Friday, December 17, 2010

TED FAILON, MAY MAAGANG PAMASKO SA DALAWANG MAY KAPANSANAN

Sa kabila ng kanilang kapansanan, nananatili pa rin silang palaban kaya namang isag maagang pamasko ang handog sa kanila ni Ted Failon ngayong Sabado (Dec 18) sa “Failon Ngayon.”

Tutulungan nga ng batikang broadcast journalist ang kapwa may sakit sa buto na sina Jessie, 32, at Vhon, 8.

Ipinanganak na normal si Jessie ng kakitaan siya ng sintomas ng sakit sa kanyang unang taon. Hindi na siya nakapag-aral o kahit makapasyal man lang sa kanilang bayan. Kung lalabas man sila ay nilalagay siya sa iosang kahon para di makita at kutyain.

Samantala, dalawang taong gulang naman ng malaman ang kapansana ni Vhon. Ngunit sa kabila nito ay nag-aaral pa rin siya at nagagawag ibahagi ang kanyang talento. Sa katunayan, pasok siya sa monthly finals ng Bicol Got Talent pero dinisqualify siya dahil baka hindi niya raw kayanin dala ng kanyang kalagayan.
Tunghayan ang lahat ng iyan sa “Failon Ngayon” ngayong Sabado (Dec 18), 11:30pm pagkatapos ng “Banana Split” sa ABS-CBN.