Thursday, March 31, 2011

Theme Song ng 'Green Rose,' Most-Requested Song sa Radyo Ngayon

Number one sa Tambayan 101.9 ang theme song ng Pinoy adaptation ng ‘Green Rose’ na “Bumuhos Man Ang Ulan” na inawit ni Jericho Rosales. Madalas irequest ang nasabing theme song sa radio program ni Arnold Rey sa Tambayan 101.9.

Lingid sa kaalaman ng karamihan ay si Echo ang mismong nagsulat at nagproduce ng kantang “Bumuhos Man Ang Ulan” na ngayo’y patok na patok sa pandinig ng marami lalo na sa mga sumusubaybay sa ‘Green Rose.’

Sabay sa labis na pagkahumaling ng mga tao sa “Bumuhos Man Ang Ulan,” ay ang walang sawa ring pagsubaybay sa mga umiinit na tagpo sa ‘Green Rose’ partikular ang epektibong pagganap ni Echo.

Wag bibitiw sa paigting na paigting na mga eksena sa ‘Green Rose” sa ABS-CBN, pagkatapos ng ‘Imortal.’