Wednesday, December 8, 2010

ASAPXV GIVES BACK SPECIAL NGAYONG LINGGO

Panahon na naman ng pagbibigayan sa ASAPXV! Ngayon linggo, saksihan ang mga pinaka-heartwarming at touching moments na magpapatotoo sa kapamilya spirit sa special episode na ASAP GIVES BACK .

Ang buong ASAPXV kapamilya ay maglalaan ng kanilang oras ngayong holiday season kasama ang mga natatangi nating kababayan. Samahan ang inyong mga paboritong ASAP kapamilya kanilang pagbabahagi sa ating mga kapus-palad na kapamilya.

Abangan din ang pinaka malaking handog ng ASAPXV para sa lahat. Manood lamang ngayong linggo upang magkaroon ng pagkakataong makatanggap ng mga extraordinary gifts mula sa inyong ASAP kapamilya.

ULTIMATE HOLIDAY PARTY

Non-stop performances pa rin ang hatid ng ASAPXV ngayong Christmas season.

Damang dama na nga ang simoy ng kapaskuhan sa unparalleled concert experience mula sa mga top concert artists.

Pure music entertainment ang handog ni Mr.Pure Energy Gary Valenciano kasama ang mga acoustic favorites na sina Yeng Constantino, Sam Milby at Aiza Seguerra.

Maki-jam sa himig paskong dala ng Sessionistas.

Isa na namang showstopping performance ang regalo ng Pop Star Princess na si Sarah Geronimo sa SOS.

Magliliyab ang ASAP centerstage sa mga ultra hot dance performances mula sa Supahdance Krew, ASAP Ultimate Leading Ladies ka-back to back

ang mga Supahkids, Kim Chiu, Melai at Billy Crawford.

Maagang pamasko ang ibibigay ng mga naglalakihang artista ng Metro Manila Film Festival 2010 gaya ng DALAW, SUPER INDAY AND THE GOLDEN BIBE at RPG METANOIA.

2011 UNFOLDS

Tutukan din ang star studded Christmas Party sa balat ng telebisyon sa December 19 para sa inaabangang That’s Xmas. Panoorin ang inyong mga

paboritong ASAPXV kapamilya na maglalaban-laban para sa championship.

Salubungin ang 2011 kasama ang inyong ASAP kapamilya. May malaking pasabog na magaganap sa January 2, 2011, live na live.