Kakaibang kwento. Bagong tambalang tiyak na kakikiligan. Batikang mga aktor at komedyante. Mahuhusay na mga direktor. Pinagsama-sama ng ABS-CBN ang lahat ng ito sa isang teleseryeng siguradong magpapaganda ng inyong gabi, “IDOL”, simula na sa September 6.
Isang seryeng punung-puno ng pangarap at pag-asa, umiikot ang kwento ng Idol sa isang babaeng nagngangalang Billie na gagampanan ni Sarah Geronimo. Matatamo niya ang dagling kasikatan sa pamamagitan ng pag-awit. Ngunit dahil sa napakalaking pagkakautang ng pamilya, mapipilitan siya na iwan ang kasikatan habang tinatago ang kanyang tunay na pagkatao na siyang nagtulak sa kaniya upang mamuhay ng isang simpleng buhay bilang si Jean. Mahahati ang kanyang puso sa dalawang makikisig na lalaki na sina Sam Milby bilang Vince at Coco Martin bilang Lando, na parehong mahuhulog sa dalaga.
Matapos na pagtuunan ng pansin ang kanyang pagkanta sa loob ng maraming taon, ngayon ay muling sasabak si Sarah sa matinding pag-arte sa kanyang pagbabalik sa Primetime nights ng kapamilya. Ngayon, dalawa sa pinaka-sought after na leadingman ang kanyang makakatambal, ang Acoustic Heartthrob na si Sam Milby at ang Prince of Indie Films na si Coco Martin. Ang kanilang naiibang tambalan na siguradong kakikiligan ng buong bayan ang ang siyang dapat ding pakatutukan. Hindi lamang iyon ang dapat abangan ng mga manonood, nariyan din ang nga bagong mukha sa showbiz na kakikitaan ng malaking potensyal, tulad nina Emmanuelle Vera at ang kampyon ng Pilipinas Got Talent na si Jovit Baldovino.
Taliwas sa iniisip ng mga manonood, ang Idol ay hindi lamang isang simpleng teleseryeng pinagbibidihan ng mga artistang mahuhusay din sa pag-awit. Mapapakinggan din dito ang mga awiting OPM bilang pagpo-promote sa ating sariling musika.
Bukod sa pagpapakilig nina Sarah( Billie at Jean), Sam (Vince), at Coco (Lando) dapat ding abangan ang makukulay na tauhan na gagampanan nina, Agot Isidro bilang Laura, Zsa Zsa Padilla bilang Eleanor, Malou de Guzman bilang Sharona, Jessa Zaragosa' bilang Marimar, K Brosas bilang Rosalinda, Marissa Sanchez bilang Maria Mercedes, Robert Sena, Neil Sese bilang Samson, Jovit Baldivino, Van Roxas, Emmanuelle Vera at Tippy delos Santos.
Humanda ng mapaluha, tumawa at mapakanta gabi-gabi sa “Idol” sa direksyon nina Ruel Bayani at Jojo Saguin simula na sa September 6 sa ABS-CBN pagkatapos ng Noah. Mapapanood din ang pilot episode nito sa Studio 23 sa ganap na 8:30 ng gabi at sa Cinema One, 9 ng gabi.







0 comments:
Post a Comment