Tuesday, February 8, 2011

"GREEN ROSE” MAPAPANOOD NA SA PRIMETIME BIDA SIMULA SA LUNES!


Babaguhin ng pinakabagong teleserye ng ABS-CBN ang kulay ng pag-ibig sa pagsisimula ng “Green Rose” sa ika-14 ng Pebrero.

Isa itong pinoy remake ng “Green Rose,” isang hit Koreanovela na ipinalabas narin sa ABS-CBN noong 2005. Ang Pinoy Version ay pagbibidahan ng apat sa pinaka-hinahangaang artista ngayon na sina Jericho Rosales, Anne Curtis, Jake Cuenca at Alessandra De Rossi.

Pagkatapos ng "Dahil May Isang Ikaw" na pinagtambalan ni Jericho Rosales at Kristine Hermosa, sasabak naman ngayon si Jericho bilang si Jerome Delgado, isang simpleng binata na mayroong simpleng pangarap sa buhay na gagawin ang lahat mapangalagaan lang ang kanyang pangalan. "Maganda yung papel ko dito. I can say na this is one of my favorite projects," pagbabahagi ni Jericho.

Samantala, si Anne ay sabik nang gampanan ang kanyang karakter bilang si Angela Tuazon, ang babaeng iibig kay Jerome Tuazon. Ito ay pagbabalik primetime ni Anne pagkatapos ng kanyang huling serye na “The Wedding” noong 2009.“Namiss ko maging part ng teleserye talaga. Kaya now that I’m given the chance again, I will definitely do my best,” ayon kay Anne.

Minsan nang nagkatambal si Jericho at Anne sa pelikulang "Baler" noong 2008 at tatlong beses pa naging nominado bilang Best Actress sa tatlong magkakaibang award-giving bodies ang huli. Si Jericho naman ay nanalo ng dalawang Best Actor awards para sa kanyang pag ganap sa nasabing pelikula.

Si Jake na naging parte narin ng isang pinoy remake, ang "Rubi" ay nasasabik narin sa nalalapit na pag-ere ng “Green Rose.” “Eversince we started taping for Green Rose, excited na ko na umere yung series dahil, walang bola po, ang ganda ng kwento. Kahit pa part ako ng cast, gusto ko rin mapanood sa primetime ito,” ayon kay Jake. Gaganap si Jake bilang si Edward Fuentabella, ang binatang gagawin ang lahat makuha lamang ang kanyang gusto kahit pa sirain niya nag tiwala ng mga taong malapit sa kanya.

Magkakaroon rin ng mahalagang papel si Alessandra sa nabanggit na primetime series. BIbigyang buhay ni Alessandra ang karakter ni Geena Rallos, ang babaeng gagawin ang lahat para sa mahal niyang si Edward. Huling napanood si Alessandra sa ‘Wansapanataym presents Cara.’

Makakasama nina Jericho, Anne, Jake at Alessandra ang ilan sa mga magagaling na aktor at aktres tulad nina—Susan Africa, Ping Medina, Smokey Manaloto, Kitkat, Gardo Versoza, Ricardo Cipeda at Janus del Prado.

Sa direksyon ng tatlong magagaling na direktor na sina Dondon Santos, Manny Palo at Darnel Joy Villaflor, ang “Green Rose” ay isang action-suspense drama na magpapakita rin ng kwento ng pag-iibig na susubukin ng matitinding panganib.

Wag palalampasin ngayong darating na Lunes, Pebrero 14 ang pagsisimula ng “Green Rose” sa primetime bida ng ABS CBN.



0 comments:

Post a Comment