Saturday, December 18, 2010

LAOAG CITY GYMNASTICS GROUP NAG-KAMPEON SA “SHOWTIME SEASON 2” GRAND FINALS


Tinanghal na grand champion ang crowd-favorite na Laoag City Gymnastics Group sa naganap na grand finals ng Showtime season 2 noong Sabado (Dec 18).

Sa score na 9.86, pinataob ng pride ng Northern Luzon ang siyam pang ibang finalists sa pamamagitan ng kanilang nakakamangha at nakakabilib na gymnastics routine.

Nag-tie naman ang Lal-lo’s Blacklight Performers at Xtreme 24/7 sa second place (9.10) kasunod ang 89.9 Hoodz (8.9), Mama’s Boys (8.33), Big Trio (8.29), Kids@Trix (7.9), Ground Zero (7.9), Zero Gravity (7.67), at Speed Movers Crew (7.43).

Sa kanilang panalo, nag-uwi ng P1 milyon ang grupo, na sumunod sa yapak ng “XB Gensan,” ang kampeon ng unang season ng Showtime.

Simula nang unang magtanghal ang Laoag City Gymnastics Group sa Showtime ay palagi na itong nakatatanggap ng standing ovation mula sa “madlang people.” Naging sikat na usapan din sila sa mga umpukan at sa Internet.

Hindi naman nila binigo ang mga tagasuporta nila sa kanilang malinis na performance na pinalakpakan nina resident judge Vice Ganda at ang mga nagbalik na guest judge kabilang sina Karylle, Ryan Bang, Jhong Hilario, Mickey Ferriols, Papa Jack, at Richard Poon.

Abangan naman ang Christmas special ang “Showtime” simula Lunes (Dec 20) hanggang Biyernes (Dec 24) kasama sina Vhong Navarro, Anne Curtis, Kuya Kim Atienza, Jugs ng Itchyworms, Teddy ng Rocksteddy, at ang resident judge na si Vice ganda, kung saan maraming malalaking artista ang makikisaya sa madlang people.


0 comments:

Post a Comment