Tinanghal na 4th runner up at isa sa limang pinakamagandang babae sa mundo ang pambato ng Pilipinas na si Venus Raj sa katatapos lamang na “Miss Universe” beauty pageant kahapon sa Mandalay Bay Resort and Casino sa Las Vegas, Nevada. Si Miss Mexico Jimena Navarrette ang hinirang na Miss Universe para sa taong ito at nag-uwi ng korona habang nanalo naman ng 1st runner up si Miss Jamaica Yendi Phillipps, 2nd runner up si Miss Australia Jesinta Campbell, at 3rd runner up naman si Miss Ukraine Anna Poslavska. Tunghayan muli ang pinaguusapang “Miss Universe 2010” ngayong Linggo (Aug 29) sa “Sunday’s Best,” pagkatapos ng “Twist and Shout” ng ABS-CBN.
























0 comments:
Post a Comment