Friday, October 22, 2010

‘THE DOC IS IN’ KAYA ‘NEVER SAY GOODBYE’ ANG HOSTS PATI NA AUDIENCE NG PWNW

“The slowest balladeer,” biro nga ni Rico J Puno sa kasama niyang sa Hitmakers na si Nonoy Zuñiga, na laging kinakantsawan sa mabagal nitong paglalakad. Ngunit lingid sa kaalaman ng nakararami, si Nonoy, na ngayo’y win na win sa paghohost ng Pilipinas Win Na Win, ay isang duktor. Hindi nito nagamit ang kanyang propesyon na naging “bokasyon” na lang—obvious naman na siya’y isang sikat na singer at itinuturing ng legend—handa pa rin daw siyang magpataw ng saklolong-medikal kung sakali mang may aatakihin sa isa kanyang mga kasamang Hitmakers na ayon sa kanya ay “may edad na.”

"Safe na safe ang audience sa studio dahil andito ako. Lalo na si Rico J na pinakamatanda sa aming lahat. Hahaha!," patawang pahayag ni Nonoy.

Inamin ng batikang mang-aawit na malaki ang adjustment niya sa pagiging daily noontime show host. Nabago rin ang lifestyle niya dahil halos araw-araw siyang pumupunta sa ABS-CBN at ngayo'y kailangang laging handa siyang humarap sa kamera.

“Very exciting and I’m learning a lot too—in terms of adjustments sa new schedule, sa mga songs. Ang dami talagang pag-aaralan. Lalo na I’m very new sa hosting ng isang afternoon show,” ani Nonoy

Nang tanungin si Nonoy kung ano pa sa palagay niya ang dapat niyang gawin para sa show, “I’m really enjoying PWNW. But for me, I have to be more energetic, ‘yun talaga ang kulang ko pa. Even in my shows, hindi naman talaga ako yung hyper na tao. I’m more relaxed. The energy level here is really different. Kaya ngayon natututo na ako,” sabi ni Noynoy.

Sa lahat ng hosts ng PWNW, si Nonoy na nga ang maituturing na pinaka-health conscious. Sa katunayan nga, istrikto ang singer sa kanyang diyeta, maliban pa sa kanyang mga tina-take na vitamins at food supplements.

“In terms of food intake, conscious talaga ako. Ever since naman, I choose the food I take. Usually, vegetables lang and fish. Sa family kasi namin, both mother and father side, may history talaga ng major illnesses like cancer, hypertension, heart and liver diseases. Kaya I need to take care of my health. Baka kasi kapag na-trigger yung mga genes kung ganun, magkakasakit ako,” pahayag ni Nonoy

Nang tanungin kung ano ang Theme Song ng Buhay niya, agaran niyang sinabi “I'll Never Say Goodbye ang theme song ng buhay ko. It’s actually a love song but you can relate it to a lot of wonderful things.”

Matatandaang sa pilot episode ng PWNW, naging finale song ng Hitmakers ang I'll Never Say Goodbye ni Nonoy.

Nang tanungin kung sino sa mga batang singers ngayon ang maaaring sumunod sa kanyang yapak bilang bagong Nonoy Zuñiga, walang patumpik-tumpik na sinabi niya na iyon ay si Jed Madela. "Sa tingin ko siya ‘yun dahil sa istilo niya at dahil pareho kaming galing sa banda. Iba kasi ang training sa banda, yung pumwesto. Maraming alam na piesa yan at nakaharap na sa iba't-ibang klase ng tao."

Maliban sa personal na tagumpay na tinatamasa ngayon ni Nonoy, masaya din siya sa patuloy na pagtaas ng TV ratings ng PWNW. Utang na loob daw nila ang pagbabagong iyon sa ABS-CBN management na nagbigay sa kanila ng pagkakataon. At siyempre, nais din pasalamatan ng Hitmaker ang mainit na patanggap sa kanila ng mga tao.

“I feel very, very happy considering that first time naming together to host a noontime show. We never imagined that we would have a project like this,” sambit ni Nonoy.

Abangan din ang Hitmen concert ni Nonoy Zuñiga kasama si Marco Sison at ang bantog na impersonator na si Willie Nepomuceno sa Nobyembre 13 sa Music Museum. Abangan din ang sorpresang concert ng Hitmakers sa Disyembre kasama ang dalawa sa tinitingalang mga diva ng music industry.

Diba nga't milyung-milyong tuwa ang hatid ng Pilipinas Win na Win ngayon at magpakailanman kaya't tutok na’t makisaya dahil ikaw ang bida dito Lunes hanggang Sabado, 12:30 pm, pagkatapos ng Showtime sa ABS-CBN.