Friday, February 4, 2011

KIM AT GERALD, MULING MAGSASAMA!

Muli kayong pakikiligin nina Kim Chiu at Gerald Anderson sa muli nilang pagtatambal sa “Your Song presents Kim” ngayong Linggo, February 6 sa ABS-CBN.

Matapos ang kanilang makabag-damdaming pagsasama sa pinakahuling pelikula nila noong nakaraang taon na “Till my Heartaches End,” ibabalik ang tamabalang “KIMERALD” para pakiligin ang kanilang mga fans ngayong Valentine’s.

Iikot ang istorya sa problema ni Kim tungkol sa kanyang matalik na kaibigan at sa kanyang manliligaw. Si Kim ay isang “never say no” na tipo ng babae sa lahat ng nangangailangan ng tulong niya. Nakiusap ang kanyang balikbayang kaibigan na bading na magpanggap bilang kanyang asawa upang may maiharap sa amang may sakit.

Lingid sa kaalaman ni Kim na ang kanyang manliligaw na si Gerald at ang kanyang kaibigan ay magkapatid. Dahil hindi alam ni Gerald na bading ang kanyang kapatid, aakalain ni Gerald na “two-timer” si Kim.

Paano lulusutan ni Kim ang gulong ito para mapaniwala na si Gerald talaga ang kanyang mahal?

Alamin ang kahihinatnan ng kwento ngayong Linggo, February 6 sa “Your Song Presents Kim”, pagkatapos ng ASAP Rocks sa ABS-CBN.


0 comments:

Post a Comment