Wednesday, December 29, 2010

GOIN’ BULILIT STARS, EXCITED NANG TUPARIN ANG KANI-KANIYANG NEW YEAR’S RESOLUTION

Kung inaakala ng nakararami na mga matatanda lamang ang dapat magbagong-buhay ngayong bagong taon, dyan sila marahil nagkamali. Maging mga Goin’ Bulilit stars kasi ay excited ng tuparin ang kaniya-kaniyang New Year’s resolution para sa darating na taong 2011.

Isa nga sa mga nais baguhin ng bahagya ang kanyang nakagawiang pamumuhay ay ang Goin’ Bulilit pioneer na si Nash Aguas. Aniya, bilang isang lumalaking bata, lalo pa niyang dapat pag-ibayuhin ang disiplina sa sarili.

“Ngayong darating na 2011, dapat bigyang halaga pa lalo ang pag-aaral ngayong lumalaki na ako,” ani Nash.

Buong puso ding ipinagmalaki ni Nash na malaki ang kanyang pasasalamat sa kanyang magulang na laging dumidisiplina’t gumagabay sa kanya. “Siyempre po alam ng magulang ko yung New Year’s resolution ko, para kung sakaling makalimot po ako, ire-remind nila ako.”

Hangad naman ni Aaron Junatas na magkaroon ng mas maraming time na makipag-bonding sa pamilya sa pagpasok ng bagong taon.

“Sobrang naging busy po ako sa pag-aartista nu’ng 2010. Ngayon po gusto ko naman na magkaroon ng time sa pamilya ko,” sabi ni Aaron.

Para naman sa sandamakmak na blessings na natanggap ni Sharlene San Pedro, dasal-pasasalamat naman ang nais niyang parating gawin. Bukod daw kasi sa kanyang mapagmahal na mga magulang, Diyos daw ang kanyang inspirasyon.

“Lalo pa po akong magpe-pray na sana patuloy pa yung mga blessings na matanggap po ng family namin. Sana din gabayan pa kami ni Bro.” Ani Sharlene.

Ngayong darating na Linggo, sa Goin’ Bulilit, pagkatapos ng TV Patrol Weekend, 12 Days of Christmas musical ang drama ng kwelang-kwelang mga Bulilits. Plus, ibibigay din nila kung anong “in” at “out” para sa taong 2011. Hindi pa diyan natatapos ang walang-humpay na hagalpakan. Umaatikabong gags na tungkol sa bagong taon ang kanilang ihahandog.

Talagang umaapaw ang sorpresa na hatid ng Goin’ Bulilit ngayong ngayong bagong taon. Huwag palampasin ang Goin’ Bulilit ngayong Linggo.

STAR POWER GIRLS, MAGHAHANDOG NG MALAKING SORPRESA PARA KAY MEGA

Ilang tulog na lang, “Mega Birthday” na! Kaya naman puspusan na din ang paghahanda ng buong pwersa ng Star Power para sa isang sorpresang handog sa pinakamamahal na mentor ng mga girls, si Megastar Sharon Cuneta.

“Wish ko para sa aming nag-iisang mentor, siyempre, ay more success at happiness. Nasa kanya na po halos ang lahat. Siguro po ang mahihiling ko na lang talaga ay yung magpatuloy ang masaya at peaceful niyang buhay,” ani Angeline.

Ang pagiging handa ng Star Power girls sa pagpasok sa glamorosong mundo ng showbiz ay isa pang regalo na tiyak na magpapasaya kay Mega. Upang tuparin ito, kailangaaroon muna ang contenders ng kanilang sariling style. Sa tulong ng acclaimed stylist na si Bang Pineda, matututunan ng mga girls na magkaroon ng sarili nilang trademark look.

Matapos ang dibdibang sessions kay Pineda, napagtanto na ng Star Power 6 ang sariling sense of style na nais nilang i-portray. Kilalanin ang mga girls sa pamamagitan ng kanilang trademark titles— Ninay, ang Redhead Pop Punkstar; Akiko, ang Sweet and Sexy Siren; K-la, ang R&B Sweetheart; Monica, ang Charming Biritera; Angeline, ang Pop Belter; at Krissel ang Soulful Diva.

Ngayong Linggo din, muling haharapin ng Star Power contenders si UP Professor Kitchie Molina para sa isa na namang intense vocal training. Plus, nagbabalik ang bukod-tanging Divine Diva Zsazsa Padilla bilang guest judge ng lalo pang umiinit na kumpetisyon.

Sino kaya kila Akiko Solon (Cebu), Ninay Lescano (Lipa City), Kaye Racho (Cebu), K-La Rivera (Canada),Angeline Quinto (City of Manila), Krissel Valdez (Davao) at Monica Sacay (Leyte) ang magniningning ng husto at tatanghaling Sharon’s Next Female Pop Superstar?

Sino sa mga Star Power contenders ang mamahalin ng husto? Para iboto ang iyong paboritong contestant, i-text lang ang SPOWER at i-send to 2331 para Globe, TM, and Sun Cellular subscribers at 231 para naman sa Smart and Talk ‘N Text subscribers.

Para sa bulk voting, i text ang SPOWER BULK —Globe, Touch Mobile, Smart and Talk and Text and Sun Cellular—sa 2366.

Abangan at huwag palampasin ang kauna-unahang search ni Sharon para sa Next Female Pop Superstar ngayong Linggo, pagkatapos ng Rated K sa ABS-CBN.

MELISA CANTIVEROS IS STARMOMETER'S 'FASTEST-RISING STAR' OF 2010

31.71% of 3,034 respondents surveyed believe that the fastest-rising star of 2010 is none other than...

Melisa Cantiveros




After winning Pinoy Big Brother Double Up last February 13, 2010, Melai Cantiveros did guesting in several talk shows like The Buzz, SNN: Showbiz News Ngayon, and Entertainment Live. She was also invited to variety shows such as ASAP XV. She and her real and reel life partner, Jason Francisco, starred in a reality show spin off entitled Melason In Love. Cantiveros also was cast in the daytime drama Impostor. She also starred in the fantaserye, Kokey @ Ako. She also played a main role in Maalaala Mo Kaya and Wansapanataym. She currently stars in the comedy gag show Banana Split and variety show ASAP. She played a supporting role in the movie "I Do." She's also a Bench endorser and appeared on the cover of Woman Today magazine.

Melisa received 962 votes or 31.71%

Garnering 20.9%, our first runner up is...

Xyriel Manabat




Garnering 17.4%, our second runner up is...

Jillian Ward




Garnering 16.64%, our third runner up is...

Andi Eigenmann




Complete results:



Photo Credits: ABS-CBN, GMA, ABS-CBN.com

BAHAY PARA SA BAWAT PILIPINO, IPAGLALABAN NI JULIUS BABAO SA KRUSADA

Mahigit limang milyong pamilyang Pilipino ang nangangailangan ng permanenteng matitirahan ayon sa National Housing Authority o NHA. Marami rin sa ating mga kababayan ang walang maayos na bahay.

Bakit nga ba may kakapusan sa bahay at may mga kakulangan sa mga programang pabahay na binibigay ng gobyerno? Ito ang sasagutin ni Julius Babao ngayong Huwebes (Dec 30) sa “Krusada” sa ABS-CBN.

Noon pa man, krusada na ni Julius Babao ang matulungan ang ating mga kababayan na magkaroon ng maayos na bahay sa pamamagitan ng iba’t-ibang fundraising projects. Sa tulong ng Gawad Kalinga, naging matagumpay ang mga ito at marami ang kaniyang nabigyan ng panibagong-buhay.

Bago matapos ang taon, samahan si Julius Babao sa kanyang krusada na alamin ang tunay na kalagayan at panawagan ng ating mga kababayan at kung paano sila matutulungan na magkaroon ng disenteng matitirahan. Dahil ang tunay na paninindigan ay hindi puro salita lamang. Makinig. Makisama. Makiisa sa “KRUSADA,” pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN.

Tuesday, December 28, 2010

ARGENTINE TELENOVELA 'MALPARIDA' PREMIERES ON JANUARY 3

In the tradition of Rubi, ABS-CBN will bring another Latinovela about vengeance and love entitled Malparida, a 2010 Argentine telenovela. The main character, Renata (played by Juana Viale) is an antihero, a cold and scheming woman seeking revenge against a man that had caused the death of her mother. The term "Malparida" denotes in Spanish a woman of questionable reputation. Malparida premieres on January 3.

The plot of Malparida is as follows:

Twenty years ago, Lorenzo Uribe discovered true love with Maria Herrera and began a romance. Lorenzo was rich, married, and had a young son: Lautaro. Maria was poor and unknown to Lorenzo, had a daughter called Renata. Maria's mother, Gracia, wanted her daughter to catch this rich man at all costs and convinced her that pregnancy would assure this. But before she could tell him, Uribe was pressured by his father to respect his obligations and regretfully ended the romance. He never knew that Maria gave birth to a child of his, an autistic son called Manu. Gracia drove her already depressed and heartbroken daughter Maria to commit suicide, and ended up raising Renata, teaching her to hate Lorenzo and blame him for Maria's death. The story begins when Renata decides to take revenge on Lorenzo. Her mission was to seduce him, get him madly in love with her, leave him and watch him die of love. However, she didn't count on falling in love with Lautaro nor did she know of Lorenzo's dangerous brother, the Admiral.

ASAP ROCKS 2011


Celebrating 15 years of Global Entertainment Domination and Impressive World Class Performers, get ready as ASAP Rocks 2011 with bigger, bolder, brighter entertainment powerhouse!

Monday, December 27, 2010

'BULONG' CINEMA TRAILER

TAKE ONE PRESENTS 'RPG METANOIA'

Thursday, December 23, 2010

BIRTHDAY GIRL VALERIE MASAYANG NAGDIWANG NG KAARAWAN SA PWNW

Mangiyak-ngiyak si Valerie Concepcion noong matapos siyang makatanggap ng isang umaatikabong birthday surprise mula sa kanyang mga kasamahan sa hit na hit na Pilipinas Win Na Win (PWNW).

Noong una, akala ng magandang noontime show host ay magpe-perform lang siya para sa kanyang birthday special sa PWNW. Bigay-todo si Valerie sa pagkanta ng You Belong With Me na pinasikat ni Taylor Swift at lubos naman siyang pinalakpakan ng audience

Pagkatapos ang kanyang pinaka-aabangang birthday performance, isang anunsiyo ang ibinigay ng kanyang co-hosts na sina Pokwang at K Brosas. Iyon ang sorpresang awitin ng Hitmakers para lamang sa birthday girl na si Valerie.

Simpatikong inawit ni Marco Sison ang “She” para kay Valerie, sabay abot ng rosas at regalo nitong stuff toy sa magandang host. Chocolates naman ang handog ni Rey Valera sa co-host na inawitan niya pa ng “She’s always a woman to me.” Kinanta naman ni Nonoy Zuñiga ang “Pure imagination” habang iniaabot ang handog niyang libro sa dalagang mahilig magbasa.

Makabagbag-damdamin naman ang naging mensahe Rico J Puno kay Valerie. Ani ng Hitmaker “walang iwanan” at mananatili silang magkaibigan. Nakakatawang “My Way” ang inawit ni Rico J kay Valerie, sabay abot sa bolang pang-basketball na regalo nito.

Matapos ang kakaibang sorpresa, buong-pusong nagpasalamat si Valerie sa mga tapat at totoong kaibigan na nakilala niya s PWNW. Nangigilid ang luha niya nang siya ay magbigay ng pahayag.

Diba nga't milyun-milyong tuwa ang hatid ng Pilipinas Win na Win ngayon at magpakailanman kaya't tutok na’t makisaya dahil ikaw ang bida dito Lunes hanggang Sabado, pagkatapos ng Showtime sa ABS-CBN.

KAPAMILYA LEADING MEN HANDA NANG TUNGHAYAN ANG PERFORMANCES NG ‘STAR POWER GIRLS’

Walang mapagsidlan ng tuwa ang Star Power girls nung nakaraang Linggo matapos i-reveal ng nag-iisang Megastar Sharon Cuneta na walang mae-eliminate sa kanila sa naturang showdown. Ngunit ngayong Linggo, ang sayang kanilang nararamdaman ay muling mapapalitan ng pangamba dahil isa na naman sa nalalabing contenders ang napipintong magpaalam sa kumpetisyon.

Ganumpaman, dapat pa ding maging maligaya ang Star Power finalists dahil kailangan nilang awitan ang kanilang paborito at pinaka-pinaguusapang Kapamilya leading men—Derek Ramsay, Zanjoe Marudo, Gerald Anderson, Jericho Rosales, Sam Milby and John Lloyd Cruz. Plus, ituturo ni Divine Diva Zsazsa Padilla at siyempre, ni Mega, sa mga girls ang paglalabas ng tamang emosyon sa pagkanta.

Mamimili ang hot na hot na leading men ng kantang maaring nagpatibok o nagpaantig sa kanilang puso at kailangan itong awitin ng mga Star Power contenders.

“Siyempre kabado na naman kaming mga girls. Before we only sing for ourselves, now we have to serenade television’s most handsome leading men. Nakakakilig diba? But we have to give our best shot,” ani Akiko na tubong Cebu.

Lubos namang natuwa si Krissel sa mentoring ng Divine Diva. Aniya, parang si Mega daw ito na itinuturing silang mga anak sa showbiz. “Nakaka-touch po talaga si Ms. Zsazsa. Tinandaan ko po talaga yung unang advice niya sa amin dati, at ngayon na mine-mentor niya kami, hindi ko po kakalimutan ang mga itinuturo niya.”

Sino kaya kila Akiko Solon (Cebu), Ninay Lescano (Lipa City), Kaye Racho (Cebu), K-La Rivera (Canada), Angeline Quinto (City of Manila), Krissel Valdez (Davao) at Monica Sacay (Leyte) ang magniningning ng husto at tatanghaling Sharon’s Next Female Pop Superstar?

Sino sa mga Star Power contenders ang magniningning at mamahalin ng husto? Para iboto ang iyong paboritong contestant, i-text lang ang SPOWER at i-send to 2331 para Globe, TM, and Sun Cellular subscribers at 231 para naman sa Smart and Talk ‘N Text subscribers.

Para sa bulk voting, i text ang SPOWER BULK —Globe, Touch Mobile, Smart and Talk and Text and Sun Cellular—sa 2366.

Abangan at huwag palampasin ang kauna-unahang search ni Sharon para sa Next Female Pop Superstar ngayong Linggo, pagkatapos ng Rated K sa ABS-CBN.

Top 20 Programs Nationwide - December 21, 2010

December 21, 2010 Comparative National Ratings Data: ABS-CBN vs. GMA-7  
Source: Kantar Media / TNS

    Gising Pilipinas (0.9%) / Kape't Pandasal (1.1%) vs. I-Witness (Replay) (1.2%)
    Umagang Kay Ganda (4.9%)  vs. Unang Hirit (2.9%) 
    Dora The Explorer (5.9%) vs. Doraemon (6.2%) 
    Spongebob Squarepants (8.6%) vs. One Piece (6.7%) 
    Mr. Bean (6.7%) vs. Shaman King (8.3%) 
    Banana Split Daily Servings (6.7%) vs. Shining Inheritance Revisited (7.1%) 
    Kapamilya Blockbusters 'Pangako...Ikaw Lang' (12.6%) vs. Love Ni Mister Love Ni Misis (4.6%) / Kapuso Movie Festival 'April Boy's Sana'y Mahalin Mo Rin Ako' (10.7%) 
    Showtime (15.0%) vs. Eat... Bulaga! (19.2%) 
    Pilipinas Win Na Win! (11.5%)  vs. Ang Yaman Ni Lola (10.6%) / Little Star (10.9%) 
    Juanita Banana (13.1%) vs. Koreana (14.2%)  Alyna (13.8%) / Down With Love (8.2%) vs. Temptation Of Wife (18.8%) 
    Shoutout (9.5%) / Sabel (18.9%) vs. Bantatay (19.5%) 
    TV Patrol (24.6%)  vs. 24 Oras (19.4%) vs. Willing Willie (14.5%) 
    Noah (27.8%) vs. Jillian: Namamasko Po! (15.1%) 
    Mara Clara (28.2%) vs. Grazilda (12.7%) 
    Imortal (27.0%) vs. Beauty Queen (11.7%) 
    Kristine (17.6%) vs. Puso Ng Pasko Artista Challenge (8.4%) 
    Perfect Match (12.4%)  vs. East Of Eden (6.2%) 
    SNN Showbiz News Ngayon (5.8%) vs. Saksi Liga Ng Katotohanan (5.6%) 
    Bandila (4.2%) vs. Reporter's Notebook (2.5%)

Tuesday, December 21, 2010

BLOCKBUSTER REUNION MOVIE NINA JOHN LLOYD AT BEA NA 'MISS YOU LIKE CRAZY,' NASA CABLE NA!

Ang pasko ay panahon ng pagbibigayan at pagmamahalan. Kaya’t buong-pusong inihahandog ng Cinema One ang pinaka-malaki nitong holiday offering, ang premiere ng box-office reunion movie nina John Lloyd Cruz at Bea Alonso na Miss You Like Crazy ngayong Disyembre 26, 8 p.m.

Ang Miss You Like Crazy ng Star Cinema ay ang naging post-Valentine treat ng pinaka-pinaguusapang tried and tested tandem nina Lloydie at Bea ngayong taon. Ang nasabing pelikula ay dinirek ng walang iba kung hindi ang tinaguriang “Blockbuster Director” na si Cathy Garcia-Molina, na siya ding nagdirek kamakailan ng My Amnesia Girl. Ang Miss You Like Crazy na sinulat naman nina Vanessa Valdez (One More Chance, A Love Story), Tey Clamor at Juan Miguel Sevilla, ay tungkol sa tinadhana, tapat at totoong pag-ibig.

Ang romatikong pelikulang ito ay binubuo ng ipinagmamalaking cast na sina Maricar Reyes, Hans Isaac, Ryan Eigenmann, Ina Feleo, Ketchup Eusebio, Tirso Cruzz III, Bembol Roco, Sylvia Sanchez, JM de Guzman, Sid Lucero at Justine Cuyugan. Halos anim na linggo din itong nasa screening bago ito inilabas sa higit 100 sinehan sa bansa. Lubos nitong pinasaya ang mga fans nina Lloydie at Bea.

Binuksan ng Miss You Like Crazy ang buhay ng dalawang magkaibang indibidwal. Si Alan Alvarez (John Lloyd Cruz) ay isang matagumpay na bachelor, promoted sa trabaho at masaya sa girlfriend na si Daphne Recto (Maricar Reyes). Ngunit isang araw mapagtatanto ni Alan kung ano talaga ang gusto niyang gawin sa buhay. Samantalang si Mia (Bea Alonzo) naman, ay sawang-sawa na sa kanyang buhay. Bumalik siya sa Pilipinas matapos ang puspusang pagtratrabaho bilang front desk officer sa Kuala Lumpur, Malaysia. Sa kanyang paghahangad na pansamantalang magpahinga, isang matinding dagok ang haharapin ng kanyang pamilya.

Sina Alen at Mia, bagaman iba ang kinamulatang buhay, ay tila tinadhana para sa isa’t isa. Sa pagkru-krus na kanilang landas sa isang ferry boat, agad silang nagkasundo at di kalauna’y humantong sa isang romantikong pagsasama.

Huwag palampasin ang Cinema One premiere ng I Miss You Like Crazy ngayong Blockbuster Sunday, December 26, 8 p.m. at may replay sa December 29, 9 p.m. Ang Cinema One ay available sa SkyCable Gold, SkyCable Silver at iba pang quality cable operators sa bansa.

KAREN DAVILA, LALABAN PARA SA MGA WORLD-CLASS NA PINOY SA “KRUSADA”


Ilan lamang sina Lea Salonga, Charice Pempengco, Brillante Mendoza, at Arnel Pineda sa mga Pilipinong gumawa na ng pangalan sa buong mundo. Sa kanilang patuloy na pagsikat ay dala nila ang bandila ng Pilipino.

Ngunit sa karangalang dala nila sa bansa, nakatatanggap ba sila ng karampatang suporta?

Ngayong Huwebes (Dec 23) sa “Krusada,” aalamin ng batikang mamamahayag na si Karen Davila kung nabibigyan ng pansin at proteksyon ng gobyerno ang mga world-class na artist ng bayan.

Sa industriya ng musika, nariyan ang ahesya ng “OPM” upang suportahan ang mga lokal na artist at musika, samantalang ang Philscap naman ang nangangalaga sa intellectual property ng mga musikero.

Kasama ang mga tanyag na Pilipino sa iba’t ibang larangan tulad ng bag designer na si Tina Ocampo, furniture designer na si Kenneth Cobonpue, at architect at interior designer na si Budji Layug, ilalantad ni Karen kung sapat nga ba ang binibigay na tulong ng gobyerno sa mga artista ng bayan.

Samahan Si Karen Davila sa kaniyang “Krusada” sa Huwebes (Dec 23) pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN.

Sunday, December 19, 2010

MAGSIMBANG GABI KASAMA ANG KAPAMILYA STARS!



Kumpletuhin ang simbang gabi kasama ang inyong paboritong mga Kapamilya stars sa “Kapamilya Simbang Gabi” tuwing 3:30 AM sa ABS-CBN.

Simula noong Dec 16 ay ineere na sa ABS-CBN ang Simbang Gabi. Gumising na ng maaga at makinig sa Misa hanggand Dec 24 kung saan ang mga magbabasa at kakanta ay mga nagnininigningang bituin ng Kapamilya Network tulad nina Dimples Romana, Jovit Baldivino, Cesca Litton, Robi Domingo, Maja Salvador, Jake Cuenca, Aaron Villaflor, Pinoy Big Brother teens, at marami pang iba.

Bawat misa rin ay may chosen charities ang ABS-CBN na bibiyayaan nila ng maagang pamasko at mga regalo.

Ang “Kapamilya Simbang Gabi” ay bahagi ng Christmas campaign ng ABS-CBN para sa taong ito. Una ng inilunsad ng kampanya ang pinag-uusapang Christmas Station ID, pagbebenta ng Kapamilya parols, at ang matagumpay at ipinalabas pa lamang na ABS-CBN Christmas special na ginanap Araneta Coliseum.

BAGONG SINGING IDOL, NADISKUBRE NG DZMM


Si Ivan Panesa, isang Pilipinong naninirahan sa Japan, ang hinirang na pinakaunang kampeon ng DZMM Global Pinoy Singing Idol sa naganap na finals noong Huwebes (Dec 16) sa Market Market mall sa Taguig. Si Ivan at ang tatlong finalists ang pumasok sa naganap na regional eliminations sa pagbisita ng DZMM World Caravan sa Japan, Canada, Spain, at Guam para i-promote ang Pilipinas at ang lawak ng sakop ng DZMM sa buong mundo.

Kasalukuyang napapakinggan ang DZMM sa Japan, Europe, North America, Middle East, at Australia via TFC (The Filipino Channel) at sa buong mundo sa pamamagitan ng live streaming sa www.dzmm.com.ph.

Nagbigay aliw din noong Huwebes sina Bugoy Drilon, Laarni Lozada, Miguel Mendoza, at Kyla. Nagsilbi namang mga hurado sina Musngi, Monet Silvestre, at Carlo Orosa. Ginawaran si Ivan ng premyong 2,500 US dollars bukod sa iba pang regalo mula sa DZMM Radyo Patrol Sais Trenta, ang numero unong AM radio station sa Mega Manila at DZMM TeleRadyo, ang nangungunang cable news channel sa bansa.


Here's a sample of Ivan's performance (video is blurred):

DRAMA SA LIKOD NG VIZCONDE CASE TUTUTUKAN SA "PATROL NG PILIPINO"

Matapos ang labinlimang taon, naibaba na rin ng korte ang pinal na hatol sa kontrobersyal na kaso ng Vizconde Massacre, kung saan na-absuwelto si Hubert Webb at ang lima pang akusado.

Habang sila ay magdiriwang ng Pasko ng masaya, si Lauro Vizconde naman ay balik sa simula sa kaniyang paghahanap ng hustisya para sa kaniyang pinaslang na pamilya.

Saksihan ang buong kaganapan at drama bago at habang ibinababa ang desisyon ng korte sa ulat ni Jorge Cariño ngayong Martes (Dec 21) sa "Patrol ng Pilipino."

Samantala, habang papalapit ang Pasko at ang mga lansanga’y puno ng tao at mga auto, nagkalat din ang mga batang lansangan na nanlilimos. Kikilalanin ni Gretchen Malalad ang mga batang ito na nais lang magkaroon ng mas masaganang na Pasko.

Panoorin si Cariño at Malalad sa pagsuong nila sa mga isyung ito sa "Patrol ng Pilipino," Martes (Dec 21) pagkatapos ng "Bandila" dito sa ABS-CBN.

ASAP XV THAT'S CHRISTMAS 2010


The hosts and performers of ASAP XV formed a group of 3 to perform a special Christmas presentations called "That's Christmas".

Group 1 or "Angas XV" group is composed of Gary V., Piolo Pascual, Sarah Geronimo, Kim Chiu, Maja Salvador, Sam Milby, Enchong Dee, Robi Domingo, Yeng Constantino, Shaina Magdayao, Erick Santos, Karylle, Nina and Zsa Zsa Padilla. They performed "How The Grinch Hates Christmas" inspired number to the tune of Michael Jackson medley hits.


The Group 2, collectively known as "2 Become 1", who also awarded this year's winner is composed of John Lloyd Cruz, Jericho Rosales, John Prats, Gab Valenciano, AJ Dee, Rayver Cruz, Mickey Perz, Sitti, Jed Madela, Nel Gomez, Gerald Anderson and Vina Morales. They performed through dance (with mixture of comedy acts) a "Celebration of Christmas Around The World".



The Group 3 called themselves as "Ka-Pamilya 3" performed . The group composed of Bea Alonzo, Nikki Gil, Luis Manzano, Enrique Gil, Princess, Young JV, Empress Shuck, Bugoy, SuphaKids and Anne Curtis. Ka-Pamilya 3's "Christmas in Heaven" themed performance, depicts how fun and rewarding it is to be in Heaven after a tragic life on earth.

I DARE YOU: THE KAPAMILYA EXCHANGE


One of the upcoming ABS-CBN shows in 2011 is a realiserye that will challenge the courage, ability and perseverance of your favorite kapamilya stars.

“I Dare You: The Kapamilya Exchange” is an upcoming reality program that will challenge your favorite Kapamilya stars to take the role of ordinary people and what they do in an ordinary day.

It will be hosted by Iya Villania, Melai Cantiveros and Jericho Rosales.
The said reality program is part of the new shows to air on ABS-CBN this 2011 dubbed as “Bida Best.”

Saturday, December 18, 2010

ABS-CBN RELEASES 'BIDA BEST' TRAILERS OF NEW SHOWS FOR 2011

Bida Best Trailer #1:



Bida Best Trailer #2:



Bida Best Trailer #3:



Bida Best Trailer #4:

LAOAG CITY GYMNASTICS GROUP NAG-KAMPEON SA “SHOWTIME SEASON 2” GRAND FINALS


Tinanghal na grand champion ang crowd-favorite na Laoag City Gymnastics Group sa naganap na grand finals ng Showtime season 2 noong Sabado (Dec 18).

Sa score na 9.86, pinataob ng pride ng Northern Luzon ang siyam pang ibang finalists sa pamamagitan ng kanilang nakakamangha at nakakabilib na gymnastics routine.

Nag-tie naman ang Lal-lo’s Blacklight Performers at Xtreme 24/7 sa second place (9.10) kasunod ang 89.9 Hoodz (8.9), Mama’s Boys (8.33), Big Trio (8.29), Kids@Trix (7.9), Ground Zero (7.9), Zero Gravity (7.67), at Speed Movers Crew (7.43).

Sa kanilang panalo, nag-uwi ng P1 milyon ang grupo, na sumunod sa yapak ng “XB Gensan,” ang kampeon ng unang season ng Showtime.

Simula nang unang magtanghal ang Laoag City Gymnastics Group sa Showtime ay palagi na itong nakatatanggap ng standing ovation mula sa “madlang people.” Naging sikat na usapan din sila sa mga umpukan at sa Internet.

Hindi naman nila binigo ang mga tagasuporta nila sa kanilang malinis na performance na pinalakpakan nina resident judge Vice Ganda at ang mga nagbalik na guest judge kabilang sina Karylle, Ryan Bang, Jhong Hilario, Mickey Ferriols, Papa Jack, at Richard Poon.

Abangan naman ang Christmas special ang “Showtime” simula Lunes (Dec 20) hanggang Biyernes (Dec 24) kasama sina Vhong Navarro, Anne Curtis, Kuya Kim Atienza, Jugs ng Itchyworms, Teddy ng Rocksteddy, at ang resident judge na si Vice ganda, kung saan maraming malalaking artista ang makikisaya sa madlang people.


BIGGEST, BRIGHTEST ABS-CBN CHRISTMAS SPECIAL


Thousands of loyal Kapamilyas filled the big dome (Araneta Coliseum) recently to watch the much-awaited ABS-CBN Christmas Special, the media giant’s biggest yuletide offering, featuring the best performances of the brightest Kapamilya stars.

Television’s largest Christmas extravaganza airs this weekend, December 19 (9:30 p.m.) for its Part 2 on ABS-CBN.

Dubbed as “Ngayong Pasko, Magniningning ang Pilipino,” the well-attended special gathered today’s most-talked about celebrities, including some acclaimed pillars in the entertainment industry.

In her Christmas message, ABS-CBN president and Chief Operating Officer Charo Santos-Concio extended her gratitude to everyone for being a loyal Kapamilya. The network chief also
gave praises to the Lord Jesus Christ, who is the real reason for Christmas.

Mr. Pure Energy Gary Valenciano together with divas Zsazsa Padilla and Vina Morales, Pop Princess Sarah Geronimo, Pinoy Rock Icon Arnel Pineda, Asia’s Idol Christian Bautista, World Champion Jed Madela, Pop Prince Erik Santos and singing sensations Rhap Salazar and Sheryn Regis, were in their highest spirits in their Christmas medley opening.

Stunning teleserye princesses Empress Schuck, Andi Eigenmann, Erich Gonzales, Maja Salvador, Shaina Magdayao, Kim Chiu, Jessy Mendiola, and Bea Alonzo sang their primetime theme songs. They all jammed with rocker Rico Blanco.

The charm of the soap opera ladies was followed by the Showtime-inspired stand-up comedy of Vice Ganda. The hit noontime celebrity introduced some of the most humorous numbers from Noah’s Zaijan Jaranilla, PBB sweetheart Melai Cantiveros and Jason Francisco, Going Bulilits Sharlene San Pedro and Nash Aguas, collaborating with comedians Kitkat, Chokoleit and Pooh.

ASAP Sessionitas, on the other hand went unusual with their classic song numbers. Nina, Richard Poon, Siiti Navarro, Duncan Ramos, MYMP and Aiza Seguerra showcased their ever relaxing vocal prowess.

The crowd became more ecstatic when teleserye love teams Cristine Reyes and Zanjoe Marudo, Anne Curtis and Jericho Rosales, Toni Gonzaga and Vhong Navarro, Bea Alonzo and John Lloyd Cruz, performed their most romantic songs.

Mega daughter KC Concepcion and acoustic heartthrob Sam Milby spearheaded the blazing song/dance numbers of the budding Star Magic artists. KC was also welcomed in the biggest celebrity core group.

Applauses kept on sound especially when Christian Bautista, Robert Seña, Isay Alvarez, Carol Banawa, Billy Crawford, Nikki Gil and Erik Santos sang their own classic rendition of some 2010 hits.

The atmosphere remained heatwarming as Gary V. sang I Will Be Here" and "The Warrior is a Child," thanking the Lord for everything He has done.

Zsa Zsa Padilla, Kuh Ledesma, and Pokwang, together with Bellestar Dancers, induced everybody’s happy mood with their diva medley number.

High energy was felt when dance superstars Enchong Dee, John Prats, Jhong Hilario, Rayver Cruz, Gab Valenciano, Vhong Navarro, and Gerald Anderson performed the hottest rhythmic moves. Today’s most celebrated Shoutout groups were also seen in their best performing action.

The ultimate Kapamilya Christmas Special also paid tribute to the personalities who have given the country glory and honor this year. Miss Universe 4th runner-up Maria Venus Raj, World Boxing Association (WBA) Interim Bantamweight champion Nonito Donaire Jr., Journey vocalist Arnel Pineda and University of Sto. Tomas Singers, who recently won the Choir of the World-Luciano Pavarotti Grand Prize in the 2010 Llangollen International Musical Eisteddfod, U.K., shone brightly in the night of inspiration.

Gretchen Barretto has also proven her beauty supremacy as she did a very hot sexy musical with Jake Cuenca, Zanjoe Marudo, Jason Abalos, and Derek Ramsey. The audience also sang with timeless hits brought by Hitmakers Rey Valera, Nonoy Zuñiga, Marco Sison, and Rico J Puno.

Star Power girls were the last to enthrall everyone as they sang with the Megastar Sharon Cuneta.

Sharon’s message to the Kapamilya’s prompted all the big stars for an unforgettable finale. All together, they sang “Christmas All Over” the world and ABS-CBN’s remarkable yuletide theme, “Ngayong Pasko Magniningning ang Pilipino.”

Friday, December 17, 2010

TED FAILON, MAY MAAGANG PAMASKO SA DALAWANG MAY KAPANSANAN

Sa kabila ng kanilang kapansanan, nananatili pa rin silang palaban kaya namang isag maagang pamasko ang handog sa kanila ni Ted Failon ngayong Sabado (Dec 18) sa “Failon Ngayon.”

Tutulungan nga ng batikang broadcast journalist ang kapwa may sakit sa buto na sina Jessie, 32, at Vhon, 8.

Ipinanganak na normal si Jessie ng kakitaan siya ng sintomas ng sakit sa kanyang unang taon. Hindi na siya nakapag-aral o kahit makapasyal man lang sa kanilang bayan. Kung lalabas man sila ay nilalagay siya sa iosang kahon para di makita at kutyain.

Samantala, dalawang taong gulang naman ng malaman ang kapansana ni Vhon. Ngunit sa kabila nito ay nag-aaral pa rin siya at nagagawag ibahagi ang kanyang talento. Sa katunayan, pasok siya sa monthly finals ng Bicol Got Talent pero dinisqualify siya dahil baka hindi niya raw kayanin dala ng kanyang kalagayan.
Tunghayan ang lahat ng iyan sa “Failon Ngayon” ngayong Sabado (Dec 18), 11:30pm pagkatapos ng “Banana Split” sa ABS-CBN.

ABS-CBN ASKS CA JUSTICE TO INHIBIT

Hinihiling ng ABS-CBN sa isang Court of Appeals justice na “i-inhibit” ang kanyang sarili sa pagdinig ng isang petisyon na inihain ng TV5 hinggil sa kasong copyright infringement laban sa nasabing himpilan at sa host nitong si Willie Revillame.

Ika-anim ng Disyembre, hiniling ng TV5 sa appellate court na maglabas ng “temporary restraining order” na hahadlang kay Makati Regional Trial Court Branch 66 Presiding Judge Joselito Villarosa sa pagdinig ng kaso dahil sa umano’y pagkiling nito sa ABS-CBN.

Ngayong araw na ito, naghain ang mga abogado ng ABS-CBN ng isang “urgent motion” na humihiling kay Court of Appeals Justice Franchito Diamante na “i-inhibit” ang kanyang sarili sa pagdinig sa kaso dahil kamag-anak niya ang isa sa mga associates ng law firm na kumakatawan sa Kapamilya Network.

Sinabi ng ABS-CBN na “mandatorily required” na iinhibit ni Justice Diamante ang kanyang sarili sa pagdinig ng kaso sapagkat kamag-anak niya si Atty. Cecilia Natividad, isa sa mga abogado sa Villaraza, Cruz, Marcelo and Angangco

Thursday, December 16, 2010

STAR POWER GIRLS, HANDANG-HANDA NA PARA SA MATINDING CHRISTMAS SHOWDOWN

Damang-dama na talaga ang simoy ng kapaskuhan! Ang nalalabing Star Power contenders ay handang-handa na para sa mas exciting na yuletide showdown. Ngayong pasko hiling nilang lahat na manatili sa kumpetisyon upang makamit ang inaasam-asam na titulo, ang maging Sharon’s Next Female Pop Superstar.

Ngayong Linggo, magpe-perform ang mga girls “for a cause.” Ngunit bago sila tuluyang magpakitang-gilas, kailangan muna nilang harapin ang puspusang vocal training mula kay University of the Philippines music professor Kitchie Molina. Tamang paggamit ng boses, tamang execution at voice modulation ang ilan sa mga ituturo ng bantog na propesor sa Star Power girls.

“It’ll be an honor to be mentored by acclaimed music teacher Ms. Kitchie Molina. I’m nervous yet excited for right vocal techniques that she’ll be imparting to us,” ani ni K-La Rivera na nagmula pa sa Canada.

Samantala, bibisita din ang Mega daughter na si KC Concepcion upang talakayin at ituturo sa mga girls ang kahalagahan ng social responsibility sa kanilang napiling karera.

Ipapakita din ngayong Linggo ang “mega” celebrations ng mga girls kasama ang natatanging Megastar Sharon Cuneta. Makasaysayan din ang partisipasyon ng mga girls sa pagpapailaw ng Araneta Center Christmas tree.

Abangan din ang mga girls na makikipagsabayan sa mga pinaka-pinag-uusapang music artists na sina Aiza Seguerra, Jed Madela at Princess Velasco.

Noong nakaraang Linggo, nagpaalam na si Laurice at Macy. Sino kaya ang susunod sa kanilang yapak? Sino ang mananatili?

Sino kaya kila Akiko Solon (Cebu), Ninay Lescano (Lipa City), Kaye Racho (Cebu), K-La Rivera (Canada), Angeline Quinto (City of Manila), Krissel Valdez (Davao) at Monica Sacay (Leyte) ang magniningning ng husto at tatanghaling Sharon’s Next Female Pop Superstar?

Sino sa mga Star Power contenders ang magniningning at mamahalin ng husto? Para iboto ang iyong paboritong contestant, i-text lang ang SPOWER at i-send to 2331 para Globe, TM, and Sun Cellular subscribers at 231 para naman sa Smart and Talk ‘N Text subscribers.

Para sa bulk voting, i text ang SPOWER BULK —Globe, Touch Mobile, Smart and Talk and Text and Sun Cellular—sa 2366.

Abangan at huwag palampasin ang kauna-unahang search ni Sharon para sa Next Female Pop Superstar ngayong Linggo, pagkatapos ng Rated K sa ABS-CBN.

GOIN’ BULILIT SUPERSTARS HAHATAW BILANG KUNG FU KIDS SA PART 2 NG BEIJING SPECIAL



Matapos ang sobrang nakakatawang pagbabalik-gag ng Goin’ Bulilit noong nakaraang Linggo sa Part 1 ng Bejing, China, episode nito, muli na namang sasabak ang kwelang-kwelang Bulilits sa matinding pagpapatawa sa Part 2 naman ng kanilang pinaka-aabangang out-of-the-country episode.

Kung Fu kids naman ang drama ng mga child superstars. At siyempre, hindi pa rin mawawala ang mga gags na tiyak magpapahagalpak sa sinuman—bata man o matanda, may ngipin man o wala. Isang “Payabangan ng mga atleta” segment din ang matutunghayan na kinunan pa sa Olympic Village ng China.

Sa isang interbyu kay Goin’ Bulilit pioneer Sharlene San Pedro, sinabi nito na bagaman malapit na siyang magdalaga, sobrang nae-enjoy pa rin niya ang samahan nilang mga bagets. Lalo pa daw siyang nag-excite nang malaman niyang sa Bejing, China, pala ang shooting ng kanilang Christmas special.

“Nu’ng malaman ko na sa China po kami magta-taping, sobrang na-excite po talaga ako. Ang ganda po talaga sa China. Napakalamig po. Siyempre, nag-enjoy ako na makipag-bonding sa iba pang mga Bulilits. Masaya po talaga,” ani Sharlene.

Talagang umaapaw ang sorpresa na hatid ng Goin’ Bulilit ngayong ngayong Pasko. Abangan sa susunod na taon ang pagbabalik ng mga Bulilits sa matinding aktingan sa Goin’ Bulilit Presents: The Adventures of Juan Kontra.”

IPAGDIWANG ANG DIWA NG PASKO KASAMA ANG ABS-CBN “BAYAN MO, IPATROL MO”

Ang pagtulong at pagpapasaya sa kapwa ngayong Kapaskuhan ay hindi lamang sa pamamagitan ng pera, mga lumang damit o kagamitan. Maari rin itong gawin sa pamamagitan ng paglalaan ng inyong oras, talento, o lakas basta ba bukal ito sa iyong kalooban.

Ibahagi na ang tunay na diwa ng Pasko at ipagpatuloy ang pagsagot sa tawag ng pagbabago sa inyong sariling pamamaraan sa naiibang kampanya ng ABS-CBN News and Current Affairs’ Bayan Mo iPatrol Mo ngayong Disyembre, ang “Pasko ng Pagbabago.”

Hinihimok nito ang mga aktibong bayan patroller na magpakita ng malasakit sa ibang tao, grupo ng tao, o maging isang komunidad tulad ng boluntaryong pagsilbi bilang mga tagapag-pasaya ng mga ulilang matatanda o bata, pamamahagi ng pagkain o laruan, paglilinis ng estero at kanal, pagtatanim ng puno, pagtuturo sa mga batang lansangan, at iba pang pwede magawa na magbibigay pag-asa sa kapwa.

Ipagbigay alam lamang ang inyong “good deed” sa BMPM sa pamamagitan ng pagpapadala ng e-mail sa ireport@abs-cbn.com o pagte-text ng IREPORTpangalanaddresskasarianang inyong mensahe sa 2366. Ang aktibidad na mapipili ay may pagkakataong maipalabas sa “Umagang Kay Ganda” at “TV Patrol” ng ABS-CBN at sa ANC kasama ang ilang ABS-CBN anchors.

Siguraduhin lamang kumpleto ang detalye ng intong suhestyon tulad ng ilan kayong kasali sa aktibidad, saan at kailan ito mangyayari, at ano ang positibong epekto nito sa komunidad na inyong pagsisilbihan.

Para sa karagdagang impormasyon ay pumunta lamang sa http://bmpm.abs-cbnnews.com

ASAPXV ROCKS 2011!

Ang pinaka-exciting na event ngayong holiday season ay inyo nang matutunghayan sa tampok na ‘ASAP THAT’S CHRISTMAS!” ng ASAP XV sa ABS-CBN ngayong Linggo.

Ito ang panahon kung saan magpapasiklaban ang pinakamaningning na bituin ng ASAP XV sa pamamagitan ng kanilang mga production numbers.

“We’re all really excited and nervous kasi everything na makikita ninyo rito--- the concepts, the music, the choreography and the props really came from all of us, our very own ideas!” saad ni Billy Crawford na napapabilang sa unang grupo.

“Nagbi-brainstorm, nagmi-meeting at talagang nagri-rehearse kami para maipakita yung best namin” pahayag naman ni Bea Alonzo kasali sa group three.

“Ang saya kasi more than the competition bonding time din naming ito bilang isang Asap family” dagdag ni Christian Baustitsa na sa group two naman kasama.

Saksihan ang inyong paboritong ASAP Kapamilya sa kanilang pagpapakitang-gilas sa ASAP XV stage ngayong Linggo at humanda na sa pinaka-aabangang Christmas face off.

Plus, maging bahagi sa nasabing mega celebration sa pamamagitan ng pagtukoy kung sino ang magiging ultimate champion ngayong taon.

MERRY CHRISTMAS KAPAMILYA!

Ito na nga ang pinaka-masayang selebrasyon na punong-puno ng mga surprises mula sa inyong Kapamilya stars.

Kumapit na dahil tiyak kikilabutan kayo sa taas at husay ng boses ng ASAP vocal powerhouse—ang Champion, ASAP Music Icons, The Sessionistas, Sarah Geronimo, Arnel Pineda, Yeng Constantino, at Gary Valenciano.

Idagdag mo pa ang Ultimate Heartthrob Piolo Pascual sa kanyang handog na panibagong album, ang Decasdes 2.

Samantala, saksihan ang makapigil-hiningang performances mula sa mga artista mula sa official entries ng Metro Manila Film Festival. Ang lead stars ng RPG METANOIA, SHAKE RATTLE AND ROLE 12, ANG TANGING INA, LAST NA TO! FATHER JEJEMON at Dalaw ay yayanagin ang entablado sa kanilang inihandang production numbers.

ASAP’S OPENING SALVO FOR 2011

Labing-anim na taon na ang ASAP pagtungtong nito sa taong 2011.

Tunghayan ang naiibang ASAP ng live sa January 2, 2011 at saksihan ang inyong mga ASAP idols sa kanilang unique performances.

Wednesday, December 15, 2010

SHOWTIME SEASON 2 GRAND FINALS, SA SABADO NA!

Sa pangalawang pagkakataon, titigil ang mundo ng sambayanang Pilipino sa paghaharap ng pinakamagagaling at pinakanakakaaliw na grupo sa “Showtime Season 2 Grand Finals” ngayong Sabado ng tanghali sa ABS-CBN.

Magtatagisan sa huling showdown ng kasalukuyang season ang “Big Trio,” “Kidz@Trix,” “89.9 Hoodz,” “Mama’s Boys,” “Lal-lo’s Blacklight Performers,” “Speed Movers Crew,” “Xtreme 24/7,” “Laoag City Gymnastics Group,” “Zero Gravity,” at ang mananalo sa Wild Card round na nagaganap ngayong linggo.

Dama naman ng mga host na sina Vhong Navarro, Anne Curtis, Kuya Kim Atienza, Jugs Jugueta, at Teddy Corpuz at resident judge na si Vice Ganda ang excitement sa napapalapit na pag-hirang ng pangalawang kampeon ng “Showtime.”

“Magagaling ang lahat ng grupo kaya siguradong mainit ang magiging labanan,” ani Vhong. May paalala naman si Vice sa mga magtatanghal sa Sabado, “hinahamon natin ang mga grupo na pakitaan kaming mga hurado at ang madlang people ng bago. Ito na ang pagkakataon nilang magpasikat kaya ibigay na nila ang lahat.”

Inaabangan din ang pagbabalik ng mga guest judge ng season 2 tulad nina Ryan Bang, Jhong Hilario, Kaye Abad, at Karylle para tumulong kay Vice sa pagpili ng grupong susunod sa yapak ng “XB Gensan,” na matapos mag-uwi ng P1 milyon ay patuloy ang pag-angat sa industriya.

Magkakaroon din ng Christmas special ang “Showtime” simula Lunes (Dec 20) hanggang Sabado (Dec 25) kung saan maraming malalaking artista ang makikisaya sa madlang people.

Samantala, huwag palalampasin ngayong Sabado (Dec 18) ng tanghali ang “Showtime Season 2 Grand Finals” pagkatapos ng “Kapamilya Blockbusters” sa ABS-CBN.

ALBIE CASINO, NAGKA-BLACK EYE DAHIL KAY KATHRYN BERNARDO?


Kung napukaw ng ‘Mara Clara’ noon ang puso ng pamilyang Pinoy, walang pinagkaiba ang maka-bagong ‘Mara Clara’ dahil tuloy-tuloy ang pagarangkada ng naturang primetime series sa ABS-CBN sa nationwide ratings.
Ayon sa pinakahuling nationwide ratings result ng Kantar Media noong December 13 (Lunes), hindi pa rin matinag-tinag sa unang puwesto ang ‘Mara Clara.’ Nagkamit ito ng 28.7% na rating habang ang katapat naman nitong programa, ang ‘Grazilda,’ ay nakakuha lamang ng 15.7% na national rating.

Samantala, painit ng painit ang alitan nina Mara (Kathryn Bernardo) at Clara (Julia Montes). Mas marami pa ang nadadamay sa away ng dalawa. Sa kabilang dako, magtataka si Vanessa (Cherry Lou) kung bakit naka shades si Christian (Albie Casino). Malalaman nito na nagka-black eye si Christian dahil kay Mara. Dahil sa nangyaring ito, pagsasabihan ni Vanessa si Christian na layuan si Mara.

Lalayuan nga ba ni Christian si Mara dahil sa kanyang natamo? Sundan ang mga susunod na tagpo sa ‘Mara Clara’ pagkatapos ng ‘Noah’ sa ABS-CBN.

BUONG BANSA, NAKATUTOK PA RIN SA ABS-CBN NGAYONG NOBYEMBRE

Bawat pamilyang Pilipino saan mang sulok ng bansa ay talaga namang nakatutok sa ABS-CBN para sa buwan ng Nobyembre lalo na sa primetime kung saan pumalo ang Kapamilya Network sa national average audience share na 40% laban sa 30% ng GMA 7, base sa datos ng Kantar Media.

Kitang kita sa top ten programs ng bansa na ABS-CBN ang namamayagpag matapos nitong makuha ang lahat sa sampung slots.

Patuloy na sinasakmal ng programang ”Imortal” ang mga kalabang programa dahil hindi pa rin ito matinag sa unang pwesto sa average rating na 27.9%.

Sinusundan naman ito ng kinahuhumalingang pagbabalik ng iringang ”Mara Clara” na pumalo ng 27.8% at ng tumitinding kwento ng ”Noah” na may 27.3%.

Panalo pa rin ang ”TV Patrol” (27.2%) at hindi pa rin mataob ng kalabang newscast at maging ng kumalakalabang game-variety show.

Pagdating sa weekend, hindi pa rin paawat sa pamamayagpag ang nangungunang weekend show na ”MMK” (25.1%) kasama ang umaariba ring ”Wansapanataym” (24.5%) at ”TV Patrol Weekend” (21.7%).

Kasama rin sa top 10 ang katatapos lang na fashionserye na ”Magkaribal” (26.8%) at kwelang kiddie gag show na ”Goin Bulilit” (20.7%).

Maging sa Metro Manila ay bumuwelta ang ABS-CBN sa mga kalabang istasyon ng makuha ng ”Magkaribal” ang unang pwesto sa average rating na 26.5% na sinundan ng ”Imortal” na may 25.2%.
Ang Kantar Media/TNS ang nangungunang market research group sa buong mundo na at naghahatid ng audience research measurement systems sa 32 bansa. Nagsimula itong maglabas ng datos para sa national television audience measurement (NUTAM) noong Feb 2009 at may panels, na binubuo ng 1,370 representative households, sa sumasakop sa urban Philippines at nag-uulat sa pitong sektor— NCR, Suburbs, North Luzon, Central Luzon, South Luzon, Visayas at Mindanao.
Lumipat ang ABS-CBN sa Kantar Media/TNS matapos magsampa ang network ng kaso laban sa AGB Nielsen Media Research sa hindi nito pagsunod sa hinihiling na imbestigasyon sa diumano’y pandaraya at pagmamanipula ng datos sa kanilang TV ratings. Nakabinbin pa rin ang kaso sa korte hanggang sa kasalukuyan.

HENRY OMAGA-DIAZ, NAKIISA SA KRUSADA PARA ISALBA ANG CHILD HAUS


Sa loob ng maraming taon, nakahanap ng pansamantalang tirahan sa Maynila ang mga kababayan nating lumuwas mula sa probinsya para magpagamot. Ito ang Center for Health Improvement and Life Development o CHILD Haus.

Sa napipintong pagpapasara rito ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO, paano na kaya ang maraming kapuspalad, kabilang ang ilang batang may malalalang sakit tulad ng kanser na umaasa dito? Ano na lang ang mangyayari sa kanila—mapipilitan na ba silang bumalik sa probinsiya?

Ngayong Huwebes (Dec 16) pagkatapos ng “Bandila sa “Krusada,” samahan si Henry Omaga-Diaz sa kaniyang pakikiisa sa laban para isalba ang CHILD Haus. Ano nga ba ang dahilan at ipinasasara ang pasilidad na ito? Nababalot na nga ba ng kurapsyon ang dapat sana’y “charity works” ng PCSO?

Iyan ang ilan sa mga katanungan na hahanapan ng kasagutan ni Henry Omaga-Diaz ngayong Huwebes (Dec 16),” sa natatanging programa sa telebisyon na may malinaw na posisyon at konkretong aksyon.

“Hindi magaganap ang pagbabago sa salita lamang. Minsan kailangang manindigan. Ang mga mamamahayag ng ABS-CBN ay handang maging simula ng pagbabago. Kaya sa ‘Krusada’ may laya silang ihayag at ipaglaban ang kanilang kani-kaniyang adhikain,” paliwanag ni ABS-CBN Head for News and Current Affairs Ging Reyes.

Making, makisama, at makiisa sa advocacy journalism na handog ng “Krusada,” dahil ang tunay na paninindigan ay hindi puro salita lamang.

Tuesday, December 14, 2010

PWNW HOSTS NAGBIGAY-PUGAY KAY WORLD BOXING CHAMPION NONITO DONAIRE

Nagmistulang welcome home party ang episode ng Pilipinas Win Na Win (PWNW) kahapon dahil sa kauna-unahang pagkakataon, nagbigay-pugay ang hit na hit na noontime show kay two-division World Boxing Champion Nonito Donaire, na kararating lang sa bansa upang dito ipagdiwang ang kapaskuhan.

Proud na proud ang mga PWNW Hitmakers na sina Rico J Puno, Rey Valera, Nonoy Zuñiga at Marco Sison sa pag-awit para sa natatanging boksingero. Ani ng mga champion sa musika, anumang laban daw ang harapin ni Donaire ay tiyak na susuportahan nila ito.

Hawak ang makulay na bandila ng Pilipinas, hindi magkamayaw ang mga audience sa pag-cheer kay Donaire. Samantalang ang maybahay naman niyang si Rachelle ay masaya siyang pinanood kasama ang iba pang PWNW hosts na sina Pokwang, K Brosas at Valerie Concepcion.

Ipinamalas din ng kampyeon na boksingero ang kanyang tinatagong talento sa pagkanta. Ka-duet ang mga Hitmakers, swabeng-swabeng inawit ni Donaire ang “More Than Words.” Kilig na kilig naman ang mga audience sabay ang pagtutok ng camera kay Rachelle.

“Upang magtagumpay sa buhay, kailangan lang talaga ay tiyaga, disiplina at higit sa lahat, tiwala sa sarili,” payo ni Donaire sa kanyang mga tagahanga.

Matatandaan na kamakailan lang ay pinataob ni Donaire ang Ukranian na si Wladimir Sidorenko sa isang sagupaan na ginanap sa Honda Center sa Anaheim, California. Ito na ang ika-24 na sunod-sunod na panalo ni Donaire.

Sa darating na Pebrero 19, muling sasabak si Donaire sa ring upang muling pabagsakin ang kanyang kalaban na si WBC bantamweight king Montiel. Nais ng ng Pinoy na boksingero na muling makasungkit ng titulo at sundan ang yapak ng kanyang iniidolong si People’s Champ Manny Pacquiao.

Samantala, nakatakda din ang pagpapakasal nina Donaire at Rachelle sa Nobyembre 11 ng susunod na taon na itatapat sa 11.11.11. Masuwerte daw kasi ang numero uno para sa boksingero kaya niya napili ang petsang ito.

Sa Sabado, guest naman ang kampeon ng tahanan, si Tanging Ina Ai-ai de las Alas.

Diba nga't milyun-milyong tuwa ang hatid ng Pilipinas Win na Win ngayon at magpakailanman kaya't tutok na’t makisaya dahil ikaw ang bida dito Lunes hanggang Sabado, pagkatapos ng Showtime sa ABS-CBN.

MY HERO NATION: THE ULTIMATE WEEKEND CRAZE FOR YOUTH

Youth out there, gear up! Hero TV, the country’s most wanted anime channel, proudly brings My Hero Nation, the first-ever talent showcase program for the pinoy teens.

Performances, dubbing, gaming, Cosplaying, anime fan mail reading, Comics and Manga-style drawing, or anything that is cool, name it, My Hero Nation definitely gives unending drives of excitement.

Spicing up the fun-filled arena of My Hero Nation are its humorous hosts Luc Rivera and Kakki Teodoro.

With its different segments ready to kick off, My Hero Nation conquers all the anime interests of today’s youth—be it for the boys or girls. Its segments include Animails (fan mail reading), MOS: Man on the Spot! (bands, cosplays ramp performances), Manganized! (on-the-spot Manga-style drawing), Dubbing Academy (all about voice acting, YHUP: Your Hero Update new programs and pre-event features), Hero We Go! (post-event features) and Hero vs. Hero (fan boys battle a la Tekken style).

Never miss the fun, adventure brought by My Hero Nation every Saturday at 11am and 8pm, with same-time re-runs every Sunday at 11am and 8pm.

For more updates, log-on to www.myheronation.com.

ASIAN SUPERSTAR LEE MIN HO, NAKIKIPAGLAPLAPAN SA PUBLIKO!


Mapangahas nga ang nasaksihang pakikipaglaplapan ng Asian super star na si Lee Min Ho (Gu Jun Pyo sa “Boys Over Flowers”) sa aktres na si Son Ye Jin na siyang tumambad sa mga tao sa isang pampublikong gusali kamakailan. Halos magkapalit na ng mukha ang dalawa sa napakamapusok na halik na pinagsaluhan nila on cam bilang pagganap sa karakter nina Gino at Julienne sa patok at talaga namang nakakakilig na Korean primetime teleserye ng ABS-CBN na “Perfect Match.” Mangyayari na nga ang hinihintay ng lahat ngayong Huwebes (Dec 16) sa gagawing pag-amin ni Gino ng tunay na nararamdaman at maging tunay na kasarian kay Julienne. Ano kaya ang magiging reaksyon ng dalaga? Matanggap niya pa kaya si Gino sa kabila ng kanyang pagpapanggap? Huwag bibitaw sa mas gumagandang kuwento ng “Perfect Match” pagkatapos ng “Martha Cecilia’s Kristine” sa Primetime Bida ng ABS-CBN.



KAPAMILYA WORLD FIESTA HITS SYDNEY

























More than 3,000 Filipinos from as far as Queensland made their way to attend the Kapamilya World Fiesta held recently at the Randwick Pavillion in Sydney, Australia, featuring most-talked-about Kapamilya Stars Gabby Concepcion, Derek Ramsey, Angelica Panganiban and Diether Ocampo.

For Dennis Padilla, host of the grandest Filipino festivity in Australia, the Kapamilya World Fiesta in Sydney is another overwhelming success for the ABS-CBN Regional Network Group (RNG). Padilla has always been the host of the well-attended Kapamilya Karavans held in some major fiestas in the Philippines.

“Saan mang sulok ng mundo, kitang-kita na tayong mga Pilipino ay talaga namang masiyahin at mahilig sa mga selebrasyon tulad ng fiesta. Kaya’t nakakatuwang isipin na kahit na nasa Australia na naninirahan ang ilan sa ating mga kababayan, nananaig pa rin ang Filipino spirit sa kanila. Sa sobrang daming dumalo, pakiramdam ko parang nasa Pilipinas lang ako,” Padilla said.

Angelica, one of the event’s performers, can’t describe the joy she felt because of the warm welcome she received from her “kababayans.” Angelica’s tandem with real-life sweetheart Derek Ramsay received loud screams and applauses from their Australia-based fans.

“Parang kailan lang nung nasa Kadayawan festival kami ni Derek. Ngayon nasa Australia na kami. Bongga! Siyempre, sobrang flattering talaga na marami palang tagarito ang sumusuporta sa amin. Kung gaano sila kinikilig sa love team namin, ganu’n din ako kinikilig na maka-bonding si Derek. Ha! Ha! Ha!,” Angelica said.

Diether, on the other hand, looks forward to perform again in Australia. The acclaimed actor admired the hospitality of the Filipinos there. “They are very accommodating of us, just as hospitable as we are in the Philippines. Ito'y isang lugar na masarap mag-perform.”



MGA ARTISTA SA ‘SABEL,’ NAGPAPASIKLABAN SA AKTINGAN!


Mga beterano’t baguhang aktres at aktor ang nagsama-sama sa pinaka-bagong primetime series sa ABS-CBN, ang ‘Sabel.’ Ngunit hindi pahuhuli ang bawat isa pagdating sa aktingan.

Bago pa mang maituturi sa larangan ng aktingan sina Jessy Mendiola, ang gumaganap na Sabel, Aj Perez at Joseph Marco, makikita na maganda ang hinaharap ng tatlo sa kanilang mga karera. Ang kanilang direktor na si Don Cuaresma ay bilib sa husay ng tatlong baguhan. “Magaling sina Jessy, Aj and Joseph. Siguro nakatulong na komportable na sila sa isa’t isa, pero nakakabilib na sa isang take kuha ng ng tatlo yung eksena,” pahayag ni Direk Don.

Samantala, walang kupas pa rin ang galing nina Rita Avila, Raymund Bagatsing, Daria Ramirez, Tommy Abuel, at Glydel Mercado. Hindi matatawaran ang kanilang pagganap sa mga mapanghamon nilang mga papel sa ‘Sabel.’

Sa pagpapatuloy ng Sabel, malalaman na ni Margaret (Rita na si Sabel (Jessy) ang dahilan kung bakit ayaw nang pumsok ni Dido (AJ) sa seminaryo. Makakapekto kaya itong rebelasyon na ito sa pagkakaibigan nina Sabel at Dido?

Huwag palalampasin ang salpukan ng mga bituin sa ‘Sabel,’ Lunes hanggang Biyernes sa ABS-CBN pagkatapos ng “Shout Out.”

‘GRAND HALAD SA KAPAMILYA’ HAILED AS BIGGEST PUBLIC SERVICE OFFERING OF THE YEAR



Over 10,000 people gathered in the one-hectare grounds of Mabolo Elemantary School in Cebu City recently, to avail of the free services of the much-awaited Grand Halad sa Kapamilya of the ABS-CBN Regional Network Group. About P5-million worth medicines, eyeglasses and other service products were given away, not to mention the free services rendered.

As early as 1 a.m., participants who came mostly from Metro Cebu, Bohol, Leyte and Negros Oriental, started piling up at the venue just right for the hundreds of volunteers and donors who attended.

Senior citizens were given priority through express lanes for the medical and dental missions as well as in other government services such as the one stop service shop of Department of Foreign Affairs (DFA), Social Security System, Pagibig, National Bureau of Investigation (NBI) and National Statistics Office (NSO).

Over 5,000 patients were given free medicines after consultations with volunteer doctors and nurses from Cebu City Medical Center, Cebu City Health Department, University of the Visayas, University of Cebu and Southwestern University. The medical and dental services were held inside the school’s Benedicto Memorial Gym.

Most of the patients who attended the medical mission came with their families. Cough and colds were the common ailments . Medicines like Paracetamol and Multivitamins were given to them by the doctors as an immediate relief.

About 600 patients, on the other hand, availed of the free dental services rendered by the Cebu City Council Committee on Health and Hospital Services and the Philippine Air Force (PAF).

Minor surgeries were also performed to about 200 patients by the surgeons of Cebu Doctors University Hospital (CDUH), while more than 2,000 patients availed the free laboratory services such as the free chest x-ray, FBS and cholesterol, optical services and free reading eyeglasses, pulmonary test and nutrition counseling. The medicines and medical equipment were donated by Jessu Christi Community.


Patients who were diagnosed with severe illness were immediately referred to the charity wards of Vicente Sotto Memorial Medical Center, Chong Hua Hospital and Cebu Doctors University Hospital.

During this joyous day of pure public service, about 300 people participated the Kapamilya Blood Donation Campaign held in five venues simultaneously.

ABS-CBN Cebu’s Kapamilya Relief Campaign also gave away relief goods to the poor families of Mabolo and its neighboring barangays. Other partner organizations distributed seedlings, candies and bread. Bantay Bata 163 and the Naval forces Central sponsored mass feeding, children’s games and free haircut.

Free livelihood seminars such as techno skills demo, business plan making, financial literacy, organic farming and waste treatment and segregation were attended by about 2,500 people. Some beneficiaries brought along their pets for free veterinary services from Cebu City Veterinarian’s Office. TESDA and IECEP also offered free mobile phone and personal computer repairs.

Sagip Kapamilya Foundation, 71 Dreams Foundation, Matahari Trading, Popular Feed Mills Corp., Wow Travel and More and the Department of Health are only of the few medicine donors in the well-attended Kapamilya gathering.

Monday, December 13, 2010

JUSTIN BIEBER HINIHIKAYAT ANG AWA SA MGA HAYOP SA PATALASTAS NG PETA


Hawak ang mikropono sa isang kamay at hawak ang kanyang alagang aso sa kabila, ang tanyag na mang-aawit na si Justin Bieber ay tampok sa isang patalastas ng People for the Ethical Treatment of Animals (PETA) Asia na hinihikayat ang mga Pilipino na mag-ampon at huwag bumili ng mga hayop. Ang patalastas, gamit ang record-breaking niyang album, My World 2.0, ay nagsasabing “My World Includes Compassion for Animals. Yours Should Too.” Ang kampanya ay inilunsad sa Pilipinas upang itaon sa kanyang napipintong konsyerto sa bansa.

Ang 16 na taong gulang na mang-aawit ay may asong nagngangalang Sam, at sa isang eksklusibong panayam, hinihikayat ni Bieber ang mga nagnanais na maging tagapangalaga ng mga aso na bumisita sa mga animal shelter. “Mahalaga talaga na mag-ampon ang mga tao,” sabi ni Bieber. “Hinihikayat ko na pumunta sa mga animal shelter o sa mga lugar kung saan makakakuha kayo ng mga aso na inabanduna o walang tirahan.”



Si Bieber ay ang pinakabagong artistang nakilahok sa PETA sa pagsasalita para sa mga hayop. Ang ibang mga artista na sumuporta sa kampanya ng PETA ay sina Lea Michele, Yasmien Kurdi, Olivia Munn, Eva Mendes, Pink, at si Christian Serratos ng Twilight.



Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang PETAAsiaPacific.com.

Sunday, December 12, 2010

KATHRYN BERNARDO, LUMALANDI NA?

Mas tumitindi pa ang mga eksena sa top-rating series sa ABS-CBN, ang ‘Mara Clara,’ sabay sa pagtaas pa ng ratings nito.

Noong Miyerkules (November 8), nakamit ng ‘Mara Clara’ ang unang pwesto sa top 20 programs nationwide ayon sa Kantar Media. Nakakuha ng 27.1% na rating ang nasabing palabas kaya naman tinalo nito ang katapat nitong programa sa GMA 7, ang ‘Jillian: Namamasko Po’ na 14.6% lamang ang nakuha.

Samantala, halos magulpi si Mara (Kathryn Bernardo) ni Gary (Jhong Hilario) dahil nabalitaan ng huli mula kay Clara (Julia Montes) na si Mara ay kayakap si Christian (Albie Casino). Ang totoo niyan ay dinadamayan lang naman ni Mara ang kaibigan. Ngunit iba ang naging basa ng kanyang matalik na kaibigan at matinding kaaway na si Clara at akala’y lumalandi na si Mara.

Magiging ugat kaya ito ng mas malalim pa na pagaaway nina Mara at Clara? Abangan ang mga susunod na tagpo sa ‘Mara Clara’ sa ABS-CBN pagkatapos ng ‘Noah’ sa Primetime Bida.