Wednesday, October 13, 2010

Rico J. Puno at Pokwang may Chemistry sa Pilipinas Win na Win!

Ayon sa production staff ng Pilipinas Win na Win! kuwela't nakakaaliw ang batuhan ng linya nina Rico J. Puno at Pokwang dahil hindi ito scripted.

"Wala kaming pinapalampas na episode kasi may bagong kuwento sa dalawa araw-araw," sabi naman ng isang manonood na galing pa sa probinsiya.

Ilang araw pa lamang silang nagkakasama sa telebisyon ay nakitaan na ng kakaibang chemistry ang parehong komedyante at singer. "Bagay na bagay sila Rico at Pokey at game na game sila kaya ang saya ng show," komento ng isang TFC subscriber na nanood ng show noong isang araw.

Ganun din ang positive vibes na ramdam sa lahat ng iba pang Hitmakers na sina Rey Valera, Marco Sison at Nonoy Zuñiga. Kasama nila sina Janelle Jamer at Gee Canlas, ang mga bagong hosts, at si Valerie Concepcion.

Noong Sabado, October 9, ay masayang nag-celebrate ang PWW hosts ng kanilang weeksary kung saan naglabas pa sila ng isang cake. Biniro sila ng kanilang mga female co-hosts na sila lang ang mga artista na may contract-signing tuwing linggo.

Naniniwala naman si Rico J na ang kanilang ginagawa ngayon sa PWW ay isang pagkakataon para makatulong sa pamamagitan ng pagpapasaya sa mga Pilipino. Nang tanungin siya kung bakit pasok sa mga kababayan natin ang hosting nila, "It's a never-ending learning process naman. Hindi mo naman puwedeng sabihin na magagaling na kami. We will try our best using our experience," dagdag ni Rico.

Nang matanong naman tungkol sa kanyang mga green jokes, "Kinakabahan ako. Sa totoo lang, kami may usapan na, kapag kami nakakaligtas every week magpupunyagi kami. Nakaligtas na tayo ng one week," mabilis na sagot ni Rico J.

Marami pang mga sorpresa at mga bagong palaro ang ipapakita ng PWW sa mga darating na linggo. Mapapanood ang Pilipinas Win na Win! Lunes hanggang Sabado, 12:30 pm pagkatapos ng Showtime sa ABS-CBN.