The Wrap” anchor Gretchen Fullido at 2009 Miss Philippines-Earth Sandra Seifert.











































Images courtesy of ABS-CBN

0 comments:

Post a Comment