Friday, October 22, 2010

DOWN WITH LOVE Magsisimula na sa Lunes!


Matapos ang hit serye nito na “Meteor Garden” at “Hotshot”, muli na namang gumagawa ng ingay ang Asian superstar na si Jerry Yan dahil sa balitang handa na itong magmahal!

Pero bago mag-react ang kanyang fans, ang tinutukoy ni Jerry ay ang karakter niya bilang Elvin sa pinakaabangang romantic comedy simula ngayong Lunes (Oct 25), ang “Down with Love.”

Magtatambal dito sa unang pagkakataon ang King of Asianovela at ang Charming Sweetheart na si Ella Chen bilang Malou, na una nating minahal sa seryeng “Hana Kimi.”

Simula ng mamatay ang kapatid sa isang aksidente, si Elvin na ang tumatayong ama sa kanyang naulilang mga pamangkin. Pero dahil isa siyang mahusay na abogado, halos wala siyang oras na asikasuhin ang mga ito kaya naman umaasa ito sa tulong ng isang maid.

Marami sana ang nag-apply ngunit lahat ito ay hindi maiwasang main-love sa kanya, kaya naman ang gwapong si Elvin, on the lookout para sa yayang hindi titibok ang puso sa kanya.
Dito papasok si Malou na mapipilitang magpanggap na lesbyana para lang magkaroon ng trabaho at mabayaran ang utang ng lumisang ama.

Pabor na sana ang sitwasyon para sa dalawa pero paano kapag ang bawal main-love ay nahulog na ang loob sa amo nya? Dala ng kanilang malaaso’t pusang pakikitungo sa isa’t isa, si Elvin ay madedevelop din pero paano niya haharapin ang ideya na naiin-love na siya sa isang tomboy?

Tiyak hindi matatawarang katatawanan at kilig ang hatid sa inyo ng “Down with Love” simula Lunes (Oct 25), 5:30 PM sa first and true home of Asianovelas ABS-CBN.