Monday, April 18, 2011

Luis Manzano, Nakalibre ng Masahe sa PGT Contestant


Hindi na kinailangan pang lumabas ni Luis Manzano para magpamasahe habang ginaganap ang season two auditions ng “Pilipinas Got Talent” dahil mismong ang contestant na si Mar Brando Zara ng Pangasinan ang nag-masahe sa kanya sa stage, sa harap ng mga judges at mga manonood. Ipinamalas kasi ni Mar ang kanyang talento sa pag-awit habang nagmamasahe na siyang sideline niya habang siya ay nag-aaral. Kinailangan naman maghubad ni Luis ng kanyang t-shirt na nagpatili sa live audience. Bagamat nakakaaliw ang ginawa ni Mar ay hindi pa rin ito sapat para sa mga hurado kaya hindi siya pinalad makausad sa susunod na round.

Samantala, malalaman na ng buong bansa kung sino ang magiging official semi-finalists ng PGT sa gaganaping judges cull sa Linggo (April 24). Ang judges cull ang proseso ng pagpili at pag-deliberate ng mga hurado kung sino sa mga nakapasa ang maglalaban laban para sa inyong mga boto sa semi-final round. Laging tumutok sa numero unang talent-reality show sa bansa na “Pilipinas Got Talent,” tuwing Sabado at Linggo 8:45 PM sa ABS-CBN.