Thursday, December 23, 2010

BIRTHDAY GIRL VALERIE MASAYANG NAGDIWANG NG KAARAWAN SA PWNW

Mangiyak-ngiyak si Valerie Concepcion noong matapos siyang makatanggap ng isang umaatikabong birthday surprise mula sa kanyang mga kasamahan sa hit na hit na Pilipinas Win Na Win (PWNW).

Noong una, akala ng magandang noontime show host ay magpe-perform lang siya para sa kanyang birthday special sa PWNW. Bigay-todo si Valerie sa pagkanta ng You Belong With Me na pinasikat ni Taylor Swift at lubos naman siyang pinalakpakan ng audience

Pagkatapos ang kanyang pinaka-aabangang birthday performance, isang anunsiyo ang ibinigay ng kanyang co-hosts na sina Pokwang at K Brosas. Iyon ang sorpresang awitin ng Hitmakers para lamang sa birthday girl na si Valerie.

Simpatikong inawit ni Marco Sison ang “She” para kay Valerie, sabay abot ng rosas at regalo nitong stuff toy sa magandang host. Chocolates naman ang handog ni Rey Valera sa co-host na inawitan niya pa ng “She’s always a woman to me.” Kinanta naman ni Nonoy Zuñiga ang “Pure imagination” habang iniaabot ang handog niyang libro sa dalagang mahilig magbasa.

Makabagbag-damdamin naman ang naging mensahe Rico J Puno kay Valerie. Ani ng Hitmaker “walang iwanan” at mananatili silang magkaibigan. Nakakatawang “My Way” ang inawit ni Rico J kay Valerie, sabay abot sa bolang pang-basketball na regalo nito.

Matapos ang kakaibang sorpresa, buong-pusong nagpasalamat si Valerie sa mga tapat at totoong kaibigan na nakilala niya s PWNW. Nangigilid ang luha niya nang siya ay magbigay ng pahayag.

Diba nga't milyun-milyong tuwa ang hatid ng Pilipinas Win na Win ngayon at magpakailanman kaya't tutok na’t makisaya dahil ikaw ang bida dito Lunes hanggang Sabado, pagkatapos ng Showtime sa ABS-CBN.