Sunday, March 13, 2011

Paghahanda ng 'Pinas sa Lindol at Tsunami, Ipapakita sa 'Patrol ng Pilipino'

Abot hanggang Pilipinas ang takot na idinulot ng lindol at tsunami sa Japan noong Biyernes. Gaya ng bansang Japan, nasa Pacific Ring of Fire ang Pilipinas, ibig sabihin, malapit din ang ating bansa sa lindol o tsunami.

Ngayong Martes (Mar 15) sa “Patrol ng Pilipino,” alamin kung gaano kahanda ang bansa sa ganitong kalamidad sa ulat ni Jeff Canoy. Nasaksihan mismo ni Jeff ang pagkukumahog ng mga residente sa Baler, Aurora patungong evacutation centers matapos masama ang kanilang lugar sa tsunami alert. Masdan ang ginagawang paghahanda ng gobyerno at mga komunidad upang maiwasang ang trahedyang katulad sa Japan.

Samantala, isisiwalat naman ni Zen Hernandez ang mga hinaing ng mga karaniwang Pilipino sa nagtataasang bilihin dahil sa kaguluhan sa Gitnang Silangan at Africa. Sisilipin din niya ang ginagawang hakbang ng gobyerno bilang tugon dito.

Panoorin ang “Patrol ng Pilipino” ngayong Martes (Mar 15), pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN.