Muling sasabak sa death defying stunts ang ‘Action Drama Prince’ na si Gerald Anderson sa Wansapanataym’s Rod Santiago’s ‘Buhawi Jack’ ngayong Sabado, January 22 sa ABS-CBN.
Panibagong hamon ang proyektong ito para kay Gerald matapos ang kanyang ‘di malilimutang papel sa “Agimat Presents Tiagong Akyat.” Dumaan sa matinding pag-eensayo ng Arnis (isang uri ng Pinoy Martial Art) si Gerald upang magampanan ng mabuti ang kanyang karakter bilang Jack Isidro. “Arnis kasi yung martial art dito and the cast members really need to learn the basics para we can do our fight scenes well,” pahayag ni Gerald sa isang panayam.
Kaabang-abang din ang pagsabak sa acting arena ng anak nina Rudy Fernandez at Lorna Tolentino na si Rap Fernandez. Ito ang magsisilbing pinaka-unang proyekto ni Rap bilang Kapamilya. Nang matanong siya sa isang interview kung paano siya mamarkahan bilang kontrabida sa serye, “Sana wag naman masyado, maganda naman kasi yung kontrabidang meron pa ring puso, may pinanggagalingan hindi lang parang sa cartoons, gaya ng character ni Rex”, ayon kay Rap.
Kasama rin nina Gerald at Rap ang pinaka-bagong Kapamilya Star na si Jewel Mische na gaganap bilang Vera. Dumaan din ang katambal ni Gerald sa isang matinding pag-eensayo upang makapaghanda sa kanyang papel sa serye. Ito ang first major project ni Jewel sa Kapamilya Network matapos niyang magbida sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya.
Makikisali rin si Bugoy Carino na siyang patutunayan na isa siya sa mga namumukadkad na young superstars ngayon.
Samantala, mga batikang artista ang kasamang magbibigay kulay sa istorya ng pinakaaabangang serye: Philip Salvador (bilang Jaime Isidro), Joel Torre (bilang Manuel Miranda), Mark Gil (bilang Roger Vergara), at Tetchie Agbayani (bilang Mildred Vergara).
Mula sa panulat ng batikang comic master na si Rod Santiago na may-akda ng Agua Bendita, Nato de Coco at Bandanang Itim, ang ‘Buhawi Jack’ ay isang action adventure na tatalakay sa Philippine historical backdrops ng mga tao, lugar at mga bagay-bagay. Iikot ang istorya sa pakikipagsapalaran nina Jack, Vera at Rex upang bigyang kasagutan ang mga misteryo mula sa nakaraan na maaaring makaapekto sa hinaharap. Unang binigyang buhay ni Monsour Del Rosario ang katauhan ni Jack Isidro sa pelikula noong 1998 kasama sina Ara Mina, Carmina Villaroel at Niño Mulach.
Abangan ang ‘Buhawi Jack’ sa direksyon ni Dondon Santos ngayong Sabado sa primetime ng ABS-CBN, January 22, pagkatapos ng TV Patrol Sabado.
Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa www.abs-cbn.com at sundan ang abscbndotcom sa Twitter.









0 comments:
Post a Comment