Friday, March 18, 2011

Kim Chiu at Vice Ganda Magsasama sa 'Your Song'

Hinangaan ni Kim Chiu si Vice Ganda dahil sa kanyang natural na pagpapatawa. Halos sumakit ang tyan ni Kim sa kakatawa noong nagkasama sila sa taping ng “Your Song” na ipapalabas na ngayong Linngo sa ABS-CBN.

“Grabe, kahit simpleng hirit lang ni Vice Ganda, natutuwa ako agad. Ang saya-saya talaga sa set naming nun,” kwento ni Kim.

Samantala, bilib rin si Vice sa angking galing ni Kim pagdating sa pagarte, “Ang dami na rin kasi nagampanan ni Kim na roles, and lahat yun nagagawa niya ng mahusay. Kahit sino ata makasama ni Kim sa eksena, magagalingan sa kanya,” pahayag ng komedyante.

Ang episode ngayong Linggo sa “Your Song” ay iinog sa kwento ng magkapatid na sina Justine (Kim) at Mars (Vice Ganda). Isang sikat na fashion designer si Justine at na ikakasal na kay Robert (Rafael Rosel). Simula nang mamatay ang magulang nina Justine at Mars, si Mars na ang tumayong ama ni Justine. Lumaki si Justine na may paghanga sa kanyang kapatid na sa Amerika nakapag-hanap-buhay bilang impersonator na hindi alam ni Justine. Paano kung dumating ang panahon na dapat nang ipagtapat ni Mars ang kanyang tunay na pagkatao?

Alamin ang kasagutan sa “Your Song presents Kim” ngayong Linggo sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com at sundan ang abscbndotcom sa Twitter.