Para bawiin ang kayamanang para sa’yo, handa mo bang isugal pati ang puso mo?
Isang kwela at nakakakilig na kuwento ng pag-ibig naman ang hatid sa inyo ng Precious Hearts Romances (PHR) series ngayong buwan ng mga Puso sa pagsisimula ng inaabangang ”Precious Hearts Romances present Mana Po” ngayong Lunes (Feb 21).
Tampok dito ang pinakamainit pa rin na loveteam ng masa na sina Melai Cantiveros at Jason Francisco na mapapanood sa isang naiibang pagganap.
Kilalanin at samahan si Brandi Dela Paz (Melai) sa kanyang misyong bawiin at muling kamkamin ang manang dapat sana’y sa kanya sa pamamagitan ng pagpapa-ibig sa lalaking pinamanahan nito — si Milosebio ”Milo” Kiping (Jason).
Bago yumao ang ama ni Brandi na si Vino (John Arcilla), minabuti nitong itama ang kanyang pagkakamali sa pamamagitan ng pagpapamana ng lahat ng kanyang ari-arian sa anak ng kanyang kumpare at bestfriend na si Jack (Buboy Garovillo), na kanyang pinaglihiman at trinaydor nang inangkin niya ang panalo sa isang sweepstakes ticket. Namuhay siyang marangya kasama ng kanyang pamilya dala ng perang hindi naman dapat sa kanila kaya naman sinigurado niyang makakabawi siya kay Jack sa oras ng kanyang kamatayan.
Hindi naman naging maganda ang pagtanggap ni Brandi sa rebelasyon ng ama at hindi siya makapapayag na ibang tao ang tatamasa sa yamang kanyang kinagisnan.
Magtagumpay kaya si Brandi sa kanyang mapanlinlang na plano? Maka-jackpot kaya siya sa kanyang pang-aakit kay Milo at nang makuha niyang muli ang kanyang kayamanan? Paano kapag puso ni Milo ang maari niyang mapanalunan?
Huwag palalampasin ang pagsisimula ng ”Precious Hearts Romances presents Mana Po,” ngayong Lunes (Feb 21), pagkatapos ng ”Agimat presents Kapitan Inggo” sa Hapontastic ng ABS-CBN.








1 comments:
gusto ko si TOM RODRIGUEZ dito,..pang leading man,,sisikat sya,,,as in!!
love ko din sina,,EDWARD MENDEZ,,RAFAEL ROSEL,,LANCE CHRISTHOPER,JOSE SARASOLA,.AJ PEREZ,.PIERO VERGARA,.COGIE DOMINGO,,JOSEPH BITANGCOL,,JOSEPH MARCO,.IVAN DORSCHER,.DEX QUINDOZA,KEVIN SANTOS,VIVO OUANO,.PRINCE STEFAN,CARL GUEVARA,.JAMES BLANCO,.etc,.
we miss KRISTIN HERMOSA-SOTTO,,ROXANE GUINOO-YAP,,TANYA GARCIA,..LJ MORENO,,sana makita muli sila sa tv at movies,,
Post a Comment