Wednesday, October 6, 2010

ALESSANDRE DE ROSSI, MULING MAGPAPAKITANG-GILAS SA PAGPAPATAWA!


Muli na namang magpapakitang-gilas ang award-winningactress na si Alessandra de Rossi sa isang natatanging pagganap at nakakatuwang karakter sa bagong kwentong handog ng Wansapantaym na pinamagatang “Cara” na magsisimula na sa Sabado sa ABS-CBN.
Kilala sa pagganap bilang kontrabida sa mga drama series, ngayon, kakaibang Alessandra ang matutunghayan sa kaniyang bagong gagampanang papel. Mula sa pagiging “Divina” sa Agua Bendita patungo sa pagiging Cara sa “Wansapanataym”, tiyak na ikagugulat ng manood ang pagbabago sa pag-arte ng naturang aktres.

“I think, oras na para medyo maiba naman yung roles na gagampanan ko para hindi naman puro evil at heavy roles! I’m glad na binigyan ako ng ganitong chance para makita din ng viewers yung kaya kong i-offer,” pahayag ng aktres.

Kasama din sa magbibigay-kulay at aliw sa “Wansapanataym” ay ang commercial model, actor at hearththrob na si Jake Cuenca na gaganap naman bilang leading man ni Alessandra.

Ang ‘Cara’, pangatlo sa mas pinagandang programa na “Wansapanataym”, ay tungkol sa babaeng may tatlong mukha at tatlong katauhan na siyang bibihag sa puso ni Jake Cuenca. Sa pagtatagpo ng kanilang mga landas ay magsisimula ang kakaibang adventure na punung-puno ng mahika.

Huwag palampasin ang pinagsamang hiwaga ng mahika at komedya ng “Wansapanataym’s Cara” sa direksyon ni Erick Salud na magsisimula na ngayong Sabado (October 9) sa ABS-CBN pagakatapos ng TV Patrol Sabado.