Sunday, December 19, 2010

DRAMA SA LIKOD NG VIZCONDE CASE TUTUTUKAN SA "PATROL NG PILIPINO"

Matapos ang labinlimang taon, naibaba na rin ng korte ang pinal na hatol sa kontrobersyal na kaso ng Vizconde Massacre, kung saan na-absuwelto si Hubert Webb at ang lima pang akusado.

Habang sila ay magdiriwang ng Pasko ng masaya, si Lauro Vizconde naman ay balik sa simula sa kaniyang paghahanap ng hustisya para sa kaniyang pinaslang na pamilya.

Saksihan ang buong kaganapan at drama bago at habang ibinababa ang desisyon ng korte sa ulat ni Jorge Cariño ngayong Martes (Dec 21) sa "Patrol ng Pilipino."

Samantala, habang papalapit ang Pasko at ang mga lansanga’y puno ng tao at mga auto, nagkalat din ang mga batang lansangan na nanlilimos. Kikilalanin ni Gretchen Malalad ang mga batang ito na nais lang magkaroon ng mas masaganang na Pasko.

Panoorin si Cariño at Malalad sa pagsuong nila sa mga isyung ito sa "Patrol ng Pilipino," Martes (Dec 21) pagkatapos ng "Bandila" dito sa ABS-CBN.