Thursday, November 18, 2010

ERICH GONZALES AT XIAN LIM, MAGSASAMA SA 'WANSAPANATAYM' NGAYONG SABADO!

Ang dating Katorse stars na sina Erich Gonzales at Xian Lim ay muling magsasama sa isang 'Wansapanataym' episode ngayong Sabado tampok ang kwento ng “Bandanang Itim” ni Rod Santiago.

“Masaya ako ulit na maka-trabaho si Xian pero this time sa isang light story naman. Yung Katorse kasi medyo heavy yung issues na tinatackle, kaya this time, mas masaya at mas magaan lang,” ani Erich.

Ipinahayag naman ni Xian kung gaano siya ka-nostalgic noong nagte-taping sila ni Erich para sa Wansapanataym, Nung magka-eksena kami ni Erich, ang nostalgic ng feeling because the last time we had a scene together was in Katorse. It was a good experience.”

Bibigyang buhay ni Erich ang babaeng hindi nabigyan ng magandang kaanyuan ngunit ginto naman ang kalooban. Magbabago ang kanyang buhay dahil sa mahika na taglay ng bandanang itim na siyang magbibigay sa kanya ng pisikal na ganda tuwing susuotin niya ito. Samantala, mahuhulog ang damdamin ni Xian kay Erich. Paano kaya malalaman ni Xian ang kakaibang epekto ng bandanang itim? Mamahalin pa rin kaya nito ang bida sa oras na malaman niya ang katotohanan?

Abangan sina Erich at Xian sa kanilang muling pagsasama sa 'Wansapanataym' sa ABS-CBN ngayong Sabado pagakatapos ng TV Patrol.