Friday, December 17, 2010

ABS-CBN ASKS CA JUSTICE TO INHIBIT

Hinihiling ng ABS-CBN sa isang Court of Appeals justice na “i-inhibit” ang kanyang sarili sa pagdinig ng isang petisyon na inihain ng TV5 hinggil sa kasong copyright infringement laban sa nasabing himpilan at sa host nitong si Willie Revillame.

Ika-anim ng Disyembre, hiniling ng TV5 sa appellate court na maglabas ng “temporary restraining order” na hahadlang kay Makati Regional Trial Court Branch 66 Presiding Judge Joselito Villarosa sa pagdinig ng kaso dahil sa umano’y pagkiling nito sa ABS-CBN.

Ngayong araw na ito, naghain ang mga abogado ng ABS-CBN ng isang “urgent motion” na humihiling kay Court of Appeals Justice Franchito Diamante na “i-inhibit” ang kanyang sarili sa pagdinig sa kaso dahil kamag-anak niya ang isa sa mga associates ng law firm na kumakatawan sa Kapamilya Network.

Sinabi ng ABS-CBN na “mandatorily required” na iinhibit ni Justice Diamante ang kanyang sarili sa pagdinig ng kaso sapagkat kamag-anak niya si Atty. Cecilia Natividad, isa sa mga abogado sa Villaraza, Cruz, Marcelo and Angangco