
Isang kakaibang pagganap ang aasahan ng mga manonood sa programa, na pinaka-challenging sa lahat ng naging proyekto ng dating child star at ngayo’y isa sa pinaka-talented na aktres ng kaniyang henerasyon.
Hango sa pocketbook na “Dominic” ni Martha Cecilia, ang pinakabagong panghapong seryeng ito’y kuwento ng isang babaeng napagkaitan ng pagmamahal sa kanyang paglaki. Mapapa-ibig siya ni Rex (Sid Lucero) pero nang sila’y makasal at magbunga ang kanilang pagmamahal, mawawala ang lalaki sa ‘di maintindihang kadahilanan.
Sa pagkawala ni Rex, makikilala at mahuhulog naman ang loob ni Alyna kay Dominic (Jason Abalos). Sa pagbalik ni Rex sa kanyang buhay, sino kaya ang pipiliin ni Alyna? Ang lalaking unang nagmahal sa kanya o ang lalaking nangakong mamahalin siya habambuhay?
Sa pinakabagong hamon sa karera, nagbahagi si Shaina ng mga ginawa n’yang paghahanda lalo na’t senswal ang material.
“As long as I believe in the project, in my director and my leading men, na hindi bastos yung kalalabasan, okay lang sa ‘kin,” sagot niya.
Di naman matatawaran ang galing ng mga aktor na makakasama na Shaina dahil sila ang dalawa sa pinaka-awarded young actors of today---Jason Abalos at Sid Lucero.

Bagaman unang pagkakataon ni Sid na makatambal si Shaina sa isang teleserye, maganda naman ang kanilang samahan.
“Walang awkwardness,” pagbabahagi ni Sid ng napag-usapan ang mga intimate scenes. “With Shaina, it’s not a problem. We talk about how we would like to attack a scene. We remind each other na ‘I’m supposed to like you here.”
Para naman kay Jason, ito ang pangalawang pagkakataong makapareha ang dalaga sa isang teleserye.
“Nakaka-excite kasi yung mga naka-trabaho mo noon, makakatrabaho mo ulit,” ayon kay Jason na proud sa naabot ng kaibigan.
“Para kay Shaina ‘to. Big step ito para sa career niya,” dagdag pa niya.
Isa ring panibagong hakbang sa karera ang tatahakin ni Kaye Abad sa kanyang off-beat role sa Alyna.
“Acting wise, mas matured na yung role ko. May twist kasi yung character na hindi ko pa nagagawa sa mga nagdaang role ko. Doon ako nae-excite,” pagbabahagi ni Kaye.
Ano bang mga bagong twist at turns ang maasahan natin sa Alyna? At anong mga mahahalagang papel ang gagampanan nina Paul Jake Castillo, Beauty Gonzalez, Charee Pineda at JM de Guzman dito?

Sa direksyon ni F.M. Reyes, pakatutukan ang PHR Presents Alyna simula Lunes, September 20, pagkatapos ng Rosalka sa Hapontastic. Makibalita na sa mga latest sa Alyna mula official fanpage at www.facebook.com/phrpresents.







0 comments:
Post a Comment